Chapter 18

272 18 0
                                    

Lala's POV:

"Laxene... " napahinto ako sa pag iisip at pagpapaplano kung paano ko lalagutan ng hininga si Megan ng may tumawag sa maganda kong pangalan.

I swayed my hair na halos buhol-buhol na. Tsk, kagagawan 'to ng gagang yon. Si Fiona naman iniwan kami dito! Tsk! This is so unfair!

"Oh?" I said ng mapagtantong si Sebastian damuhongthemoonyouthelubyou pala iyon. Haba ng nguso sarap putulin.

May inabot sya saakin kaya naman nagtaka ako. T-shirt nya? "Ano gagawin ko dyan?" I confusedly asked.

"Pakilabhan." ngumiti sya ng napakalawak kaya naman binatukan ko sya ng malakas. Ano akala nya sakin? Labandera? Eh kung yung nguso nya kaya kusutin ko?!

Inirapan ko sya at hinawi, kala ko ipasusuot nya sakin dahil halos lumuwa na kaluluwa ko sa pagkakapunit ng bikini ko. Letse ka Megan! Makakabawi ako sayo! Babawian kita ng life! Walang halong charot yon. Chr lang.

"Hindi ka naman maloko eh! Eto oh, suotin mo na hehe! Natetempt akong tignan ka kapag ganyan ayos mo ih." yuko at kamot batok nyang ani. I smirked. Tsk, yun ba? Hindi nya nalang sana sinabing maganda ako para natapos na.

Hinablot ko yung T-shirt nya at sinuot ito habang pilit na inaalis ang inis ko dahil nakita ko nanaman si Megan na dumaan sa harapan ko. Kapag ako nainis sa pugitang 'yon, iihawin ko sya!

"Ty!" labag sa loob kong pasalamat at padabog na lumakad paalis sa harapan ni Sebastian. Pero ang kurimaw, hinabol ako.

"Wc! Hehe!" nakapagbihis na sya at mukha ayos na. Sanaol sakanya. Napairap ako ng bongga ng ikawit nya ang kamay nya sa balikat ko.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Close tayo?"

"Oo ah! Sinuot mo na nga T-shirt ko e!" proud nya pang ani at saka ngumiti nanaman dahilan para mas sumingkit ang mata nya at mas l-lalong c-cumute—kamote.

Inalis ko ang pagkakaakbay nya saakin at inismiran sya. Huhubadin ko na sana T-shirt nya pero pinigil nya ako.

"Ano ba! I said you're tempting me kapag nakaganyan ka!" ang loko ngumuso nanaman! Hindi ko alam kung ano gusto neto. Inis na inis na ako. O nalang bingo na 'to sakin.

Huminga ka lang Megan, sasakalin talaga kita.

"Eh bakit kase tumitingin ka?! Kasalanan ko bang napaka-hot ko?! Ha?!" buryo kong sigaw at halos mas ngumuso pa sya.

Lintek na 'to! Dinaig pa grade one!

"Akin na yan!"

"Hindi! Akin 'to!"

"Akin na sabi eh!"

"This is mine ngaaaa!"

Sabay kaming napalingon ni Sebastian ng marinig ang tinig ng dalawabg bata na nag aaway. Napairap ako ng todo at aalis na sana pero paglingon ko....

"Ano yan?" parang batang tanong ni Sebastian.

"Laruan ko po Kuya! Ayaw po nyang ibigay!" ani ng batang babae na maluha-luhang nagsumbong kay Sebastian.

Napahalukipkip ako at saka napairap nanaman. Hindi na ako magtataka kung matanggal na mata ko kakairap.

"Nope, I said it is mine. Whatever things you own is my things too! I'm going to be your husband, remember?" nagulat naman ako ng attitude na nagsalita yung batang lalaki at humalukipkip din.

Luh? Taena! Dinaig pako ng dalawang 'to! Bente-dos tas wala pang jowa!

Lumapit ako sakanila at saka pairap na tinignan sila habang nag aaway.

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now