Chapter 14

281 16 0
                                    

Fiona's POV:

Maybe falling in love with someone who doesn't know your worth is the most painful thing that I've done in my life. Kase hindi naman ako masasaktan kung hindi ko sya minamahal ng ganito,pero mahal ko talaga sya e. Siguro oo tanga ako pero tanga nga ba ang ipaglaban ko ang nararamdaman ko para sa taong hindi naman ako kayang ipaglaban? Tanga nga ba talaga ako?

Pinag-isipan ko ng maigi ang pagpapakasal kay Grey,mahal ko sya kaya naging asawa ko sya. Madaming gustong manligaw saakin pero kahit hindi nanligaw si Grey, sinagot ko sya.
And I'm not expecting na eto ang mangyayari saakin. I thought he loves me too. Inilaan ko lahat ng oras ko sa bahay para makasama sya pero sya mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ako makasama.

"Umiiyak ba ang best friend ko?" napabalikwas ako ng marinig kong bumukas at sara ang pinto.

Pinunasan ko agad ang luha ko at naupo ng maayos habang nakatingin sa kung saan.

"Bakit andito ka? Maligo ka na dun." I smiled while scratching my shoulders.

"Paano ako maliligo kung alam kong nasasaktan ang bestfriend ko?" this time hindi na sya yung maingay na si Lala dahil alam kong sya na yung bestfriend na kailangan ko sa oras na hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Biglang nang gilid ang luha ko,"Hindi ko na kaya." tumakbo ako papunta sakanya at niyapos sya ng sobrang higpit.

"Hindi ko na kaya... P-pagod na ako. Pagod na pagod na ako!" sabay sabay nagsilabasan ang mga luha ko na parang gripo.

She patted my back while sniffing,"Shhh. Don't say that."

"A-anong kasalanan ko?! N-naging mabait akong asawa pero bakit ganon?!" halos mapaupo na ako sa sakit na nararamdaman ko pero dahil nakaalalay sya ay hindi ito natutuloy.

"Yes, maybe tanga ka pero it doesn't mean you're not worth it to love because you are! You're unique,diffrent and peculiar—I mean you're perfect!" she said.

I hit her shoulder for making jokes that isn't funny. "Pero bakit?" I ask.

"May mga taong hindi alam ang halaga mo at yung taong yun ay walang kwenta. You're beautiful inside and out so sinong hindi magmamahal sayo?! Sino pa bang manloloko sayo?!" sambit ni Lala.

"Si Grey..." mahina kong tugon.

She sighed,"Oo nga pala."

She guide me to my bed,"You're still beautiful, ano naman kung hindi ka nya gusto? Mawawalan ka ba ng dignidad? Mawawalan ka ba ng pagkatao? Madami pang lalaki sa mundo na kayang patunayan na ikaw lang ang nag-iisang babae na worth it mahalin. And that guy is Dwayne." aning Lala.

Napayuko ako,"I don't like,Dwayne."

She sighed again. "Hay. Yan din ang mahirap e, mahal mo yung taong walang pake sayo tapos may nagmamahal sayo pero di mo din kayang suklian." sinserong sambit ni Lala at hindi nakatakas sa mata ko ang isang butil ng luha sa mga mata nya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko,sa lahat ng ayokong nakikita ay ang mga luha ng mga mahal ko sa buhay. Ayokong nakikitang nasasaktan sila dahil saakin,ayokong umiiyak sila dahil saakin o kaya naawa na sila saakin.

Nablangko ang isip ko ng makita kong nagpatuloy-tuloy na ang iyak ng kaibigan ko.

Nakaramdam ako ng galit sa puso ko. Bakit kase nagpapakatanga ako?!

Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya at tinanggal ang mga kamay nyang nakatabon sa mukha.

"I'm sorry, Lala. I'm sorry for making you cry." I said sincerely.

Lala rub her eyes and look at me straightly. "No, you didn't. I'm just hurt seeing you this down. I'm in pain when you're in pain, I'm sad when you're sad, and I'm getting weaker when I see you crying." she said and hug me tightly.

Matagal ko ng kaibigan si Lala kaya hindi ko maipapagkailang nahihirapan talaga syang nakikita akong ganito kalungkot. Pilit ko man itago lahat ng sakit hindi ko din magawa dahil kahit mismo ako hindi ko na makontrol lahat ng sakit na naipon dito sa puso ko,gusto ko ng sumabog sa galit,inis at pighati pero bakit ganon? Bakit parang hindi ko pa rin kaya kase nag iingat akong wag masaktan ang mga mahal ko?

"Hey! Tigilan na natin 'tong kadramahan na ito at dahil hindi bagay sayo." ani ko habang nilalayo sya sakin at pinupunasan ang luha kong nagkalat sa mukha ko.

"Tsk! Nagdadrama pa ako e! Malay mo naman bagay akong maging artista diba?! Ako ang papalit na Nadine kay James." ngumiti ito sabay flip hair pa at tumayo.

"Di bagay. Mas bagay kayo ni Sebastian HAHAHAAHA!" pagbibiro ko sakanya pero nagulat ako ng bigla itong namula.

"Nakakainis ka!" nahihiya nyang usal.

Natawa pa ako dahil parang umiibig nanaman ang bestfriend ko HAHAHA. "Pero di nga?" seryoso kong tanong rito at pinipigilang tumawa.

"Cute sya....."she said while smiling sweetly. ".....pero bobo." agad na sumimangot ang mukha nya pero I can see on her eyes na may something.

"Love isn't about how smart you are, it's about how you really love the person." panunukso ko rito at mas lalo akong natawa dahil namula ito ng sobra.

"Kahit na! My image will be ruin because of his stupidity." she utter while turning her eyes.

"Kahit na din,Lala. If you're inlove there's no barrier between the person you love and you." I smile.

Biglang nangunot ang noo nito at tinaasan ako ng kilay. "Teka lang,Fiona. Bakit parang akong pinagsasabihan mo ha! I know how to control my feelings for someone." she said while crossing her arms.

I crossed my arms too,"Because you're my best friend and you can't do anything about it." I giggle while looking at her being pissed off.

"Ano ba! Maligo na nga tayo ang dami mo kaseng drama eh!" bawal nya saka tumayo.

*Tok*Tok*

"Who's that?" Lala ask.

"Mga baggage po ito ni Ma'am Lala at Lady Fiona." napatayo si Lala habang tumatango-tango.

Lumapit ito sa pinto't binuksan habang iniluwal nito si kuya na naghahatid ng mga gamit ng bawat guest dito sa hotel ko.

"Salamat Manong." aning Lala at sya na mismo ang nagdala nito sa kama ko.

"Nandyan mga swimsuit mo?" sambit ko habang nakatingin sakanya na naghahalungkat na ng maleta nya.

"Oo. Ako pa HAHAHA! Di ata ako nagpapahuli!" maangas nyang usal habang patawa-tawa pa.

"Eh ikaw ba?" tanong nya habang inilalabas at sinusuri lahat ng bikini nya.

"Oo naman. Ako pa din ba?" I wink at her while giggling.


"Opszx./Opszx." sabay naming nasabi at nagkatitigan.

"Party time!!/Party time!!" sigaw namin sa isa't-isa at naglulundag sa kama habang magkahawak ang mga kamay namin.




My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now