Chapter 31

34 8 4
                                    

"Hoy! Bakit bigla ka na lamang natulala riyan?" biglang tanong sa akin ng kaibigan kong si Shiela.

Ngayon ko lang tuloy ulit napansin na matapos niya iyon sabihin, hindi na ako nakapagsalita pang muli. Wala naman na kasi akong masasabi pa, dahil sa binanggit niya.

"Ako? Tulala? Hindi kaya," ang sabi ko naman.

"Hindi, tulala lang." Saka niya ako hinampas sa braso.

"Bakit na naman?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Hellooooo," sabi niya, habang ikinakaway-kaway ang kamay niya sa tapat ng mga mata ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi niya naman ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa niya.

Nang dahil ayaw niyang tumigil, hinuli ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan upang matigil na siya.

"Bitawan mo nga ang kamay ko," utos niya sa akin.

"Ayaw ko nga," sagot ko naman.

"Bitawan mo na," naiinis na sabi niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit paulit-ulit mong ikinakaway ang kamay mo sa harap ng mukha ko?" nagtatakang tanong ko pa rin sa kaniya.

"Lutang ka kasi, tapos ang tagal mo pang tulala kanina. Akala ko, hindi mo na mapapansin, dahil sa sobrang pagka-seryoso mo," usal niya naman.

"Hindi naman, may naalala lang," sabi ko na lamang sa kaniya at binitawan na ang kamay niya.

Ipinagpag niya pa ang kaniyang kamay matapos ko itong bitawan. Nasaktan siguro siya, dahil sa higpit ng pagkaka-hawak ko sa kaniya.

"Masakit ha, ano namang naalala mo?" kuryosong tanong niya.

"Hindi ko na alam, nalimutan ko na," ang sabi ko na lamang.

"Kasasabi mo pa lamang na may naalala ka. Ibig sabihin lamang noon ay natatandaan mo pa," ang sabi niya.
Alam na alam niya talaga ang lahat. "Nalimutan o kinalimutan?" tanong niya pa.

"Tulad ng sinabi ko nalimutan," tugon ko. Pinanindigan ko na ito.

"Huwag ako, iba na lang. Lokohin mo na ang lahat, paniwalain mo na ang lahat. Ngunit ako? Kahit kailan ay hindi mo maloloko," ang sabi niya pa.

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi niya, dahil tama ang lahat ng iyon. Alam niya kung nagsasabi ako ng katotohanan o kaya naman ay kasinungalingan.

"Oo na, kinalimutan na. Sana nga nakalimutan ko talaga. Pero, hindi ko magawang malimutan. Hanggang ngayon ang lahat ay akin pa ring natatandaan," sabi ko sa kaniya, nakikinig na lamang siya.

Tumango naman siya sa akin, bilang tugon na magpatuloy ako sa sinasabi ko.

"Mula sa mga mensaheng binitawan niya, hanggang sa mga salita at letra ay tanda ko pa," sabi ko, habang inaalala ang lahat ng mga sinabi niya.

Hindi ko na nga kailangan pang alalahanin, dahil hindi ko naman iyon kailan man nalimutan. Ang lahat ng iyon ay kusa kong natatandaan.

May mga bagay talaga na hindi na inaalala, dahil parte na ito ng iyong ala-ala.

"Nagsimula ang lahat, nang sinabi niyang may gusto raw ako sa kaniya. Ang kapal talaga ng mukha, lumapit pa talaga sa akin para sabihin lamang iyon," kuwento ko pa kay Shiela habang patuloy pa ring naaalala ang unang beses na mapalapit ako sa kaniya.

"Hindi ko nga matandaan na napasulyap ako sa kaniya. Paano pa kaya ang magustuhan siya lalo't hindi ko pa siya nakikilala? At siya pa itong naglakas ng loob na sabihing may gusto raw ako sa kaniya. Samantalang, noon ko pa lamang siya nakita," pagpapatuloy ko.

Kung hindi pa siya lumapit ay hindi ko naman siya makikilala.

Habang patuloy na naaalala ang mga nangyari noong nakaraan, napakasaya lamang sa pakiramdam. Lalo na't noong umpisa, dahil iyon ang pinakamasaya.

Nang dahil, nagsisimula pa lamang ay naroon talaga lahat ng kasiyahan.

Maayos pa ang lahat, walang naging problema at palagi lamang masaya basta't kasama siya.

Hindi naman mawawala ang problema. Ngunit, nasosolusyanan naman agad namin itong dalawa. Walang nagtatagal sa aming problema.

Dumating din ang oras na tila ba'y hindi na talaga namin kaya at kaming dalawa ay pasuko na. Ngunit, nang maalala namin kung paano kami nag-umpisa, nakayanan pa rin naming magpatuloy at malampasan ang lahat ng pasakit sa aming dalawa.

Sa hindi ko inaasahan, darating pala talaga ang oras na aking kinatatakutan. Ang oras na wala na talagang paraan para masolusyunan pa ang aming pinagdaraanan. Ang oras na kaming dalawa ay sumuko na talaga at hindi na lumaban pa. Hindi na namin piniling lumaban pa, dahil umpisa pa lamang ay talo na. Lalo na't noong nalaman kong may iba na.

"Natapos ang relasyon naming dalawa, nang magpasya akong tapusin na. Ako na ang nagpasya para sa aming dalawa, dahil hindi ko na talaga kaya," ang sabi ko pa.

Ako ang pumili na maghiwalay kaming dalawa, dahil kung ayaw niya, dapat una pa lamang ay hindi na siya humanap ng iba.

Siya rin naman ang dahilan sa naging desisyon ko. Siya ang may kagustuhan ng lahat ng ito.

Hindi siya naging masaya, dahil hindi siya nakuntento.

Humanap pa rin siya ng iba kahit mayroon na siyang tulad ko. Wala siyang pinili, sa totoo nga n'yan hindi siya pumili.

Naging sapat ng kadahilanan para sa akin iyon, upang hiwalayan siya, dahil kung talagang ako ang mahal niya, ako ang pipiliin niya. Hindi na dapat kailangang mag-isip pa. Ngunit, nagkamali ako, dahil wala siyang pinili sa aming dalawa. Pinatunayan niya lamang sa akin na hindi siya makapagpasya, dahil kung talagang mahal mo ang isang tao wala ka ng magiging pag-aalinlangan pa. Kusa mo itong pipiliin, dahil siya ang mahal mong talaga.

Hindi ko na binanggit pa ang lahat kay Shiela, dahil ayaw ko ng siya ay mag-alala pa. Nananahimik lang naman siya, dahil alam niya namang kapag hindi na ako nagsalita, may iniisip akong mahalaga.

Masakit maiwan, ngunit mas masakit mang-iwan.

Kapag naiwan ka ay sarili mo lamang ang iniisip mo. Sariling sakit lamang ang nararamdaman mo. Ngunit ang taong nang-iwan doble ang nararanasan nito. Dobleng sakit ang dinaranas nito.
Napakahirap na desisyon ang mang-iwan, lalo na't kung ang taong minamahal mo ang kailangan mong iwanan.

Kinakailangan mong maging matatag upang makayanan mo ang naging desisyon mo, dahil hindi ka na maaaring magsisi kapag nagawa mo na ito.

Hindi lamang sakit na dinaranas mo ang mararamdaman mo, dahil ramdam mo rin ang sakit na dinaranas ng taong iniwan mo.

Hindi lamang sarili mo ang iniisip mo. Iniisip mo rin ang kapakanan ng taong mahal mo.

Kapalit ng desisyon na kailangang gawin, dobleng sakit naman ang kailangang danasin.


Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon