CLUMSY MAYMAY - CHAPTER - 7

203 15 3
                                    

Maymay's POV...

Papalabas kami ngayon ng condominium na kamakailan lang namin nilipatan nila Pat at Jab. Hinihintay namin ang sundo namin na si Mang Mando. Panay paypay ni Pat sa sarili at si Jab naman ay panay tipa sa cellphone nya.

Nakakatuwa naman, nasa manila nako at totoo ba to?

May tatlong kabataan ang napadaan sa harap namin, panay lingon nila samin, nung nahinto na kami sa harapan nang building saka naman parang nagdagsaan ang mga tao mismo sa harapan namin. Napapatakbo payung iba.

In short, pinagkaguluhan kami. Pinagsisigawan nila ang pangalan ko, Maymay dito at Maymay doon. May bata at matanda, iniaabot nila ang kamay nila sakin para mahawakan ako o mahawakan ko sila.

Agad namang may tatlong guwardiya ang pumalibot samin nila Pat at pinagtutulak yung mga tao para mabigyan kami ng espasyo.

Bilang fan din ako noon kaya di ko mapigilan ang aking sarili na aliwin din sila. Tinatanggap ko ang mga regalong iniaabot nila sakin, hinahawakan ko ang mga kamay na iniaabot nila sakin. Lalo na yung mga matatanda. May nakikita pakong halos maiyak sila, yung mga bata. May isang bata pang bigla bigla nalang binuhat nung mama nya siguro at dinuldul sa harapan ko ang mukha, nasa 2 taong gulang palang siguro to at ang cute dahil sobrang matambok ang pisnge nito sinabi ng bata ang aking pangalan. Natuwa ako at kinilig. Hinawakan ko ang mukha ng bata at hinalikan sa pisnge. Nakita ko pang kinikilig na sumingkit ang mata nito, nagmukha itong intsik na round ball.
Panay abot nila sakin ng mga plushies, snacks at pagkain. Di na magkanda ugaga sila Pat sa paghawak sa mga natatanggap na regalo mula sa mga tagahanga.

Maya - maya lang dumating nayung sundo namin. Agad kaming inalalayan ng mga guwardiya na makalapit sa sasakyan at nakakalungkot man sabihin at makita pero may iba akong nakitang natutulak na. Napapahinto ako sa tuwing may nakikita akong natutulak lalo na yung mga matatanda. Sinasabihan ko silang mag ingat at nagpapasalamat.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng sasakyan saka pa nakahinga ng maluwag sila Pat at Jab. Habang yung ibang mga tagahanga ay nakasunod at sinisilip parin kami sa loob ng sasakyan. Natatakot akong baka madaganan sila pag di pa sila huminahon.

Ilalabas ko sana ang aking ulo sa bintana ng kotse ng pigilan ako ni Pat.

"May wag na. Baka magkagulo ulit sila. Hayaan mo na at aalis na tayo. Manong tara na po." Sabi nito sa driber namin.

Nanghuhupaw naman akong napabalik ng upo. Habang na saking kamay parin ang isang maliit na plushie ni Picachu.

Napangite akong pinisil pisil pa iyon. At nagsimula nang umandar ang sasakyan at umalis.

Di lang ako makapaniwala na ganito na ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Marami ng nakakakilala sakin, artista na ba talaga ako? Mga fans ko ba talaga ang mga taong yun kanina.

Masaya sya na nakakapanibago at nakakapagod. Nalilimitahan na nga lang yung mga bagay na malaya ko namang nagagawa dati. Pero ganun talaga siguro pag artista. Di sya madali pero sabi nila ay masasanay rin ako.

Napangite ako sa isiping yun at inilipat ang tingin sa labas ng kotse.

Maya maya lang parang baliw na napatili si Pat. Nilongon ko ito at nakita ko itong may tinitingnan sa screen nang cellphone nito.

Parang may pinapanuod itong video, kaya hinampas ko ito sa balikat.

"Huy! Okey ka lang ba? Para kang baliw dyan sa pinapanuod mo. Ano bayan at kinikilig ka dyan?"

Nahinto si Pat at nilingon ako, para pa itong baliw sa klase ng tingin nito saakin.

"Oh anyare sayo?" Tanong ko.

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now