/31/ Ang Prinsipe

23.3K 1.6K 444
                                    


Kabanata 31:Ang Prinsipe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 31:
Ang Prinsipe


MAGANDA ang sikat ng araw noong hapong 'yon, masigla ring humuhuni ang mga ibon sa malawak na bakuran. Payapa ang buong paligid subalit nanatiling may bumabagabag sa mga puso ng kabataan na nasa loob ng Donohue Mansion. Sa enggrandeng bulwagan doon nagtipun-tipon sila Arki, Rahinel, Roni, Vivienne, Leo, at Jazis.

Kakaalis lang ng mayordomo matapos silang hainan ng tsaa at biskwit. Pagkasara ni Vivienne ng malaking pinto ay muli siyang bumalik sa kanyang upuan. Tumikhim si Leo, nakasuot ito ng salamin na may kasamang pekeng malaking ilong at bigote, nakuha nito sa ibabaw ng kabinet sa loob ng mansion.

"Okay, mic test," sabi ni Leo kahit wala naman talagang hawak na mikropono. "Ready na ba kayong lahat?" sa tabi ni Leo ay may white board.

"Ano bang gimik 'yan?" iritadong komento ni Jazis pagkahigop ng tsaa.

"Give me that Groucho glasses," sabi ni Vivienne pero itinaas ni Leo ang kamay upang pahintuin ito sa pagsasalita.

"Huwag kayong KJ," sabi ni Leo na ikinailing ni Roni. Magsasalita ulit si Leo nang tumayo si Vivienne saka pumunta sa harapan habang nakahalukipkip.

"Before we proceed to our mission, we need to talk about what happened yesterday. Each one of us will tell how they encountered those monsters."

Isa-isa silang nagkwento tungkol sa nangyari noong nagdaang araw. Nauna si Jazis.

"Actually, pauwi na dapat ako kahapon. Kaso, narinig ko 'yung mga sigawan, tapos laking gulat ko na lang na... may mga halimaw sa hallway!" may emosyon at aksyon ang pagkukwento ni Jazis habang nakatingin lahat sa kanya. "Nagtago ako sa Chemistry lab, mga ilang minuto rin akong nasa ilalim ng table noon at takut na takot. Hanggang sa narinig ko 'yung boses ni Arki. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na tumatakbo sila ng friendship niya, ayun tinulungan ko sila gamit ang aking super powers! Grabe ang galing ko nga eh!"

"Matanong ko lang, kaya mo talagang gumawa ng kidlat?" tanong ni Arki.

"Uhmm... Actually, dahil sa adrenaline rush siguro first time kong sinubukan 'yong dasal na 'yon ayon sa itim na libro ng aking lolabels!" pagmamalaki ni Jazis.

Sunod na nagsalaysay si Leo, hinubad na niya ang Groucho glasses at sinoli 'yon kay Vivienne.

"Magkasama kami ni Roni kahapon, iniwan muna namin si Arki at Yumi para makapagheart to heart talk sila, alam ninyo naman ang mga babae ang daming arte—" sinamaan ng tingin ni Arki si Leo. "Ah, so ayon nga, naghihintay kami ni Roni tapos bigla na lang sumulpot 'yung mga panget."

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon