Chapter 11

303 22 0
                                    

Lala's POV

"Why aren't you doing anything?!" galit na ani ni Dwayne saamin kaya naman naiangat ko ang kaliwang kilay ko.

"Panong galit?" pambabara ko pa rin dito.

Ano pake ko? Eh kung matino kase talaga asawa nitong ni Fiona edi hindi sya magkakaganyan.

"Stop being nonsense,Laxene." aning Dwayne.

"Naks! Mas gusto ko atang tinatawag akong Laxene HakHak! T-teka nga! Bakit nandito ka?" I ask curiously.

"I went here because of Tita Celestine." nakapunta lang ng America 'tong si Dwayne,english na ng English.

Sya nga pala ang best friend din ni Fiona na makakapangasawa sana niya kaso choosy 'tong si Fiona kaya pinili nya 'tong malanding lalaking 'to.

"H-Hi ——hik—Dwayne." lasing na sabi ni Fiona.

"Shhhh... Just sleep baby." Dwayne said with his husky and sweetly voice.

Napatingin tuloy ako kay Grey na walang reaksyon habang nakatingin kay Fiona na nakayakap kay Dwayne.

"So bakit ka daw pinapunta dito ni Tita? Don't tell me ishishift na yung marriage sayo ni Tita? Hehehe." sinadya ko yun para tignan reaksyon ni Grey.

Kaya ng tignan ko si Grey ay biglang nagtangis ang mga panga nito at biglang nanliit ang mga mata nya.

"Yeah that's why." seryosong ani ni Dwayne na nagpalaki ng mga mata namin.

"No! I love Grey! I love—hik—him! I love —hik—him even though he always hurt me." biglang tayo ni Fiona ngunit agad din itong natumba kay Dwayne at napahiga ulit dito.

Gulat akong napatingin kay Dwayne pero mas gulat ata si Grey dahil napatayo pa ito.

"Ako na ang papakasalan ni Fiona,kase walang kwenta daw ang asawa nya ngayon."Dwayne smirk while saying those words na nagpatayo kay Grey.

"At sinong nagsabi sayong ibibigay ko nalang ng ganon-ganon si Fiona sayo?! We're married and it's almost a years so fvck up bro! Can't you see ha?! Fiona loves me and I love her too! So fvck up!"agad nyang kinarga si Fiona na lasing na lasing na at iniwan kaming nakakanganga sa table.

"What's with that guy?" malamig na tanong ni Dwayne.

Tarantado ba 'yung gagong yun?! Sasaktan nya tapos mamahalin bigla.

HAHAHA bakit kase ngayon ko lang napansin na kaya agad minahal ni Grey si Fiona kase takot syang mawalan ng pera ang mga magulang nya HAHAHAHA timawa ang puta.

"Ms. Hakdog." nagulat naman ako ng bigla akong tinawag ni Sebastian.

"O?" maikli kong tugon habang nakatingin sakanya.

"Lazin pala pangalan mo." ani nya kaya kumunot naman noo ko.

"Ha?"

"Hakdog! HAHAHAHA!" biglang tawa nya dahil naisahan nya ako.

"HAmpasin kita ng lamesa tangina mo ka!" tumayo na ako at saka diretsong lumabas ng restaurant.

"Nakakaimbyerna yung eksenang yon,bwiset! Ha! Buti nga kay clear skin na kabet naiwan ng nakanganga HAHHAAH!" pakikipag-usap ko sa sarili ko habang tinatangay ng hangin ang buhok ko dahil nasa sea side ang restaurant na ito.

"Ang sama mo naman,Lazin. Di naman ganon yung pinsan ko." nagulat ako ng biglang may singkit na impakto ang sumulpot sa tabi ko.

"Ano?!" inis kong ani.

"Hindi naman——"

"Ano pake ko?! Ba't ba andito ka?! Tsaka anong Lazin?! Tanga Laxene yun! Napakahirap talaga ng buhay kapag mga tanga ang nakapaligid sayo!" inis kong ani sakanya.

"Sabi ko nga Laxene." nakanguso nyang ani kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Sus, kahit gwapo ka hindi kita papatusin. Nag retired na ako sa pagiging tanga at Di na muling uulit pa.

Fiona's POV:

"Aray!" napabalikwas ako dahil naramdaman kong nauntog ako ng napakalakas.

"Fvck. Sorry." at ng maimulat ko ang mga mata ko agad nitong nasilayan ang napaka-among mukha ni Grey.

Karga-karga nya ako habang nilalabas nya ako sa kotse nya kaya kahit hilo pa ako ay pinilit ko pa rin na imulat ng maayos ang mga mata ko.

"B-bakit andito ako?—-hikk—diba nasa restaurant ako kanina?—hikk—diba?" hirap kong tanong kay Grey ngunit diretso lang syang pumasok sa bahay namin ng hindi ako kinikibo habang ako ay hilong-hilo pa din dahil napasobra na ata inom ko kaya naman pumikit nalang ako at nagpadala sa antok.

.....

"Salang-e ppajin geos-i beomjoelamyeon, naneun imi hyeongmusowa sahyeong seongoleul badgoissda....." may tinig akong naririnig ngunit hindi ko maaninag o malaman kung kaninong boses iyon pero pamilyar.

Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa bigat ng mga pilik mata ko pero mayroon saakin na parang gusto kong malaman kung sino ito at kung ano sinasabi nya dahil hindi ko maintindihan.

Bahagya kong ginalaw ang kamay ko at pinilit na ibuka ang mata ko. Para akong nanaginip dahil diretsang nakatingin saakin si Grey at nakangiti pero parang nananaginip talaga ako dahil nakangiti ito saakin ng napakaganda na hindi ko pa talaga nakikitang gawin nya saakin.

Dahan-dahan nyang hinaplos ang mukha ko at may sinasabi sya ngunit hindi ko marinig kung ano ito. Hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang. Kase kung panaginip 'to ayoko na talagang gumising.

Iniangat ko ang kaliwa kong kamay at hinaplos ang mukha nito kahit na hirap na hirap na ako.

"Sana hindi ito panaginip..." hirap man pero pinilit kong magsalita.

Sumakit bigla ang ulo ko kaya agad akong napapikit at dahan-dahang inaakit ng antok pero bago pa man tuluyang tangayin ng antok may naramdaman akong dampi ng labi sa mga labi ko.

Sana nga't hindi ito panaginip.

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now