DONNY - CHAPTER - 8

156 19 6
                                    

DONNY's POV ...

Nasa labas kami ngayon ni Gelo nang isang coffee shop malapit sa ABS CNB building. Gelo is one of my closest friend and my PA.

Nakakamot na sa ulo itong si Gelo dahil kanina pa kase kami dito. Mga past 6 am pa ata, nagulat nga ito dahil di naman ako yung tipong early bird pero nagising ako nang maaga ngayon.

"Ano boss, bat wala parin yung Maymay? Kanina pa tayo dito. Baka naman nakalimutan na nyang hinihintay natin sya."

Reklamo ni Gelo habang nakakunot na ang noo. Habang pinuputakte na ito nang mga lamok hahaha

Hinarap ko ito at inakbayan.

"Parating nayun, tsaka traffic alam mo naman dito sa manila diba? Pag wala kang alam na shortcut yung ilang minuto nagiging ilang oras. Pero knowing Maymay, pag sinabi niyang malapit na sya means talagang malapit na."

Nakangite kong sabi kay Gelo. Pero ang loko parang may iba atang naisip.

"Boss, okey ka lang ba? Ang kilala ko kasing donny ay mainipin eh, tapos... sino ka?" sabi nito na nakakunot ang noo parin.

Inismiran ko ang loko at binatokan,

"Di mo na ako kilala? Siguro naman ngayon kilala mo na ako diba?" matapos ko syang batokan nang mahina lang din naman.

"Bossing naman di ķa na mabiro, nga pala. Bakit ba kase natin hinihintay si Maymay dito sa labas eh pwede naman tayong pumasok diba?" Wika nito.

Napagtanto ko rin, may point din naman itong mokong nato, bat nga ba kami dito sa labas naghihintay eh pwede namang pumasok. Nilingon ko si Gelo at tinapik ito.

"Alam mo tama ka Gelo, bakit nga ba di ko naisip yan? Tara sa loob!" At nagpatiuna na akong pumasok.

Naghanap ako nang mauupuan at nang makahanap ay kasama kong umupo si Gelo.

"Kape lang ba pwede orderin dito boss? Walang desert?"

Napalingon ako sa may counter, parang kape lang ata siguro kaya sinagot ko si Gelo.

"Parang, baka kape lang talaga siguro andito. Bakit? Gutom ka ba?"

Nang tanungin ko sya biglang kumislap ang mata nang baliw. Kaya tinampal ko ang noo nito,

"Huy okey ka lang?" Nang nagtataka pa.

"Eh kase may pagtanong ka pa boss, baka lang naman maisipan mong manglibre nang pagkain. hihi" naniningkit pa ang mata nito.

Natawa nalang ako sakanya, well money isn't a problem to me naman at mahilig din talaga akong manlibre so why not. Baka gutom rin sila Maymay mamaya pagdating nila.

Bakit di nalang kaya ako omorder nang pagkain sa MCDO ano? Tapos sa sasakyan nalang kami kakain, malaki naman ang espasyo sa van. Kasya ang anim na tao.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa nang jacket ko at di - nial ulit number ni Maymay.

Nagsimula nang magring sa kabilang linya,

'Hello May, oo. Ano, nasan na kayo? Malapit na ba kayo?'

'Malapit na, naipit lang sa traffic.'

'Ah ok sige sige.. kasama mo ba sila Pat at Jab?'

'Oo bakit?'

'Wala lang.. nga pala di pa kayo kumain diba? Order nalang ako nang pagkain sa MCDO tapos sa kotse nalang tayo kumain kasama nila Gelo.'

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now