Chapter 40

24 1 0
                                    

Nang papalapit na ako sa kaniya ay bigla naman siyang napalingon sa akin. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.

Inakala ko na tatanungin niya ako kung bakit ako lumapit sa kaniya, ngunit nagkamali ako. Hindi niya lamang ako pinansin, kahit na noong makaupo na ako malapit sa kaniya.

"May problema ba?" tanong ko pa sa kaniya. "Bakit ko pa nga ba tinatanong? Halata naman talagang mayroon," natatawang sabi ko pa.

Tahimik pa rin siya hanggang sa ngayon. Nasanay na rin akong ganito siya sa tuwing magkakaroon siya ng problema, lagi lamang siyang tahimik at hindi ka nito papansinin.

"Ano na ang problema mo?" pag-uulit ko pang tanong sa kaniya. "Baka naman may balak kang magsabi? Baka lang naman ha?" pagpapatuloy ko pa.

Nilingon niya naman ako, saka lamang umiling.

Hindi ko tuloy siya maintindihan. Akala ko pa naman ay magsasabi na siya sa akin.

Mas lalo pa akong naguluhan kung anong gusto niyang ipahiwatig sa kaniyang pag-iling. Maaari kasing dalawa ang kahulugan noon. Maaaring wala siyang problema o kaya naman ay ayaw niya lamang magsabi.

Pakiramdam ko ay ayaw niya lamang talaga magsabi, dahil alam ko naman at halata naman sa kaniyang mayroon siyang problema.

Ang kinakailangan ko na lamang alamin ay kung ano iyon. Napaisip tuloy ako kung ano ang maaari niyang maging problema. Inisip ko ang mga naganap kanina hanggang sa ngayong oras na ito.

Nagkaroon lang naman ng problema nang magkasagutan silang dalawa ni Sir Salvi. Napag-isip-isip ko na iyon nga ang problema niya sa ngayon.

"Alam ko na," pauna kong sinabi, napalingon naman siya nang dahil dito.

"Ano?" pangunguwestiyon niya naman. "Anong alam mo na?" karagdagang tanong niya pa.

"Hayst! Nagsalita ka rin," sabi ko habang nakangiti. Nakakatuwa kasi na alam kong nakikinig din siya sa mga sinasabi ko. Nakuha niya pang magtanong.

"Alam ko na kung anong problema mo," sabi ko sabay tango pa sa kaniya.

Parang kinabahan naman siya nang sabihin kong alam ko na ang problema niya. Nakapagtataka tuloy kung anong problema ba ang iniisip niyang alam ko.

"Sige nga, kung alam mo, ano ang problema ko?" naghahamon niya pang tanong sa akin.

"Ayaw ko nga! Bakit ko pa sasabihin kung alam mo naman sa sarili mo ang problema mo?" tanong ko pa sa kaniya habang naguguluhan pa rin sa ngayon.

"Para nga malaman ko kung tama ang iniisip mo," sagot niya naman.

"Huwag mong sabihin na mayroon ka pang ibang problema at mali ang naiisip ko, dahil kung tama ako ay isa lang ang problema mo. Ngunit, nagtatanong ka pa, kaya alam kong may iba ka pang problema. Ano iyon kung sa gano'n?" tanong ko na namang muli sa kaniya.

"Hayst! Bakit ko pa kasi tinanong," sabi niya sa sarili niya. "Ako pa tuloy ang napahamak ngayon," bulong niya pa.

"Bakit ka naman mapapahamak kung sa gano'n ha? Dahil ba nalaman ko?" kuryosong tanong ko pa sa kaniya.

"Oo, tama ang naiisip mong problema ko," sabi niya naman ngayon. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano niyang malalamang tama ako? Hindi ko pa naman sinasabi sa kaniya ang naiisip ko. Hayst! Lalo lamang akong naguluhan sa kaniya.

Sa tingin ko ay ayaw niya lamang na malaman ko pa ang iba niyang iniisip na problema, kaya naman sumang-ayon na lamang siya sa naiisip ko, kahit na hindi niya pa alam kung ano ito.

Alam kong mayroon pa siyang ayaw sabihin sa akin at ayaw niyang ipaalam. Ako kaya iyon? Kinakailangan ko pa tuloy alamin.

"Ano na ang naiisip mong problema ko?" biglang tanong niya sa akin.

"Problema mo? Tungkol sa inyong dalawa ni Sir Salvi, sa pagkakaibigan niyo," sagot ko naman sa kaniya, dahilan ng pagkabigla ko.

Huli na nang maisip kong nasabi ko ang nasa isip ko. Hayst!

"Tama, iyon lang naman talaga ang problema ko sa ngayon," pagsang-ayon naman ni Cris sa sinabi ko habang nakangiti pa sa akin ngayon.

Mas lalo kong ipinagtaka kung ano ang ikinangingiti niya sa ngayon. Parang kanina lamang ay napakaseryoso niya at ngayon naman ay bigla-bigla na lamang siyang ngumingiti. Naguguluhan na talaga ako sa isang ito.

Ngunit, isa lang naman ang rason, dahil nalaman niya na kung anong problema niya ang naiisip ko. Hindi na siya aamin sa akin n'yan kung ano ba talaga ang problema niya.

Ang hirap talaga sa akin nasabi ko agad. Nabigla lang naman kasi ako sa biglaang tanong niya, dahil may iniisip din ako.

Paano ko na n'yan malalaman ang tunay niyang problema?

Tiyak na hindi na siya magsasabi sa akin. Sa palagay ko ay sasarilihin niya na lamang ito. Baka naman kasi personal iyon at hindi niya maaaring ipaalam sa kahit na sino. Tama, gano'n nga siguro. Sana lang tama ang naiisip ko, dahil kung hindi ay hindi ko na talaga alam.

Wala namang ibang paraan para malaman ko, dahil siya lamang ang makapagsasabi nito.

"Kung ano man ang naiisip mong problema ko ay tama ka, tama ang lahat ng naiisip mo," sabi niya pa.

"Paano kung ang naiisip kong problema mo ay tungkol sa kung paano mo mapapasagot ang nililigawan mo. May nililigawan ka nga ba?" tanong ko pa.

"Tama ka!" sabi niya naman. "Ay! Mali pala, wala kasi akong nililigawan sa ngayon. Mayroon lang nanliligaw sa akin," sabi niya pa habang natatawa.

"Kaya naman hindi maaaring tama ang lahat ng naiisip ko. Magsabi ka nga ng totoo," seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ano? Anong sasabihin kong totoo?" naguguluhang tanong niya pa. "Totoo naman na ang lahat ng sinasabi ko," dagdag niya pa.

"Alam kong mali ang naiisip kong problema mo. Kaya naman magsabi ka kung ano ba talaga ang problema mo," sabi ko naman.

"Wala na nga, kung ano lang ang naiisip mo, iyon lang ang problema ko," sabi niya na naman. "Hindi mo na kailangang malaman ang tungkol sa ikinababahala ko na baka madagdagan pa ang kaagaw ko sa 'yo," bulong niya naman.

Hindi ko naman ito masyado naintindihan, dahil alam kong sinadya niyang hinaan lamang ang boses niya. Bahala na nga siya, kung ayaw niyang magsabi.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon