Chapter 24

286 14 17
                                    

A/N:

This chapter is dedicated to SAPBUTVroysionaronal. THANK YOU SO MUCH FOR WAITING. I LOVE YOU!



Fiona's POV:

"Ex mo pala si Tyler?" biglang tanong ni Sebastian habang tahimik pa din kaming apat na nakaupo at nagmamasid sa paligid.

Taka akong tumango at ngumiti, tinignan ko si Lala na palihim lang na nakikinig. "Y-Yeah..." I answered.


"Wow! Alam mo bang idol na idol ko yon?! Ang galing-galing nyang umarte! Mapa-aksyon o drama!" puno ng pagkamanghang sambit ni Sebastian.


Napangiti naman ako sa narinig ko. Yeah, Tyler is so good at acting. Kaya siguro nagustuhan ko sya, he's determined to get what he wants. A hard working person.

"Ehem..."  tumikhim si Grey kaya sabay kaming tatlo na lumingon sa kanya. Kinunutan nya lang kami ng noo.

"What?" he sounds irritated.

Umiling lang kami at nagpatuloy sa pagsasalita si Sebastian. "Are you still connected with each other? Fan na fan kasi talaga ako ni Tyler!" excited nyang tanong at parang bata na kumikislap ang mata nito habang nakatingin saakin.

"Idol mo yun? Eh babaero yung siraulo na 'yon." singit naman ni Lala habang kumukuha ng mangunguyang pulutan sa tabi nya.

"Ehem.." tumikhim nanaman ulit si Grey ngunit hindi nalang namin ito binigyang pansin dahil baka inuubo ito. Bigyan ko kaya sya ng gamot? Baka kase lumala ubo nya.

"Idol ko sya sa galing nyang umarte, hindi naman sa pangbababae nya." paliwanag ni Sebastian kay Lala.


"Tsk tsk tsk. Ang galing mo talagang mangunsinte. Pati pinsan mo nilalakad mo dyan sa bestfriend mong babaero din." prankang ani ni Lala rito na nakapagpatahimik kay Sebastian.

Natahimik kami, dahil na din siguro sa sinabi ni Lala. Hanep, ang honest ng dila ni Lala kapag nakainom, o kahit hindi naman sya lasing ganon pa din eh. But I cannot take this silence anymore kaya ako na ang gumawa ng topic.

"Do you want to say something to him, Sebastian? I mean, kay Tyler?" I asked trying to enlighten the atmosphere.

Malawak na ngumiti ulit si Sebastian at animoy nabuhayan ng pag-asa. "P-pwede mo akong ipa-video greet sakanya? Grabeee! Fan na fan nya talaga ako!" excited at medyo tatalon-talon nya pang sabi habang kumikislap nanaman ang mata nito na parang bata.

I smiled and giggled, "We're no longer connected, but I'll try my best to connect with him again. I'll ask for your video greet." sabi ko at saka kinindatan pa sila Sebastian. Para naman itong batang niyakap si Lala, at hindi na nakapalag si Lala dahil obvious naman na mas malakas ito kesa sakanya.

Huminto na ito at tinignan ulit ako,"At saka malay mo... Dun kayo magka-ayos ulit ni Tyler, diba! Hehe—" naputol ang sasabihin ni Sebastian ng....

"EHEM!" malakas na tumikhim si Grey na nagpakunot ng mga noo namin.

Nilingon namin ito at takang tinignan. "May ubo ka ba, Grey? Baka TB na yan,ah! Sabihin mo lang, pakakabitan kita ng antena." panunuya ni Lala kay Grey at sinubo ang kornik na kinuha galing sa lalagyanan nito.



Napaiwas sya ng tingin ng lingunin ko sya ng may ngiti sa labi, "Bawal ba umubo?" he sarcastically said and even turned his eyes on Lala.


"May virus ka atang dala eh." pabulong na sabi ni Lala.

Natahimik na kaming tatlo kaya naman napatitig nalang ako sa kawalan na may magandang ngiti saaking labi at may kilig sa aking damdamin.


My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now