Chapter 28

36 10 0
                                    

Nang makaalis na nga si Shiela at ako na lamang ang naiwan mag-isa sa apartment ay pinili ko na lamang maglinis kaysa matulog.

Nadala na kasi ako sa mga napapanaginipan ko. Mas mabuti ng gising ako at marami pa akong magagawa.

Malaki ang t'yansang mapanaginipan ko na naman siya kung pipiliin kong matulog. Ayaw ko na muling umiyak sa araw na ito, dahil ilang beses na ang naging pag-iyak ko. Tama na muna sa ngayon, bukas na lang siguro ulit. Huwag naman sana.

Binuksan ko na muna ang cellphone ko at namili ng music na maaaring patugtugin, bago ako maglinis. Nakakawalang-gana kasi kapag wala man lang sounds habang naglilinis. Iba rin kasi talaga kapag may music, parang bigla akong nagiging masipag.

Nang makapili na ako ay sinimulan ko na ang paglilinis.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan kapag kapiling kang tumitig sa kawalan," pagsabay ko pa sa kantang pinapatugtog ko.

"Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, nating dalawaaa," patuloy ko pa rin sa pagkanta, habang nag-aagiw na muna sa kisame.

"Tanaw pa rin kita sinta, kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala. Sa tuwing  nakakasama ka, lumiliwanag ang daan sa kislap ng iyong mga mata. Pag ikaw ang kasabay puso'y napapalagay, gabing tumatamis kapag hawak ko ang iyong kamay," patuloy ko pa rin sa pagkanta, habang ito'y damang-dama.

At biglang nag-chorus na.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan, kapag kapiling kang tumitig sa kawalan. Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, nating dalawaaa," pagkanta ko pa lalo, habang nakapikit na.

Ipinagpatuloy ko pa rin namang muli ang aking gawain at hindi na muna sinabayan ang kanta.

Nang matapos na ako sa pag-aagiw ay nagwalis naman na ako, dahil nalaglag na sa sahig ang mga alikabok galing sa kisame.

Ang nililinisan ko ngayon ay ang sala, dahil minsan na lamang namin ito nagagawang linisan. Wala naman kasi kaming oras para gawin pa ito. Mabuti na lamang pala at hindi ako pumasok ngayon. Kaya't nagawan ko pa ng paraan.

Matapos magwalis ay inayos ko pa ang ibang gamit na pakalat-kalat kung saan. Kung saan nalang kasi inilalagay at hindi na naibabalik sa tamang lagayan.

Inayos ko rin ang mga unan sa sofa at ang iba pang mga gamit sa divider.

Ngayon naman ay kinuha ko na ang mop at nag-mop na ako sa buong sala. Napaka-alikabok na ng sahig, kailangan talaga ng mop, dahil ang walis ay hindi sapat. Ang saklap!

Halos inabot din ako ng dalawang oras sa ginawa kong paglilinis, dahil napagpasyahan kong ayusin na rin ang mga gamit sa may kusina.

Mayroon pa rin kasing mga hugasin, kaya't hinugasan ko na ang lahat ng ito. Para pagdating ng mga kaibigan ko ay maayos na ang lahat. Naiintindihan ko naman sila, dahil napaka-busy talaga.

Nang alas-tres na ay natapos ko na ang lahat ng gawain at nagpahinga na muna. Maya-maya lamang ay darating na ang aking mga kaibigan.

Nagbihis naman na muna ako, dahil naka-uniporme pa pala ako nang maglinis ako kaya't nadumihan na ito.

Naisipan kong maghanda ng meryenda, dahil nagugutom na ako, idinamay ko na rin ang mga kaibigan ko. Wala na rin naman akong gagawin sa ngayon.

Nagluto ako ng burger patties, dahil may tinapay naman kami rito at lalagyan ko na lamang ng ketchup at mayonnaise. Sasamahan ko na rin ng cheese.

Tatlong piraso lamang ang inihanda ko, dahil tatlo lamang kami rito. Nagtimpla na rin ako ng orange juice.

Sakto namang matapos ako sa ginagawa ko, nang dumating ang dalawa kong kaibigan.

Ngunit, sa hindi ko inaasahan ay may kasama pa sila. Ang boyfriend ni Francyn ay kasama nila ngayon.

Narinig ko pang masaya silang nag-uusap, habang papasok na ng pinto.

"Nandito na kami Glare," ang sabi naman ni Shiela.

"Kita ko nga," sagot ko naman.

"Bihis na muna ako," paalam naman ni Shiela kay Francyn, tinanguan lamang siya nito.

Dumiretso nga si Shiela sa kwarto, at nang makalabas doon ay dumiretso papunta sa akin sa kusina.

"Amoy burger, nag-abala ka pa talaga," sabi niya pa.

"Para sa akin lamang ang lahat ng ito," sabi ko naman sa kaniya.

"Bakit ang dami naman?" tanong niya naman.

"Kasi gutom ako," sagot ko sa kaniya.

"Alam kong para sa ating lahat 'yan," ang sabi niya.

"Oo, ginawa ko talaga ito, para sa ating tatlo," ang sabi ko sa kaniya.

"Para sa ating tatlo? Apat tayo ngayon," pagpapaalala niya naman.

"Hindi ko naman kasi alam," ang sabi ko.

"Tara na, dalhin mo na roon iyan," ang sabi naman ni Shiela sa akin.

Sumunod naman ako sa kaniya at lumapit na kami kina Francyn. Inilapag ko na ang hawak kong tray sa lamesa at isa-isang inihapag sa kanila.

Napatingin naman sa akin ang boyfriend ni Francyn, nang inilagay ko sa harapan nito ang isang burger na nasa platito at isang basong orange juice.

"Paano ka?" tanong niya.

Nakita ko namang napatingin si Shiela sa kaniya at maging sa akin. Parang wala namang narinig si Francyn, dahil wala man lang makitang reaksiyon sa kaniya.

"Gagawa na lang akong muli ng para sa akin," sagot ko naman at nagmamadaling umalis na at pumunta ng kusina.

Bago ako makaalis ay nakita ko pa ang naging pagngiti ni Shiela sa pangyayari.

Inabala ko naman ang sarili ko sa ginagawa ko at sinadya kong tagalan ito.
Kung hindi nga lang masusunog ang patties ay hindi ko na ito tatanggalin. Ininit ko na rin maging ang tinapay at medyo natagalan ako kaya't nasunog pa ito. Ang naging paglalagay ko naman ng ketchup at mayonnaise ay halos papatak-patak lamang upang mas lalong tumagal ang aking ginagawa.

Kumuha rin ako ng isang baso at nagtimpla ng orange juice rito. S'yempre, tinagalan ko rin ang paghahalo nito.

Ayaw ko na ngang tapusin. Ngunit bigla naman akong tinawag ng aking kaibigan.

"Glare, hindi ka pa ba tapos d'yan? Ang tagal mo naman, marami pa tayong pag-uusapan," pagpapaalala sa akin ni Shiela.

Narinig naman ito ni Francyn at ng boyfriend niya, dahil kasama lamang nila si Shiela.

"Anong pag-uusapan niyo?" narinig ko namang kuryosong tanong ng boyfriend ni Francyn kay Shiela.

"Basta, sa amin na lang iyong dalawa," sagot naman sa kaniya ng kaibigan ko.

"Mamaya na lang," sabi ko naman kay Shiela.

"Bakit hindi pa ngayon?" tanong naman ulit ng boyfriend ni Francyn, na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Hindi ko na lamang siya sinagot at tinapos ko na lamang ang ginagawa kong pagtitimpla ng juice. Kinain ko na rin ang burger na ginawa ko, para hindi na nila ako kulitin pang magsalita, dahil kumakain na ako.

Ayaw ko namang ipaalam sa kanila. Lalong-lalo na sa kaniya kung anuman ang pag-uusapan namin ni Shiela, dahil tungkol ang lahat ng iyon sa kaniya at sa nakaraan naming dalawa.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon