Chapter 16

295 16 5
                                    

Fiona's POV:

"You're the nonsense here. Alam mo ng hindi kita gusto pero pilit mo pa rin na isinusuksok sarili mo sakin. You're disgusting." nadurog ang puso ko sa narinig ko galing mismo sakanya.

"Am I really? Huh!" kunwari akong natawa at sarkastiko siyang tinignan mula ulo mukhang paa. Kahit masakit at tagos sa dibdib ang sinabi nya ay ngumiti lang ako. "Sino ba dito ang pinakasalan ako para sa pera lang? Hys as far as I know napaka-nonsense 'non." I crossed my arms and look straightly on his eyes that is full of hatred. Masakit,oo kase yung taong tinitignan ko ngayon ay sya pang minahal at mamahalin ko pa 'SANA' pero ano ba laban ko sa kabit nya? Well, meron naman akong maibubuga,yaman pa lang baka maibuga nya na laway nya,pano pa kaya kapag lahat-lahat na?

"You must be really kidding me." tumawa pa sya. "Your parents forced me to marry a cheap girl like you, I refused it but they price you, a hundred billion,so why not? I'm not aware na bayaran ka pala." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko at para akong nahilam ang mga mata ko ng maalat na dagat dahil bigla itong sumakit at parang gusto ng magsitulo ng mga luha ko. Hindi ko inaasahan ang sasabihin nya kaya naestatwa lang ako habang nakatitig sa mga mata nyang parang kinasusuklaman ang pagmumukha ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko at anytime na gumalaw ako ay siguro agad akong matutumba.

Walang kung ano-ano ay nagulat ako ng biglaang pagsusuntukin ni Dwayne si Grey na nagpahiga pa rito sa buhanginan. Inaawat ni Megan at Sebastian si Dwayne ngunit sadyang malakas si Dwayne at patuloy pa din sa pagpapaulan ng suntok kay Grey. Si Lala naman ay naka-tunganga lang at kinakagat pa nito ang kanyang kuko na para 'bang naeenjoy nyang panoorin na nagdudusa si Grey sa mga suntok ni Dwayne.

"Ang tagal ko ng hinintay 'tong time na 'to..." ani ni Lala habang kinakagat pa din ang kuko na animo'y bata pa. "GO DWAYNE!!!!! SUNTUKIN MO SA MUKHA! SIGE YAN PA! SIGE SIGE! PAK! OH PAK! GANYAN! ETO SAYO! OH PAK!" ang loka-loka naka-action pa nga.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. Hindi ko alam kung kanino ako papanig. Mahal ko si Grey pero hindi sapat ang salitang MAHAL sa sakit na binibigay nya saakin. Oo at mahal ko sya pero paano naman ako? Paano naman yung sarili ko? Paano naman yung pagmamahal na nasayang lang kase pinili ko sya? Paano naman yung mga taong gusto akong mahalin?

Tinignan ko si Grey habang sinusuntok sya ni Dwayne. Nakahiga lang ito sa dilaw na buhanginan dito sa dagat habang enjoy na enjoy sa pagtanggap sa bawat suntok ni Dwayne. Hindi ito bumabawi, hindi nya sinusuntok kaya agad akong nagtaka. Dumudugo na ang labi nito at halatang bugbog na bugbog na pero hindi pa din sya tinitigilan ni Dwayne.  Abalang-abala si Megan at Sebastian sa pagpigil sa kanilang dalawa pero ayaw talagang magpatigil ni Dwayne. Buong lakas ata nito nilagay nya na para mabugbog si Grey.

"ANO BA DWAYNE!" Megan.

"DRE! WAG KAYONG MAGSUNTUKAN DITO! DRE,ANO BA! TINATAMAAN AKO! DREEEEE!" Sebastian.

"GET YOUR DIRTY HANDS ON MY BOYFRIEND,LITTLE ASSHOLE!!!!" sigaw ni Megan na nagpatinag sa tenga ni Lala. Matapang na sumugod si Lala sa pwesto nila Grey.

Lala forcefully grab Megan's hair and slap her so hard. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Lala. Agad akong lumapit sa dalawa at sinubukang paghiwalayin sila dahil bigla nalang silang nagsabunutan at pagulong-gulong nalang sa buhanginan. Pero masyadong mahigpit ang hawak ni Lala sa buhok ni Megan na balak pa ata niyang lunurin dahil palapit na sila ng palapit sa dagat.

Nasulyapan ko sila Dwayne,Grey at Sebastian at may kung ano saakin na biglang natawa,hindi ko alam at wala akong alam sa nangyayari pero kase biglaang napasali sa away ng dalawa ni Sebastian na nakikipag-suntukan na din.

"YAN GUSTO NYO AH! OSIGE!" ani pa ni Sebastian habang nakikipasuntukan sa dalawa.

Nakatayo lang ako sa gitna ng nag-aaway habang tinitignan magkabila ang salpukan ng bawat isa.

'Fiona.... Anong kaguluhan ang ginawa mo?'

Naguguluhan kong tanong sa isip ko.

"ARAY!"napahiga ako ng may biglang humigit ng buhok ko at napantantong balak akong idamay ni Megan sa away nila.

Gusto mo 'to, edi pagbigyan!

Hindi ko alam pero lahat ng galit at inis ko ay agad kong naibunton kay Megan, parehas kaming nakasabunot ni Lala sakanya at pinagtatampal pa ito kahit san parte ng mukha nya. Wala na kaming pake kung naka beach attire kami as long as mailabas namin ang galit namin sa isa't-isa ay ayos na.

"MALANDI KA! HIPON! MUKHANG TAE! MUKHANG WALANG MUKHA!" inis na ani hiyaw ni Lala habang gigil a gigil itong nakasabunot kay Megan.

Tumango-tango ako na parang walang alam sa nangyayari kahit nakikisabunot lang naman ako. "O-OO! TAMA! MUKHA KANG ANO—UHM....MUKHA KANG.... SERENA?" panandaliang huminto si Lala at nilingon ako ng may halong pagtataka.

"Tanga! Dapat shokoy kase galit ka! Ulit!" ani nito habang nakapatong sa tyan ni Megan na lamog na lamog na sa sampal naming dalawa.

Tumango ulit ako. "Okay, take two. Take two! Brace yourself,Megan." tapang-tapangan kong ani at nagpatuloy sa paglamog kay Megan.

Nakakasabunot din naman sya samin pero hindi gaanong masakit kaya okay lang. Hampas dito at hampas doon. Gulong dito at gulong doon. Sipa dito at sipa doon. Sabunot here,sabunot there. Ganyan kami sa ilang minuto naming rayot.

Pati ang mga lalaki ay nagawi na sa dagat at nagsasapakan, si Grey na halos matanggal na ang beach short, kaya pwede nang makita ang panloob nya,si Dwayne na halos mapunit na ang white T-shirt nito kakahigit ni Sebastian at lastly si Sebastian na tinanggal na ang T-shirt dahil nakasabunot ito at nakahigit sa dalawa.

Pero dahil hindi pa kami natatahimik ni Lala sa ginawa ni Megan ay may naisip na plano si Lala. Tinanguan ako nito at alam ko na ang gusto nyang ipahiwatig, tinanguan ko din ito.


Agad tumayo si Lala kaya pinigilan ko at hinigaan ko sa tyan si Megan para hindi ito makatayo. Hinawakan ni Lala ang pares na paa ni Megan.

"Tanga! Bilis tayo!" sigaw nito saakin kaya agad kong ginawa.

Hinigit ko naman sa pares na kamay si Megan na palingon-lingon saaming dalawa ni Lala dahil parang alam na nito ang plano namin.

"N-No!!! N-no you can't!!!" nginig na sigaw ni Megan pero tumawa lang kami ni Lala at mabilisan syang kinaladkad papuntang dagat.

We both tried to swing Megan using her arms and legs. Magaan lang siya kaya nakaya namin syang iugoy ng ganon lang. Natawa kaming parehas ni Lala.

*SPLASHHHHH!*

Malakas ang naging impact ng tubig ng ihagis namin si Megan sa dagat. Nagtawanan lang kami ni Lala at nakahawak pa sa tyan.

"ULOL! BAGAY KA DYAN! HIPON KA DIBA?! HAHAHAHAAHHAAH!" malakas na hiyaw ni Lala sabay halakhak.

Tumayo agad si Megan kaya hinatak ako ni Lala pasulong sa dagat kung nasasaan si Megan. Hindi ito pinalagpas ni Lala at agad ulit dinaganan si Megan dahil para malublob ito sa ilalim ng dagat. Ako na hindi alam ang gagawin ay tinignan lang sila pero nakisali na din ako sa pagsasapukan ng biglaan akong madakdak sa ilalim ng dagat ng dahil sa paghatak saakin ni Megan.

At nag away kami ng maghapon.....

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now