Chapter - 13

380 29 12
                                    


Days past...

Di parin kami okey ni Edward. Pinipilit ako ni Madam Luz na kausapin si ito lalo na kapag may ganap kami sa showbiz. Mas mahirap na kase syang hagilapin ngayon kesa noon. Para syang nagtatantrums.

Kinakausap niya lang din ako pag may mga taong nakatingin samin o kapag nasa harap kami ng camera. Pero yung awkwardness nya tuwing natatanong ang estado ng relasyon namin andun parin.

Kaya sa tuwing sakin napapasa ang tanong, tumatawa nalang ako at panay sabing "magkaibigan lang kami" "bestfriends" ganon.

At pag off set na, at nasa back stage na kami. Bigla bigla nalang niya akong iniiwan kila Pat.

Sa totoo lang gusto ko syang kausapin kaso di ko alam kong pano. Lalo na't ramdam kong andun parin yung inis mula nung araw na nag away kami.

Ang sabi ni Pat, baka wala lang sa mood si Edward. Pero palagi naman itong wala sa mood, kaya lang iba naman ata ngayon. Iniiwasan nya talaga ako.

Tapos sinabihan pa ako ni Maam Luz na pwedeng iwasan ko daw muna si Donny, dahil may mga fans na nagtataka at nagtatanong saming dalawa. Masama daw para sa image nang loveteam namin ni Edward at sa image ni Edward.

Mas bumigat ang pakiramdam ko dahil dun.

Kaya dahil dun ay iniiwasan ko si Donny tuwing nagkikita kami sa ABS, pag nasa set ko lang sya kinakausap pero dumidistansya ako pag naka off ang camera.

Baka kahit papano thru this ay maging okey kami ni Edward dahil ito naman talaga yung puno't dulo ng away namin noong nakaraan.

Nagtataka sakin si Pat, di ko kase sinabi sakanya yung short meeting namin ni Maam Luz.

Satuwing iniiwasan ko si Donny, si Pat ang kinakausap niya. Nagtatanong kong okey lang ba daw ako at kong may problema badaw.

Naawa na ako kay Donny dahil wala naman itong ginagawang masama pero natatakot naman akong hindi sundin si Mam Luz.

Naisip ko rin na baka dahil dito ay matapos nalang bigla ang pagkakaibigan namin ni Donny.
Pero anong magagawa ko?

Mabuting kaibigan si Donny. At talagang isa sya sa mga tao sa showbiz na talagang matatawag kong kaibigan.

Kahit aminin ko man na lately na may napapansin na akong kakaiba sa mga kinikilos nya ay binabaliwala ko nalang. Ayukong maging feeling pero satingin ko di rin talaga magandang tingnan yung ganon.

Kaya sinunod ko nalang ang utos ni Maam Luz at sinimulan ko na itong iwasan.

Mula sa pagkaka - upo sa sahig ay tumayo ako at lumabas nang practice room.

Tinawag nila ako pero sinabihan ko lang sila na nagugutom ako kaya bibili lang ako ng makakain sa labas.

Hinayaan naman nila ako, pero ang totoo di naman talaga ako lalabas. Sa loob lang ako ng ABS at naghahanap ng matatambayan.

May nadaanan akong Coffee booth kaya napabili ako ng kape kahit na hindi naman ako mahilig doon.

Nabangohan lang talaga ako sa amoy nang madaanan ko ito. Nakangiteng ini-abot saken ni Ate ang aking kape na syang nagpagaan ng loob ko kahit papano.

Sa totoo lang, parang mas gusto kong maglibot libot na muna sa loob nang building, baka may hindi pa ako napupuntahan dito.

Busy ako sa kakatingin sa paligid, habang bumabati sa mga taong aking nakakasalubong.

Maya maya lang parang ramdam kong may dalawang mata ang kanina pa'y nakatingin sakin. Weird pero baka imahinasyon ko lang.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo nang third floor.

O.T.W.T. Only Time Will TellWhere stories live. Discover now