CHAPTER - 12

203 20 4
                                    

Pagkadating namin sa condominium na tinitirhan namin ni Pat ay agad akong bumaba ng kotse at di ko na nilingon pa si Edward. Tinatawag nya ako pero di ko na sya pinapansin at dumiretso na ako papasok sa loob ng building. Nakabuntot lang sya sakin na parang aso, at nang nasa harap na kami ng elevator ay mahigpit nyang hinawakan ang braso ko, medyo nasaktan ako ng konti. Binigyan ko ito ng matalim na tingin, at nang bumukas ang pinto nang elevator may ilang katao sa loob niyon kaya napabitaw si Edward. Agad akong pumasok at pinindot yung floor namin.

Tahimik kaming dalawa sa loob, at ng kami nalang dalawa ang natira sa loob ng elevator ay bigla nalang akong hinila pinihit ni Edward paharap sakanya.

"Ano ba! Anong bang problema mo! Kanina ka pa ah!" Sigaw ko dito.

At tinapik ko ang kamay nito.

"You! What is your problem! Bakit ka ba nagagalet! Kanina ka pa galet! Ikaw ata ang may problema!" sigaw nito pabalik sakin.

Sa inis ko ay di nako nakapagtimpi pa at sinapak ko na talaga ito.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan! Animal ka! Ano bang problema mo! Kanina ka pa sa ABS ah! Ang sabi ko naman sayo diba wag mo muna akong kausapin bat ang tigas ng ulo mo! Tinatanong mo bat ako galet?! Eh kong sunugin kaya kita ngayon ng malaman mo! Buweset ka!" halos mawalan na ako ng boses nang dahil sa sagot ko dito.

Nakita ko pa ang pag iba ng ekspresyon ng mukha nito, kasabay nang pag igting ng panga nito.

Para akong nataohan bigla sa nangyari, sinapak ko ba talaga sya?

"Are you cursing me?! What the hell is wrong with you Maymay! Explain it to me slowly dumb! Alam mo namang di ako magaling magtagalog!" Asik niya sakin pabalik.

"Ah so kilangan ako pa mag adjust?! Pati dyan sa ugali mong paiba iba ako parin ang mag aadjust? Ganon ba? Alam mo ikaw, kong ayaw mo sakin dapat sinabi mo na nung una palang! Para di na tayo naiipit pa sa ganitong sitwasyon! Kong ayaw mo sa loveteam natin dapat sinabi mo na noon pa hindi yung ganito ka! Nagbago kana hindi ka naman ganito nung una! Somosobra kana Edward!"

Di ko sya matingnan sa mata, kaya nagbaba ako ng tingin. Nag uumapaw yung emosyon na nararamdaman ko ngayon. Yung inakala kong magiging okey ang buong araw ko nato, di ko akalain na mangyayati pala ang ganito.

Ano bang problema kase ni Edward. Hindi naman sya ganito noon.
Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman kong medyo humapdi ang bawat sulok ng aking mga mata.

Sa inis ko ay napaluha na pala talaga ako, naiyak ako sa harapan mismo ni Edward. Naiyak ako sa galet ko sakanya. First time to, never akong umiyak sa harap nang kahit sinong tao. Dahil ayukong isipin nila na mahina ako. Pero... pero... iba naman yung ngayon, di ko na mapigilan ang emosyon ko, yung pagod ko at stress ko ngayong araw nato ay naghalo halo na at dinagdagan pa ni Edward.

Naghalo halo na lahat, pumutok na ako sa galit at di ko na napigilan pa. Kaya imbis na saktan ko si Edward ay mas mabuting iiiyak ko nalang. Ano naman ngayon kong makita nya, buweset sya!

Nang bumukas na ang elevator ay dali dali kong tinakbo ang kwarto namin ni Pat. Agad kong sinirado ang pinto. At nag aalalang dinalohan ako kaagad ni Pat.

Napa upo nalang ako sa inis. Pinantabon ko ang aking dalawang kamay saking mukha habang umiiyak.

"Dae? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak huy!" nag aalalang tanong ni Pat.

Gusto kong sumagot pero di ko magawa, di ko alam ang sasabihin kay Pat.

Kaya di ko na ito sinagot, tahimik lang akong umiyak. Namiss ko tuloy sila Mama Ludy, lalong lalo na si Papa Joe ko. Mag isa lang ako dito sa Manila. Parang anytime magbebreak down na ako. At ngayong wala sila para matakbohan ko, mas lalo akong naiiyak. Bakit ganito? Bakit ang hirap maging artista, gusto ko ng umuwi samin. Gusto kong makita sila Mama Ludy.

Umiiyak akong nagtaas ng tingin kay Pat.

"Pat, umuwi na tayo.." sabi ko habang humuhikbi.

"May, naka uwi na tayo. Nasa bahay na tayo.."

"Hindi! Umuwi na tayo, gusto ko nang makita sila Mama Ludy. Miss ko na sila, umuwi na tayo. Gusto ko ng umuwi. Pls Pat, umuwi na tayo.. umuwi na tayo sa Camiguin.."

Nang sabihin ko yun kay Pat ay bigla nalang itong lumayo sakin.

"Pero may trabaho pa tayo dito May, may trabaho ka dito.. Di mo pwedeng iwanan nalang yun basta basta.."

Humihikbi lang akong nakatitig kay Pat. Dahil alam ko naman kong san ang pinanggagalingan ng dahilan nito. Di ko naman akalain nung una na ganito pala kalaki ang magiging responsibilidad ko bilang isang artista. Maraming bagay ang di ko nagagawa kagaya ng dati. Ang kapalit ng pangarap ko, ay ang mismong kalahati ng buhay na nakasanayan ko.

Nanlulumo akong napayuko, di ko na alam kong anong gagawin ko. At kong kanino ako hahanap nang payo. Ayukong mag alala sila Mama sakin, at kami lang nila Pat ang naandito ngayon sa Manila.

Nakaluhod akong nilapitan ni Pat. At inalo nya ako, tinapik tapik nya ang aking balikat at hinahagod ang aking likod.

"May, kaya mo yan. Nakalimutan mo na ba kong sino ka? Wala kang inuurungang kahit anong laban diba? Pasasaan ba't masasanay karin sa bagong mundong ginagalawan mo ngayon. Tsaka andito lang kami ni Jab, di ka namin iiwan at pababayaan. Pwede kang humugot nang lakas ng loob samin, pwede mo kaming masandalan sa oras na mangangailangan ka. Di ka namin iiwan May. Lalagpasan natin lahat nang pagsubok ng magkakasama. Kaya tama nayang pag iyak mo. Ipagdasal mo nalang yan, hmm."

Tiningala ko si Pat, habang sinisinghot ko pabalik ang sipon na kamuntik ng tumulo sa ilong ko. Kahit papano gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi ni Pat, at nagawa ko ring magpakawala ng ngite sa huli.

Buti nalang talaga at may kasama ako, na kahit papano ay di ako nag iisa. May mga kaibigan akong matatakbohan sa mga oras na parang gusto ko nang sumuko at umuwi. Buti nalang talaga at andito sila Pat.

Niyakap ako ni Pat, at sa mga oras nayun naramdaman kong may kakampi ako.

END OF MAYMAYs POV...

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now