/60/ Ako Ang Huling Binukot!

12.4K 1.4K 1.3K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 60:
Ako Ang Huling Binukot!


ISANG pamilya ng pulubi ang nagmalasakit kay Karl na gamutin ang sugat na natamo niya sa kanyang leeg. Palisaw-lisaw siya ngayon sa siyudad ng Madhi sa paghahanap sa kinaroroonan ni Shiela, hindi niya namalayan ang layo ng kilometro na kanyang nilakad.

Hanggang sa mapagod si Karl at walang ibang nagawa kundi mapasalampak sa konkretong sahig habang sapo ang makapal na tela na nakatali sa kanyang leeg. Tumingala siya sa langit at halos hindi na niya matanaw ang mga bituin dahil sa polusyon ng siyudad.

Unti-unting pumasok sa kanyang isipan ang kawalan ng pag-asa, noon lamang niya 'yon naramdaman magmula nang mapadpad siya sa hindi pamilyar na mundo. Wala na si Shiela sa kanyang tabi, ang gumagabay sa kanya sa paglalakbay na pinasok niya.

Hindi sigurado ni Karl kung mananalangin ba siya sapagkat matagal na niyang tinalikuran ang pananampalataya. Simple lang naman ang gusto ni Karl sa buhay, ang mag-aral at magturo ng kasaysayan, wala siyang gaanong ibang interes. Bata pa lamang siya ay pinamulat na sa kanyang kaisipan na tutulungan niya ang kaibigan ng kanyang mga ninuno, si Prinsipe Rakum.

Ang lahat ng 'to ay para kay Prinsipe Rakum, naisip noon ni Karl. Nais na niyang sumuko at tapusin ang lahat, pakiramdam niya'y walang saysay ang mga pinaglalaban niya. Pero sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang imahe ng isang dilag na nagturo sa kanya ng totoong depinisyon ng katapangan at katapatan ay nagbago ang kanyang ilang pananaw. Naisip noon ni Karl na magbabago ang lahat sa oras na makalabas siya rito ng buhay.

Umaasa si Karl na babalik si Shiela, na ligtas ito at buhay, dahil alam niyang malakas si Shiela. Subalit lumipas na ang maraming oras at walang ibang sumasaklolo sa kanya'y pilit niyang winawaksi sa kanyang isip na maaaring wala na si Shiela, maaaring makulong siya sa isang estrangherong mundo hanggang sa malagutan siya ng hininga.

'I'll never see a woman like her again,' ang tanging naisip niya nang unti-unting tinatanggap ang mapaklang katotohanan na wala na si Shiela.

At kung kailan tinanggap ni Karl ang masakit na pagkatalo ay saka siya muling binigyan nang pag-asa nang mahagip ng kanyang paningin ang mongheng tumulong sa kanila noon. Buong lakas siyang bumangon at hinabol ang monghe subalit mabilis ang paglalakad nito kaya tumigil siya at buong lakas na sumigaw.

"Master Yogi!" halos umalingawngaw ang boses ni Karl sa paligid.

Huminto ang monghe at dahan-dahang tumingin sa kanya. Hindi man niya ito lubusang kilala ay nabigyan pa rin siya ng pag-asa na maaaring hindi pa huli ang lahat, na maaaring may rason pa siya para lumaban. Saka siya hinang-hina na bumagsak sa lupa.

"Rahinel... Shiela..."


*****

Ang Huling Binukot (The Last Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon