/66/ Ang Katapangan ng Mga Duwag

11.4K 1.1K 574
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 66:
Ang
Katapangan
ng
Mga Duwag


NANGINGINIG man ang mga tuhod ni Leo ay patuloy pa rin ang kanyang pagtakbo paakyat sa bulkan at saka lamang niya nakumpirma ang hinala na ang katawan ng dragon ay bahagi ng bulkan. Nadapa siya bigla nang yumanig ang lupang kanyang inaapakan. Muli siyang bumangon at muling tumakbo paakyat kahit na tuluy-tuloy ang pagsabog sa kanyang paligid hindi alintana ang posibilidad na maaari siyang masabugan ng mga bombang hinuhulog ng grupo nila Makisig.

Isang bomba muli ang nahulog 'di kalayuan sa kanya kaya tumalsik siya. Mabuti't humampas siya sa isang puno kaya hindi siya nagpagulung-gulong paibaba. Habang nakakapit sa puno'y naalala niya ang kinuwento sa kanila noon ni Marikit, kung paano biglang lumitaw ang dragon sa kanilang bayan.

Nagising na lamang daw ang lahat na may dragon ng nakapulupot sa bulkan. Pilit inalala ni Leo kung nabanggit ba ni Marikit kung lumipad ba ang dragon subalit wala itong naikwento maliban na lang na kayang humaba ng mga ulo nito na siyang nagkalat ng apoy na yumasak sa kanilang bayan.

"Walang pakpak ang dragon..." sabi niya matapos hanapin ng kanyang mata kung may pakpak ba ang halimaw. "Kung gano'n... Parte ng bulkan ang dragon... Maaaring nagising na lamang ito bigla..."

Pumikit saglit si Leo habang yumayanig pa rin ang buong paligid niya. Biglang pumasok sa kanyang memorya ang isang lumang alaala. Science fair, isang malaking kahihiyan dahil palpak ang proyekto nila, sumabog ang project nila at natalsikan ng maraming kalat ang mga jury. Naalala ni Leo ang proyektong 'yon, gumawa sila ng maliit na pekeng bulkan.

"Kung parte ng bulkan ang katawan ng dragon... Isa lang ang naisip ko... self-destruction! Pero paano ko mapapasabog ang bulkan?!" nawawalan na siya ng pag-asa nang mapagtanto ang kanyang ideya, habang lumilipas ang bawat segundo ay mas nagiging desperado ang sitwasyon, wala nang ibang maisip na paraan si Leo para mapatay ang dragon.

Bumaba siya sa puno at muling tumakbo. Nagkaroon siya ng panibagong ideya nang makita niya si Makisig sa itaas. Kahit na anumang sandali'y sasabog na ang kanyang baga sa sobrang hingal ay pilit niyang binilisan ang pag-akyat .

"Makisig!" sigaw niya at kumaway-kaway pa siya subalit hindi man lang siya nito narinig o nakita. "Teka lang! Makinig ka sa plano ko!"

Walang nagawa si Leo nang lumipad palayo si Makisig. Natigilan siya nang makita ang isang bagay na nakasabit sa isang puno 'di kalayuan.

"A-Ang birang!" bulalas niya. Sigurado siya na iyon ang mahiwagang birang ni Haring Laon na kinuha sa kanya ni Makisig. Nilibot ni Leo ang tingin at nakita niyang bumabalik sa kampo ang grupo ni Makisig. "Mukhang nahulog ni Makisig ang birang tapos naubusan na sila ng bomba." Kaagad niyang naisip na iyon ang maaaring nangyari.

Dali-daling tumakbo si Leo papunta sa puno at mabilis na nakuha ang birang. Napatitig siya rito saglit habang hawak-hawak ang bagay na nagbigay sa kanya ng kapangyarihan, muli, ay nasa kamay niya na iyon. Naisip ni Leo na mukhang kapalaran na talaga ang nag-uudyok sa kanya na gawin kung ano ang dapat gawin.

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon