BACK STAGE - CHAPTER 2

384 23 7
                                    



Habang ang lahat ay naghahanda na para sa pagbubukas ng show nila na pinangalanang Asap Chill Out. Siya naman ay naghahanda nadin sa sulok kasama si Markus.

Sa tabing sulok naman ay nahagilap ng kanyang mga mata ang isang bulto nang katawan nang isang babae na nakayuko lang na animo nagdadasal. Maya maya lang nilapitan ito ni Kisses at tumabi sa dalaga.

Si Maymay, umuusal sya ng dasal bago sumalang sa show.
Hawak ko ngayon saking kabilang kamay ang tubig na hinanda pa kanina ng aking butihing ina, nilapitan ko ang dalawang dalaga at huminto ako sa likod ni Maymay, agad naman akong nakita ni Kisses at nginitean. Gumanti ako ng ngite dito at pasimpleng tinuro si Maymay. Bumulong ito ng, praying sakin.

At muli ko lang pinagmasdan ang likurang bahagi ni Maymay at hinintay itong matapos.
Nakakatuwa naman, god fearing pala siya at madasalin. Sabay silay ko ng isang ngite saking labi.

Nang matapos itong magdasal ay agad itong nag angat nang tingin at ngumite kay Kisses, di siguro nya ako napansin dahil nasa likod nya ako. Ini - abot ko dito ang tubig na hawak ko mula sa likuran nito. Tumingala naman si Maymay at sinundan nang tingin ang aking braso hanggang sa magtama na ang mga mata namin.
Nagtataka man ang itsura nito ay agad rin naman itong napangite sakin.

"Ano yan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang hawak kong water bottle.

"Tubig haha!" Sagot ko naman.

Napangiwi naman ito sa sagot ko at napapatakip na naman ito sa bibig nito.

"Nakita kase kitang nagdadasal kanina. I bet your nervous tho this is not your first time na lumabas on screen. I got you this, uminum ka muna para mabawasan yang kaba mo." Sabay abot dito ng tubig na hawak ko.

Tinanggap naman niya ito at nginitean ako ulit.

"Salamat," sagot nito.

Maya maya lang naghahanda na ang lahat dahil ilang segundo nalang sasalang na ang lahat sa show. May sumigaw sa lahat na staff to stand by dahil magsisimula na ang show.

Huminga muna ng malalim si Maymay bago nakangiteng ini - abot sakin ang tubig.

"Salamat Donny,"

Saka ito lumapit sa may bukana ng stage kasama si Kisses, maya maya lang may sumilip na staff at sinenyasan sila Maymay na lumabas na, kasama nila sila Sue, Markus, Edward, at Darren.

Agad namang nagsigawan ang lahat sa studio, may narinig pa akong sinigaw ang pangalan ni Maymay. Kasunod naman nagtilian ang lahat sa show.
May tumulak sakin mula sa likod, yung RM ko pala.

"Pumasok kana wuy," sabi nito.

Patungkol nito sa studio. Muli kong inayos ang aking sarili bago sumalang sa stage.

Pagkalabas ko nagtinginan ang mga audiences sakin, may napapatili, mostly mga gays. Panay naman ang kaway sakin ng mga babaeng fans. May sumigaw pa ng "Donny mahalin mo ko" na nakapagpangite sakin.
Nagtilian naman ulit yung mga babae, tumabi ako kila Markus. Habang nasa kabila naman sila Maymay na panay ang kaway sa mga fans nila ni Edward.
Nakikipag kwentuhan sila Markus at Sue sakin. Tango lang ako at sagot sakanila. Sa nakikita ko mukhang di pa ganon ka close ang lahat dito sa set.

Ilang minuto lang ang lumipas at may isang staff na ang nagbigay ng hudyat na magsisimula na ang show. Nagsimula na itong magbilang bago nito iwinaksi sa ere ang kamay nito.

Unang nagsalita si Sue na sinabayan naman nila Markus. Nagtatawanan pa sila nila Darren. At ako naman sumali na, maya maya lang sinali na sa usapan sila Maymay kasama si Edward. At as usual, tinukso yung dalawa. Panay naman ang pag iwas ni Maymay sa bawat tanong at sinasabing mag best friends lang daw sila ni Edward. Si Edward naman ay pinipilit na makisabay. Tinanong pa ni Sue si Kisses kong totoo bang magkaibigan lang ang dalawa o magka ibigan ba daw. Tumatawa namang sumagot si Kisses na sweet at sobrang close daw ng dalawa. Kaya ayun, tampulan na naman ng tukso sila Maymay. Nangingite nalang si Maymay na di na makasagot. Halatang kinikinilig din sa mga panunukso ng kapwa mga host. Habang si Edward naman ay ngumingite lang din. Grabeng ingay naman sa studio dahil sa MayWard fans, fans nila Maymay at Edward.

Saka lang humupa ang energy ng lahat ng may isang staff ang nag gesture na tumahimik na sa mga audiences, saka lang muling nagsalita si Sue at ipinakilala ang mga guest nila ngayon sa araw nato, Markus aided her.
Matapos sabihin ang lahat ng pangalan ng mga magiging guest nila ngayon ay agad namang nag cut yung staff.

Nakahinga ng maluwag ang lahat, at nagtatawanan nalang. Nagreretouch naman sila Maymay sa stage kasama si Kisses. Si Edward naman ay nakikipag kwentohan samin nila Markus. Tawanan lang at kwentohan. Pinakilala ako ni Markus kay Edward. Di pa sya masyadong marunong magtagalog. Natatawa kami minsan sakanya, tinatawanan namn niya kami. He seems to be a good guy tho. Mas matangkad ako dito ng ilang inch, dahilan para pag sinasagot nya ako ay nakatingala sya ng slight. Halos magkasingtangkad lang sila ni Maymay. He seems to be not enjoying the show, yun yung nakikita ko. Baka nababagohan lang. Maya maya lang may lumapit kay Edward at may binulong dito. Agad namang napalingon ang binata sa kapareha nitong si Maymay. Tumango naman si Edward pagkatapos ay tumayo at nilapitan si Maymay. Nakita ko pang tinapik ito ni Kisses sa balikat. Nagngitean lang ang dalawa. Saka tumabi si Edward kay Maymay. Napapangite at kumakaway kaway ito katulad ni Maymay sa mga fans nila. Kinikilig naman na tumitili ang mayward fans.

Nagbaling ng tingin si Maymay sa may banda sakin. Nagkatinginan kami, ngumite kaming parehas ng ngiwi. At kumaway ulit ito sa mga solid Maymay. Pinag ready ulit ang lahat at pina ayos ng upo ang lahat ng audiences, at nagsimula na ulit ang show.

Natapos ang mahabang araw kasabay ng matagumpay na show ngayon. Lahat nagpaalam na, kaway ng kaway. Nakaalis na sila Sue, Markus, at Darren. Papalabas palang ng stage sila Edward at Kisses, habang si Maymay ay busy parin sa pagbeso at pagpapaalam sa mga fans. Yung iba nga tinatakbo na sya para mayakap. At gumaganti naman si Maymay ng yakap sa lahat ng fans na lumalapit sakanya. Nagpapapicture at humahalik pa sakanya. Giliw na giliw ang dalaga sa mga tagahanga nila. Maypa flying kiss pa ang dalaga sa lahat. Nahihirapan na itong umalis sa crowd natatawa nalang ako. Tutunguhin ko sana sya para tulungang makapagpaalam na sa mga fans nito at makaalis na sa mga tao nang may dalawang staffs na ang nauna sakin. Agad nilang hinawakan si Maymay sa magkabilaang braso at pinipilit na itong hilahin paalis sa mga tao. Tatango tango nalang si Maymay sa mga fans at panay flying kiss. Pahirapan pa bago nila nailayo si Maymay sa mga tao. Napapatawa nalang ako, she's different, she values her fans so much. Magkakasundo kami nitong si Maymay.

NEXT CHAPTER ...

O.T.W.T. Only Time Will TellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora