CHAPTER - 11

195 21 8
                                    

Maymay's POV...

Ito nalang ulit ang unang beses simula nung lumabas kami ng PBB na bineso ako ni Edward sa pisnge. Parang nasanay kase ako na tuwing nagkikita kami ay isang simpleng pagbati lang o di kaya'y yakap lang na saglit.

Medyo nagulat ako dun at di agad ako nakabawi. Awkward sya para sakin. anong drama na naman to Edward?

Maya maya lang dumating nayung magtuturo samin nang sayaw. Andun din si Teacher Gercel. At nagsimula na kami sa rehearsal.

Ilang oras din ang ginugol namin sa pag eensayo ng sayaw na aming sasayawin sa Asap ngayong linggo.

Masakit na likod ko pero laban parin. Pinagpapawisan na kami, at gutom na. Pero gaya ng nakasanayan, may baon kaming pagkain. Buti nalang maagang gumising si Pat kanina at nakapagluto ito ng pang baon namin ngayon. Nung magsimula na ang break, ay kanya kanya nayung iba samin na nagsilabasan ng baon yung iba naman ay lumabas. Lumapit samin sila Donny. Nakangite ko silang tiningnan at sabay sabay kaming upo.

Tapos sumunod naman sila Edward at Kisses. Medyo nagulat ako ng talagang tumabi pa sakin si Edward, dahil palagi itong kay Kisses tumatabi pag ganitong break time para kumain. Maging si Kisses parang nagulat din, pero tumabi parin ito kay Edward.

Tahimik kaming kumain lahat. Nagkukwentohan at nagtatawanan, panay senyasan namin ni Donny dahil mga dalawang katao ang layo nito sakin. Kwentohan lang kami ng kwentohan hanggang sa matapos na kaming lahat na kumain. Isa isa na kaming tumayo para bumalik sa pag eensayo ng sayaw. Lahat kami naging busy na in the last hours for the day.

At nung matapos na ang rehearsal at oras na para umuwi. Sa may pinto nakita ko si Edward na nakasandal na animo may hinihintay. Nauna ng lumabas sila Pat,  at ng lalagpasan ko na sana si Edward ay bigla nalang ako nitong hinawakan sa braso. Nagulat ako kaya ko siya tinapunan ng tingin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong dito.

Binitiwan nito ang aking braso at hinarap ako.

"Lets go home together," yun lang at binitbit na nito ang bag ko.

Anong problema ng lalakeng to at umaakto ng ganito? At talagang kinuha pa nito ang bag ko.

Nang matauhan ako ay agad kong hinabol si Edward. Pinipigilan ko ito sa paglalakad at pilit kong kinukuha pabalik ang aking bag.

"Di mo na kilangan bitbitin ang gamit ko." Sabi ko nang makuha ko na ang aking bag. At nagpati - una ako sa paglalakad.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng building ay talaga sumabay na ito samin. Sumakay din ito sa sasakyan at tumabi sakin sa pag upo. Kaya tinitigan ko nalang siya.

"Bakit?" tanong nito.

"W-- wala.." at umurong ako ng kaunti.

"What are you doing?" tanong nito na nakatingin pa sakin.

Nagsalubong ang aking kilay at sinagot ito.

"Wala! Umaayos ng upo!"

Nangingibaw ang katahimikan saming dalawa.
Maya maya tumikhim ito,

"ahm.. is there something going on between you and Donny?" Out of nowhere nitong tanong habang di nakatingin sakin.

Nakunot ang aking noo. Ilang segundo ko lang itong tinitigan at nag iwas na ako ng tingin.

"Magkaibigan lang kami," sagot ko dito. At umirap ako sakanya.

Pero imbis na paniwalaan ako ay tinaasan lang ako ni Edward ng isang kilay.

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now