/80/ Isang Bagong Simula

10.2K 1K 766
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ANG HULING KABANATA
Tweet: #TeamBinukotForever


Kabanata 80:
Isang
Bagong Simula


NARAMDAMAN ni Arki ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Mas lalo siyang nagising sa sunod-sunod na pagtilaok ng manok ng kanilang kapitbahay, kasunod ang boses ng kanyang Ate Shiela.

"Arki! Gising na! Male-late ka na sa school!"

Lulugo-lugong bumangon si Arki sa kanyang higaan at kaagad na humarap sa salamin. Kinapa niya ang kanyang mukha, pagkatapos ay dinama naman niya ang pagtibok ng kanyang puso.

Ilang araw na ba ang lumipas? Tila hindi pa rin siya nasasanay sa normal na pagkagising sa umaga.

Parang panaginip lamang ang lahat. Alam ni Arki na tanging sa memorya na lamang niya maalala ang mga naging paglalakbay niya, subalit nakatanim 'yon hindi lamang sa kanyang isip kundi sa kanyang puso na kikipkipin niya habambuhay.

"Ayan, naiiyak ka na naman, tama na nga ang pag-eemote," sabi ni Arki sa sarili at pinahid ang nangingilid na luha.

"Arki, bangon na!" muli niyang narinig ang sigaw ng kanyang ate.

"Opo, bumangon na!" sagot niya sabay labas ng kanyang silid. Naabutan niya si Shiela na naghahanda ng baon niya.

Mabilis siyang kumain ng almusal at gumayak. Bago pumasok sa eskwela ay humarap siya sa larawan ng kanyang Lola Bangs at nagpaalam, araw-araw niya 'yong ginagawa.

Sa eskwelahan ay masiglang pumasok si Arki, binati niya ang mga gwardiya, guro, janitor at mga kamag-aral na makasalubong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa eskwelahan ay masiglang pumasok si Arki, binati niya ang mga gwardiya, guro, janitor at mga kamag-aral na makasalubong niya. Bago siya pumasok sa loob ng kanilang silid-aralan ay biglang lumabas mula roon si Jaakko.

Nagkatitigan sila ni Jaakko, wala pa ring pinagbago ang maangas nitong postura at itsura. Bigla nitong nilabas ang kamao.

Napangisi siya at binunggo ng kanyang kamao ang kamao nito at saka siya pumasok sa loob ng klasrum. Halos malaglag naman ang panga ng mga kaibigan ni Jaakko.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon