Father and Son - CHAPTER - 6

204 18 3
                                    

Donny's POV...

Naka - uwi nako galing taping, agad akong naligo at humiga sa kama. Nanatili lang akong nakatihaya nang mga ilang minuto bago ko naisipang kunin ang aking cellphone sa gilid nang aking kama.

Nagpunta akong gallery app at nagso scroll lang nang matiyempohan ko ang unang larawan namin ni May.

Ang unang araw nang aming pagkikita, sa Go - See. Napakamahiyain nya pala sa una, kabaliktaran nung nasa loob pa siya nang bahay ni Kuya. Pero kahit na mahiyain ay napaka kwela parin nito, sa tuwing natatanong ito ay di nito mapigilan ang bumungisngis na syang nagpapatawa saming lahat nun. Ang mannerisms nitong paghawak o pagtakip sa bibig ay di talaga mawala - wala, lalo nayung pag nahihiya syang sumagot yung ulo nya na bigla bigla nalang parang pumapalo sa harap. Yung "po! ser!" "Yes po!" "Opo" na halata ang accent ng bisaya. Kaya di ko napigilan ang aking sarili na kuhanan ito nang litrato nang walang permiso nang dalaga, may ilang clip nang video din akong naisave.

At siyempre sa huli, di ko narin pinalampas ang pagkakataon kong makapagpapicture kay Maymay non. Nagulat pa nga ito ng bigla ko itong tinabihan at humingi nang picture kasama ito, nakangite naman itong pumayag sa request ko.

Those were the times na talagang di ko makakalimutan, and I guess dun din nagsimula ang interest kong kaibiganin ito. Ilang beses kong kinakausap si Maymay sa event na iyon. At nakangite naman niya akong sinasagot, kaya lang that time ako lang ang tanong ng tanong tapos si Maymay naman ang sagot lang ng sagot, ni parang ayaw nito akong tanungin pabalik.

Ibinaba ko na ang aking mobile phone at ipinikit ang aking mga mata. Hinihilot hilot ko ang aking sintido at bumubuntong hininga.

Maya - maya lang biglang pumasok si Papa sa kwarto ko.

"Hey son, are you asleep? Baka gusto mo ko samahan mo na sa balkonahe.. lets talk c'mon!"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko itong may bitbit na isang baso ng gatas. Hayss this old man, di na naman siguro ito makatulog.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nilapitan ito. Agad akong inakbayan ni Papa at bumaba na kami sa balkonahe.

Umupo kaming dalawa at nilapag nya ang isang baso ng gatas sa glass table. Saka niya ako tinapik ng tatlong beses.

"Kamustang araw mo ngayon? Kamustang trabaho Son,"

Tanong ni Papa sakin, from time to time talagang naglalaan ito ng oras para kausapin at kamustahin kami isa isa tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin, sa trabaho at career. I'm just so lucky to have a father like him.

"Ok naman Dad, nakakapagod dahil buong araw kami sa set nagtetaping at nagrerehearse pero worth it naman lahat ng pagod. Ganito pala pag nagtatrabaho tayo nang seryoso. Masaya akong kumikita ako with my own strenght and talent. Na hindi ko na kailangan pang umasa sa binibigay niyong allowances sakin."

Natawa naman si Dad sa sinabi ko, at bakit naman ito natawa kaya?

"Para mo namang sinasabi na you dont need our help and our guidance na ah.. yabang Son, porket kumikita na ang panganay naming lalake ha?" He chuckles

At tinapik nya ulit ako sa balikat. Nataranta naman ako dahil di naman yun ang ibig kong sabihin, did I messed it up again? Im not really good at my words sometimes talaga.

"Dad you know na di yan yung ibig kong sabihin.. of course i still need and will always need your guide and assistance and that will never change."

Napangite naman si Papa at bumuntong hininga. Nag iwas ito ng tingin at tumingala sa langit.

"Its good to hear that Donny. Kahit papano nararamdaman ko paring I'm still a father to you and to your other siblings."

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now