CHAPTER - 9

164 19 9
                                    

Pat's POV ...

Pagkadating namin ni May sa building nang ABS ay pinuntahan namin agad sila Donny.

May nagbago sa plano dahil ang sabi ni Donny ay omorder nalang daw sila ni Gelo nang pagkain tapos sa kotse nalang nila Donny kakainin.

Nasa labas sila nang kanilang sasakyan nang mamataan namin sila ni Maymay.

Agad kumaway si Donny samin, ang gwapo nito sa simpleng puting T shirt na suot nito na naka shorts lang na maong. Ang laki pa kamo nang pagkakangite nito nang salubongin kami, or rather si Maymay. Hayss

Nang makalapit kami ay agad nitong hinagod si May ng tingin mula ulo hanggang paa. Si Maymay na naka tsinelas pa at maluwang na Tshirt at jogging pants pa. O diba parang nasa bahay lang si May.

Agad namang bumalik ang tingin ni Donny sa mukha ni Maymay at nginitean ito na nagpawala pa sa mata ni Donny kahit di naman ito singkit.

Nang lingonin ko si May, nagpakawala lang ito ng ngiwing ngite. Problema neto?

"Tara na sa loob nang kotse, bago pa tayo tawagin.." si Donny.

Kaagad na binuksan ni Gelo ang pinto nang kotse at pinapasok kami.

Nagulat kami ni May sa luwang nang space ng sasakyan ni Donny. May upuan pa talaga habang yung mga pagkain na inorder siguro nila kanina ay nasa gitna at nakapatong sa isang parang maliit na lamesa.

Nauna akong pumasok at sumunod si May at sumunod naman si Donny tapos si Gelo. Pinapagitnaan namin ang dalawa. Kahit papano ay nagkasya naman kaming apat. Habang yung driver naman ni Donny ay nasa drivers seat sa harap. Di na nakasama si Jabien dahil pinatawag na agad ito ni Edward kanina pagkarating palang namin.

Agad namang kinuha ni May yung isang bote nang malamig na tubig, binuksan at ininum. Natawa nalang kami dahil muntik na syang mabilaukan talaga. Tubig lang yun ah, hayyy.

Naiitindihan ko naman si May, ikaw kaya may makatabing kasing gwapo at hot ni Donny di ka mabibilaukan? tapos first time na ganito pa silang dalawa kalapit sa pag upo hahaha! Pero joke aside, mainit kase talaga simula pa kanina sa labas. Baka nauhaw lang si May.

END OF POV...



May's POV...

Ayukong sabihing parang may mali dahil dapat wala talaga naman. Pero ito kasing si Donny umaaktong parang ewan minsan.

Naging crush ko kase sya nung una, pero nawala din naman matapos ang dalawang linggo. Tapos ayun, magkaibigan na kami at kaibigan nalang talaga ang tingin ko sakanya. Kaya pag ganito sya, ang OA man pakinggan pero medyo naiilang ako. Ayukong isipin na may mali sa mga inaakto nya kaya dapat di ko nalang talaga isipin, nubayan.

Nang mapagbuksan kami ni Gelo nang pinto nang kotse ay nauna si Pat na pumasok kaya sumunod ako, tapos akalain nyo yun, yung Donny sumunod sakin. Tapos yung upuan sa loob isang itsurang parang sofa na mahaba. Tapos isa lang yun ah. Kaya yung naging line up namin, si Pat, ako si Donny at Gelo. Napapagitnaan nila kami ni Donny. Kasya naman kaming apat ang kaso medyo masikip parin dahil halos wala na kaming distansya ni Donny, bushak!

Kanina pa ako naiinitan at nauuhaw, kaya nang makita kong may isang bote nang malamig na tubig ay agad ko itong kinuha at ininum. Nang bigla nalang napaturo si Gelo sa hawak kong tubig.

Nung una akala ko wala lang, kaya lang nang tapunan ko nang tingin si Donny ay ganoon din ito. Nakatingin din ito sa hawak kong tubig. Huli na nang maisip ko kong bakit ganoon nalang ang reaksyon nilang dalawa.

Di kaya... ano.. ano to ni... Kay Donny kaya to?!

Agad ko itong binitawan at binalik sa lamesa.

"Kay Boss yan na tubig..." si Gelo.

Napapikit nalang ako sa kahihiyan, nabuang na talaga ayyy!

Tapos ang baliw na si Pat, binulungan lang ako nang "iba!" na parang nang iinis pa.

"Sorry.. sorry.. sorry talaga di ko alam Donny. Sorry, papalitan ko nalang okey? Di ko kase alam na sayo yan, akala ko kase..." di ko na natapos ang sasabihin nang marinig kong parang natatawa si Gelo sa pagpapanic ko.

"Uyy Boss, pano bayan may first kiss kana. Indirect nga lang haha!" si Gelo.
Habang tumatawa pa talaga.

So ang ibig sabihin ay ininuman na iyon ni Donny. Parang ramdam ko na biglang naubusan ako nang dugo sa buong katawan.

Sana kainin nalang ako nang lupa. Pero pano ako lalamunin nang lupa kong nasa loob ako nang kotse, tsaka possible bayun? Lamunin nang lupa? Napatakip nalang ako nang mukha. At dahan dahan na tiningnan si Donny.

Parang ang dilim nang itsura nito, sino ba namang hindi. May bano ba naman na uminum nang pinag inuman niyang tubig. Tapos nangyaring ako pa. Tapos sabihin pang idirect kiss narin yun, nakakahiya. Yung laway ko nahalo sa laway niya nung idinikit ko yung labi ko sa ulonan nang bote ng tubig. So first indirect kiss? Eh ano naman ngayon? Eh first indirect ko rin naman to? Ang importante laway lang yun, di totally na naglapat yung mga labi namin kaya di yun counted!

Pero sabi ni Gelo 'first' so ibig sabihin wala pa palang first kiss tong si Donny. In fairness, reserved haha! Oo nga pala, wala pa nga palang Girlfriend tong lokong to.


"h--haha! Anong first kiss uy! Di yun first kiss, indirect nga diba sabi mo kaya di yun counted! ha - ha ano ka ba, ... ah Donny sorry talaga.. Gusto mo punasan ko nalang to?" Sabay turo ko sa may takip nang bote nang tubig.

"Hugasa---n ko narin ba, para ..." di ko na natapos ang aking linya dahil nilingon na niya ako at ngitean. Bushak yung ngite nyang ilang beses naring nagpapabilis nang tibok ng puso ko nung mga araw na crush ko pa sya.


"Its ok May, no big deal... Tubig lang yan, ano ka ba ha ha ha dib--a? Tsaka laway lang naman yung naghalo, -- I mean di naman totally baka nga natuyo nayung akin bago mo pa ininuman yan ha ha ha..." si Donny.

Para itong nagmistulang robot sa mga pagsasalita nito. Tapos nag iwas na ito nang tingin sakin.


"Ha ha ha ha ... buti pa kumain nalang tayo, nagugutom na ako ha ha ha ha..." pagpapatuloy nito sa sinasabi na naiilang parin. Halata sa boses nito.

"Boss oh," si Gelo na binigyan si Donny nang panyo.

Inabot iyon ni Donny nang may pagtatataka.

"May aircon naman, kaya bakit ka pinagpapawisan ng ganyan bossing?" muling sabi ni Gelo.

Tapos binigyan nito si Donny nang tingin na makahulugan.

Kaya ipinasak ni Donny ang isang buong burger sa bibig ni Gelo.

"Ang mabuti pa, simulan mo nang kumain. Gutom lang yan," si Donny.


At tahimik nang sumubo si Donny nang pagkain. At kami rin ni Pat. Si Pat na satingin ko'y parang kinikilig. Buweset bakit ba kasi nangyayari to?


End of CHAPTER - 9

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now