Chapter 12

298 23 0
                                    

Fiona's POV:

Nagising ako sa ingay ng kotse kaya naman agad akong napabalikwas. At ng imulat ko ang mga mata ko ay isang nakapamewang na Lala ang bumungad saakin.

"Kamusta ang tulog ng tanga?" sarkastiko nyang tanong habang papalapit saakin.

"Wag muna ngayon,Lala. Masyadong masakit ulo ko." angal ko kay Lala at pinilit na tumayo pero bigla lang akong nahilo at muntikan pang matumba.

"Bilisan mo dyan. Hindi mo ba alam?" masungit na ani ni Lala.

Hays ang aga-aga ang sungit-sungit nitong babaeng 'to,ano kaya nakain nito hys.

"Kakagising ko lang malamang di ko pa alam." pambabara ko.

"Eh kung buhusan kaya kita ng isang case ng soju. Tanga,sabi ko 'HINDI MO BA ALAM?' asan utak mo? Nasa bote?" patalon syang umupo sa edge ng kama ko habang ako ay inaalog-alog ang ulo ko.

"Ano ba nangyari?" tanong ko.

"Tanungin mo sarili mo." ani ni Lala sabay irap saakin. May nagawa ata akong hindi maganda hys,hindi kase sya ganto kapag wala akong kakaibang ginawa pero ewan ko lang talaga.

"Edi nagmukha akong tanga 'non!" natatawa kong sambit.

"Luh,nagtaka ka pa. Tanga. Tanga ka talaga. Kung matino kang babae hindi ka pipili ng loko-lokong lalaki na papakasalan, abe sinasayang mo oras mo sa walang kwentang Grey na yun. Bratatattatat boom! Boggshhh!" hindi ko literal na naintindihan pa dahil panay pangaral nanaman po si inday. Daig pa baril neto jusko.

Pinipilit kong isipin kung ano ba talagang nangyari kagabi, cuz the only thing that I remember is nakipag-inuman ako kay Ateng waiter.

Pero bakit parang may kung ano saakin na kinikilig ako? I mean why am I feeling this way na parang gusto kong bumaba at yakapin ang asawa ko. That feeling na para akong teenager na excited makita ang crush nya na papasok sa room nila. This is weird and I can't help it.

"Hoy babae! Nakikinig ka ba?" walang ganang tanong ni Lala.

Kaya naman bumalik ako sa huwisyo at tumango. "Oo alam kong tanga ako." ani ko habang nakatingin sakanya.

"Ano?! Tignan mo 'to di ka nga nakikinig tsk!" napakamot ito sa ulo nya at napailing nalang ako kase nalutang nanaman ako.

"Bago ko nga pala makalimutan may lakad pala tayo ngayon. Ay este bakasyon." sambit nya habang nakatingin sa bintana kaya naman sumilip ako dun at nakita kong papasok si Sebastian habang naka-shades pa ito at jeans na pinaresan ng white hang T-shirt at masasabi kong napaka-attractive nya sa suot nya.

"Baka matunaw bigla." mapang-asar kong ani kay Lala at agad itong tumingin ng masama saakin kaya agad akong napahalakhak.

"Sinasabi ko lang naman,Lala na baka matunaw ano ka ba!" ani ko pa rin habang nakatawa.

Inismiran nya lang ako at saka tumayo. Namewang sya sakin.
"We're going on a vacation. One month vacation." pairao nyang ani kaya naman napanganga ako.

"What?!"

"Bingi lang? Akala ko kase tanga ka lang hays." she said at napahampas pa sya sa noo nya.

Napanguso ako,"Grabe ka naman saakin."

She turn her eyes. "Di bagay. May diniscuss daw parents nyo na magbabakasyon kayong dalawa but the both of you refuse it, and Dark said na kailangan may kasama kayo so ayon,aalis na tayo. Now na kase dumating na si Dwayne." usal nito habang binubuksan ang closet ko at kinukuha na isa-isa ang mga damit ko.

Agad akong tumayo sa gulat,"Really?!"

Tumango lang ito habang nakatalikod saakin dahil busy sya. "Kaya nga tumayo ka na dyan para makapag-handa ka na."

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now