Chapter 14

125 81 9
                                    

              Dedicated to cheolsa_22

Itinigil ko na ang pag-iisip ng kung anu-ano at nagready na lamang ako sa pag-alis naming dalawa ni Shiela.

Namili ako ng damit na maaari kong gamitin. Napagpasyahan kong isuot ay ang isang white croptop at maong jeans. Nagsuot na lamang din ako ng white rubber shoes at pinatungan ko ng denim jacket ang aking white croptop.

Nilugay ko na lamang ang aking buhok at naglagay ng light make-up at liptint.

"Ano Glare? Ready ka na? Tara na!" aya naman na sa akin ngayon ni Shiela, habang nakangiti ng todo, dahil napapayag niya na rin ako.

"Oo naman," sagot ko sa kaniya at ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.

Lumabas na ang aking kaibigan sa kuwarto at sumunod naman na ako sa kaniya.

Ngayon, ang tamang panahon para ibalik ko na ang dating Glare. Nakakasawa rin pala ang lagi na lamang mag-isa. Napakasuwerte ko pa rin, dahil may isa akong kaibigan na tulad ni Shiela.

Laging nand'yan at maaasahan kahit kailan o kahit saan pa man 'yan.

Sabay na kami ng aking kaibigan na naglakad palabas ng apartment.

Pumara lamang kami ng jeep na masasakyan namin papunta sa Mall na sinasabi ni Shiela na pupuntahan namin.

Malapit lamang ito, dahil ayaw naman naming pumunta pa sa malayo at matagalan pa kami sa byahe.

Punuan na ang jeep kaya't nakisiksik na lamang kami upang makaupo kahit papaano. Ganitong oras kasi maraming tao ang namamasyal dahil araw ng Linggo at alas-sais na ng gabi.

"Manong, bayad po, dalawa. D'yan lang sa pinakamalapit na mall," sabi naman ni Shiela at ini-abot na ang bayad namin.

Sandali lamang ang naging biyahe at nakarating na kaming dalawa ng aking kaibigan. Marami rin sa kasabay namin sa jeep ang nagsibabaan na rin.

Kinaladkad niya naman na ako at pumasok na kami sa loob ng mall.

Bigla siyang huminto at kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.

"Picture tayo Glare, dali! Ipo-post ko lang at ita-tag kita," sabi niya naman at itinapat na sa aming dalawa ang cellphone niya.

Ilang shots din ang kinuha niya at huminto na nang makuntento siya.

Pinagmasdan ko naman siya ng ipost niya nga ito at itinag ako. Nilagyan niya pa ng caption na "For the first time."

Ang dami talagang alam ng babaeng ito.

Matapos ay nagsimula na ulit kami maglakad. Naglibot kami kung saan-saan at namili rin ng mga nagustuhan namin.

Ang binili ko lamang ay isang libro na paborito ko at dati ko pa ito nais bilhin.
Hindi ko naman mabili-bili, dahil hindi nga ako namamasyal.

Samantala, si Shiela naman ay puro mga damit at kung anu-ano pang gamit ang pinagbibili. Sa tingin ko ay inubos niya ang kanyang allowance sa linggong ito.

"Bakit ang dami mo namang pinamili Shiela?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Hayaan mo na, minsan lang naman," ang sabi niya naman.

"Wala ka na n'yang natirang allowance, dahil sa dami mong binili," sabi ko naman.

"Huwag kang mag-alala. Meron pa namang natira," ang sabi niya at ngumiti pa.

"Siguraduhin mo lang," sabi ko pa at napatingin ako sa suot kong relo at nagulat ng makitang alas-otso na ng gabi.

Halos dalawang oras kaming namasyal nitong si Shiela at nilibot halos ang kabuuan nitong mall.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon