Chapter 3

360 18 0
                                    

Fiona's POV:

"Andyan na ata yung asawa mong magaling, Fiona." aning Lala kaya naalerto agad ako sa kinahihigan ko.

"Masyadong maaga ah!"

"Alam mo,Fiona? Minsan matalino ka. Pero kadalasan Tanga ka talaga! Ano ba talaga?! Kapag gabi at matagal uwi nya kinakabahan at nag aalala ka pero kapag sobrang aga naman ng uwi nya nagtataka ka pa! Ano?! Pa-rehab ka na kaya! Sobra-sobrang Shabu na ha?!" pambabara ni Lala kaya natahimik nalang ako.

Oo nga naman kase,bakit ba!

"Pero mukhang hindi nag-iisa ang bakulaw mong asawa!" dagdag nya pa habang nilalait si Grey.

"Anong bakulaw! Ang gwapo kaya ni Grey noh?!" ani ko habang nakanguso.

Napasapo nalang si Lala sakanyang noo. Bakit ba kase! Totoo naman eh! Gwapo kaya ni Grey!

Hindi na lang ako nagsalita at bumaba para tignan kung may kasama nga si Grey.

Nang makababa ako ay kasunod ko pala si Lala na nakakunot ang noo at nakahalukipkip pa.

"Oh Grey! Andyan ka na pala!" nakangiti kong bungad sakanila.

May isang lalaki at babaeng kasama si Grey ngayon.

Isang singkit na gwapo at isang mistisang babae na masasabi kong maganda talaga.

"Asawa mo,dre?" tanong ng lalaki habang nakatingin kay Grey.

Napatingin naman ako kay Grey at nadismaya ako dahil sa babae sya nakatingin. At ang babae naman ay saakin nakatingin habang nakangiti kaya nag-alinlangan naman ako kung ngingiti rin ako pero ngumiti nalang din ako.
 

"Hi there, Fiona!" maligayang bati ng babae pero ginantihan ko lang ito ng ngiti.

"Arrange Marriage lang,Dre." malamig na usal ni Grey.

Napayuko nalang ako dahil sa sinabi nya.

"Tanga rin ang bobo! Syempre asawa mo pa din!" medyo napalakas ang pagkakasabi nun ni Lala kaya agad ko itong tinakpan sa bibig at nakangiting nilingon ang dalawang kaibigan ni Grey.

"Hehe. Pasensya na kayo sa kaibigan ko. Nangangain lang 'to ng tanga hehe." paliwanag ko nalang pero ngumiti nalang sila at naupo.

At dahil hindi namin alam kung saan kami lulugar dito ni Lala ay napagdesisyunan nalang naming bumalik sa kwarto dahil wala din kaming gagawin dun kundi tumayo at tumanga.

Pero nang paakyat na ako ay nasilayan ko ang magandang ngiti ni Grey na noon ko pa man lang din nakita pero hindi ito ngiting para saakin kundi para sa babaeng kasama nila.

May kirot akong naramdaman sa puso ko pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagdire-diretso na sa pag-akyat ko.

...


Habang nakatulala ako ay naririnig kong nanenermon nanaman si Lala saakin.

"Mabuti naman at sinabi mong nangangain ako ng tanga dahil kung gutom lang ako ngayon baka wala ng natira sayo!" giit nya habang paikot-ikot dito sa kwarto ko. Hindi sya mapakali at tila sya pa ang asawa dahil sa inis nya daw doon sa babae na kung makatingin kay Grey ay parang may something daw.

"Pabayaan mo na lang,Lala. Napapagod na akong pakinggan 'yang sermon mo." walang gana at hinang-hina kong usal sakanya.

"Aba ay dapat pagod ka na rin maging tanga para naman hindi ka na masermonan netong bibig ko!" ani niya pa ulit.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Kung may gamot lang siguro sa pagiging tanga, malamang uminom na ako." malungkot kong ani habang nilalaro-laro ang dulo ng buhok ko.

"Malamang sa malamang! Dapat nga ma-overdose ka para naman gumising ka na talaga sa katotohanang hindi ka nya mahal!" madiin nyang ani kaya naman bumuntong-hininga nalang ulit ako.


"Ewan ko ba............" wala na talaga akong masabi pa.

"Ako lang talaga naaawa saiyo, Fiona.  Kahit isang araw na pahinga lang sa sarili mo bilang pagiging tanga! Wag mo muna syang alalahanin! Worry about yourself too!" pangaral nya.

Napanguso nalang ako at saka dumapa sa kama. Ipinikit ko muna saglit ang mga mata ko,pero mali pala ang pagpikit ko dahil nakita ko lang ang imahe ni Grey na nakangiti ng maganda sa babaeng kasama nya.

Deserve ko ba 'to?

Parang lahat naman ng pwede kong gawin bilang isang asawa ay ginawa ko na ah? Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Nagmamahal lang naman ako eh.

Nagsermon lang ng nagsermon si Lala pero hindi na ako nakikinig pa dahil dinadala na ako ng antok ko. Hys.

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now