Chapter 9

160 107 20
                                    

                Dedicated to Kaytel00

Nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip sa maaaring ginagawa ngayon ng dalawa. Sa tingin ko ay masaya sila ngayon habang nanonood ng sine, maaari rin namang kumakain sila at masayang nag-uusap.

"Glare, gising naaaaaa!!!" Dinig kong sigaw sa akin ng kaibigan kong si Shiela.

Naisin ko mang patuloy pa ring matulog, hindi ko ito maaaring gawin, dahil may klase pa kami ngayon. Araw na ng Sabado ngayon kaya't huling araw na ng klase namin sa linggong ito.

Bumangon na ako kahit napipilitan lamang at nakapikit pa rin hanggang ngayon. Sobrang inaantok pa talaga ako at nais ko ulit mahiga at matulog na naman.

"Ang aga mo naman kung manggising," reklamo ko pa sa kaibigan ko.

"Anong maaga? Tingnan mo kaya ang oras." Sabi niya naman na naiirita na sa akin ngayon.

"Thirty-minutes after six," sinabi ko naman sa kaniya, matapos kong tingnan ang orasan.

"Meaning, thirty-minutes before ang klase, kaya bilisan mo na riyan," pagmamadali pa sa akin ni Shiela.

"Bakit ngayon mo lang ba ako ginising?" nagtatakang tanong ko pa sa kaniya, nang mapagtantong mala-late na kami. Tatlumpung-minuto na lamang. Naku naman!

"Parang kanina lang, nagrereklamo ka kung bakit ang aga kitang ginigising. Tapos ngayon sasabihin mo bakit ngayon lang kita ginising? Kanina pa nga ako nandito at pilit kang ginigising d'yan. Bakit ba kasi hindi ka agad nagising ngayon?" pang-uusisa pa sa akin ng aking kaibigan.

Ang dami niya agad nasabi. Samantalang isa lamang ang tinanong ko sa kaniya. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong. Kaasar naman!

"Malay ko, sa ngayon lang ako nagising," sagot ko naman sa kaniya.

Madalas talaga kasi ako kung maging pilosopo. Totoo lang naman kasi ang lahat ng sinasabi ko. Ayaw ko ng tanong na obvious ang sagot. Dapat alam na nila 'yon.

"Naku! Iyan ka na naman, mauuna na ako sa 'yo," pagpapaalam niya naman na sa akin.

Napansin ko rin na nakabihis na siya ng school uniform namin. Kanina pa siguro siya dapat aalis, ginising niya lang talaga ako. Kaya nandito siya ngayon.

"Nasaan na nga pala si Francyn?" tanong ko naman sa kaniya, bago siya umalis.

"Iyan oh, tulog pa rin hanggang ngayon," turo niya naman sa kinaroroonan ng isa pa naming kaibigan, na mahimbing pa rin ang tulog sa higaan niya.

"Papasok ba siya ngayon?" karagdagan ko pang tanong kay Shiela.

"Aba! Ewan ko, siya na lang ang tanungin mo, una na ako. Bye na," sabi niya at nauna na ngang pumasok.

Naiwan tuloy kaming dalawa ngayon dito ni Francyn. Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog niya. Kaya pinili kong huwag na muna siyang gisingin.

Bahala siya riyan! Choice niya na kung mala-late siya o kaya naman kung hindi na siya papasok. Kasalanan niya rin naman.

Naligo na lamang ako at nagmadali nang mag-ayos. Dalawampung-minuto ang naubos kong oras nang dahil dito. Mayroon na lamang akong limang minuto paniguradong late na ako nito.

Makarating man ako sa school sa loob ng limang minuto. Maglalakad pa ako papunta sa building namin at paakyat sa aming silid. Late na ako nito ng halos tatlong minuto. Sigurado akong naroon na ang aming professor at nagsisimula na ang discussion.

Natagalan pa lalo ako sa pag-iisip. Kaya nagmadali na talaga ako habang tumatakbo na, makarating lamang agad.

Hindi pa ako nakapag-almusal, dahil sa naging pagmamadali ko. Wala na ring oras para makapunta sa canteen at makakain.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon