MARKUS POV - CHAPTER 3

387 18 21
                                    

Kanina ko pa napapansin si Donny. Panay ang lingon - likod nito kila May, at kakaiba rin ang mga tawa at ngite nito sa tuwing kausap nito si Maymay. Kilan pa sila naging close? Tinitingnan rin nito si May sa tuwing di nakatingin ang dalaga sa deriksyon nito.
Tatahimik bigla si Donny sa gilid at pag may naisip na sabihin saka lang magsasalita, naalala ko tuloy yung unang araw na nakita at nakilala ko ito.
Pagpasok palang nito sa kwarto nun ay agad lahat ng mga mata ay nakatingin dito. Agaw pansin ang itsura nito. Ang tindig at tayo nito, ang complexion nito at kulay ng balat. Makakapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi na animo parang naka usli, maliit din ang mukha nito.
At higit sa lahat napakatangkad na bata, can't believe na 18 years old pa lang ito dahil sa tangkad na 6ft. Ang hahaba din ng mga biyas nito na animo parang sa modelo. Malakas ang dating at ang sex appeal nito sa mga babae. Dahil lahat ata nang mga babae nung time nayun sa kwarto ay nabighani agad kay Donny. Lalo na nung magsalita ito, napaka sosyal pakinggan, may accent at yung pronunciation nito ay kakaiba. Halatang anak mayaman.

At kong pano ito puriin nila Derik Lauren at Mr. M dahil sa taglay nitong charm at kagwapohan. Mahiyain at tahimik si Donny sa umpisa kaya di maiwasang minsan ay mamimis understand ito ng mga taong di nito kakilala.

Nun ko lang din nalaman na isang sikat na artista pala ang mama ni Donny dati at isang kilalang influencer naman ang Papa nito.
Galing sa isang kilala at promeninteng Pamilya ang pamilya ni Donny. Isa sa pinaka mayayamang pamilya sa Pilipinas. Good thing ay mabuting tao si Donny, his not arrogant and his very down to earth. Marunong syang makisama, his the type of guy na di ipapadama sayo na iba ka sakanya, and he will really treat you as a real friend talaga. Pero at start, sobrang napaka mahiyain talaga nito, di ito nagsasalita at di nag oopen ng conversation, unless kakausapin mo sya o kong may itatanong ka sakanya.
Kaya minsan nakapagtataka lang na agad nitong nakapalagayan ng loob si Maymay, pero sino ba namang hindi, sa pagkakwela at masayahin ba naman ni May sino ba naman ang di gugustohing maging kaibigan ito.

Iwinaksi ko ang isiping yun at agad bumaba ng building. Nagpaalam mo na ako sa lahat bago ako tuluyang bumaba dahil tapos narin naman ang show.

Lulan ako ng elevator nang maisipan kong buksan ang aking IG acc.
I'm just scrolling thru my news feed nang maalala kong baka may registered acc na sila Maymay at Edward sa IG. Mas mabuti nang ma Follow ko sila. Nagpunta agad ako sa may search bar at tinype dun ang pangalan ni Edward muna. At may lumabas naman, walang blue check pero malamang yung una sa listahan yung sakanya. Nag visit lang ako sa feed nya para makasiguradong sakanya nga iyon. Nang masiguro ko ay finallow ko agad sya, at naisip kong malamang fina - follow nya rin si Maymay so sa following ko nalang nya hahanapin yung account ni Maymay.

Kaso di ko makita pangalan ni Maymay dun, follow naman niya si Heaven at Kisses so bakit ala pa dito si May?
Ah, baka wala pang IG si Maymay.
Me and my slow self,

Out of curiosity nagsearch parin ako sa search bar kay Maymay. May lumabas din naman kaso walang blue check pero alam kong si May yun. May old photos nya ehh, tapos yung latest naman nya.

Nagtaka ako for a moment dahil inakala kong walang IG si Maymay kase di naka follow si Edward dito. So bakit di pa sya fina - follow ni Edward?
Or baka di lang alam ni Edward na may IG si Maymay? At bat ba andami kong tanong?? Ahh! bahala na, follow ko nalang. And I clicked the 'follow' button.

At saka ko nag out sa IG ko at isinilid sa bulsa ang aking cellphone. Tumunog nayung elevator hudyat na nasa ground floor na kami kasama ng iilang staffs sa ABS.

Una nakonh lumabas at agad nag martsa papunta sa motor kong nakaparada lang sa di kalayuan.

Habang papalapit ako sa motor ko ay nakita ko si Donny na busy at may tinitipa sa cellphone nito na siguro ay hinihintay narin ang sundo nito.

Muling bumukas yung elevator at iniluwa nun si May kasama ang PA nitong si Pat at yung make up artist nito at ilang staffs, nilingon ko si Donny.

Nakatanaw na ito kay Maymay habang papalit ang dalaga sa kinatatayuan nito, agad sinilid ni Donny ang cellphone sa bulsa nito at malawak na nginitean si Maymay at kinawayan pa ito. Nang magtaas ng tingin si May ay saka lang nito napansin si Donny sa harap nya. Gumanti ito ng ngite kay Donny at kumaway pa.
Huminto ito sandali sa tapat ni Donny at nag usap pa muna ang dalawa.
Maya - maya lang may pumaradang sasakyan sa harap nila Maymay at lulan na non si Pat na ang kasunod ay pinagbuksan si Maymay ng pintoan ng van.

Kasunod naman ang sundo ni Donny na dumating. Nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa at may pahalik pa talaga sa pisnge itong si Donny kay Maymay. For formality ba? Ganun talaga siguro pag galing ka sa isang prominente at mayamang pamilya.

Nakapasok na si May sa van at aktong lalarga na ang sasakyan nang wala man lang si Edward.

Si Donny naman binuksan pa ang window ng kotse nito para tuluyang magpaalam kay May at ihatid ang sasakyan nito ng tingin. Nang may nakakintil pang ngite sa labi. Weird?

Or maybe I'm just imagining things, si Donny kay May? Its not that, its impossible to happen ahh pero kase bali balita rin sa loob ng building na may pinopormahan na itong si Donny. Or maybe natutuwa lang talaga si Donny kay May, nakakatuwa kase ang dalaga talaga. No filter kumbaga. Napaka transparent na dalaga. Walang tinatago sa sarili at sa iba. At higit sa lahat, di sya mapagpanggap at ramdam ko iyon.

END OF Marcus POV...

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now