Chapter 15

129 80 16
                                    

                   Dedicated to blueey_

Alas-dyes na ngayon ng gabi at wala pa rin ang isa naming kaibigan na si Francyn.

Hindi naman ako nag-aalala sa kalagayan niya, dahil paniguradong iingatan naman siya ng kasama niya. Tulad ng pag-iingat nito sa akin noong una.

Sana naging masaya sila sa isang araw na magkasama silang dalawa. Panigurado naman iyon. Lagi naman silang masaya kapag sila ay magkasama.

Nalulungkot ako tuwing naiisip ko ang kalagayan ko sa ngayon. Ngunit masaya na rin ako, dahil masaya sila. Masaya siya at masaya rin ang kaibigan ko, kaya masaya na rin ako para sa kanilang dalawa.

Ito na naman ako. Pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya para sa kanila. Kahit ang totoo, nasasaktan ako kapag nakikita silang magkasama.

Ang hirap palang pilitin ang sarili na maging masaya. Madaling sabihin na masaya ka, ngunit napakahirap ipakita.

Napakahirap magpanggap, dahil sarili mo lang din ang niloloko mo, hindi ang ibang tao.

Nang dahil sa lungkot na aking nararamdaman, pinili ko na lamang matulog na, upang mawala na ang lahat ng ito sa aking isipan.

Parang pagtulog na nga lang lagi ang nagsasalba sa akin mula sa kalungkutan, dahil kapag natutulog ako wala akong alam. Hindi ko alam ang aking nararamdaman.

Inilalayo ako nito sa totoong mundo kung saan puro kalungkutan ang aking nararanasan.

Sa tuwing nalulungkot ako itinutulog ko na lamang ito.

May pag-asa pa na sa panaginip ko ay maging masaya ako.

Halos anim na oras lamang ang naging pagtulog ko at nagising na ako ng mag-alas-singko.

Akala ko pa naman ay magiging maganda ang pagtulog ko at masaya ang magiging panaginip ko. Ngunit, nagkamali ako, dahil maging sa panaginip ay lungkot ang nadama ko.

Sa panaginip na lamang ako umaasa na magiging masaya ako, ngunit binigo pa ako nito.

Kahit sa panaginip lamang maging masaya ako, ay laking pagpapasalamat ko na rito.

Maging sa panaginip ay hindi ko maranasan ang maging masaya, dahil lungkot ang ipinadama.

Ito na lang ang tanging kinakapitan ko, upang sumaya ako. Ngunit, nagkamali ako sa iniisip ko at inaasahan ko, dahil mas lalo lamang akong nalungkot at nasaktan sa aking nasaksihan.

Naaalala ko pa ang nangyari, mayroong dalawang imahe kung saan sila ay masayang nagtatawanan at hindi man lang ako napansin ng mga ito kahit na ako'y dumaan na sa kanilang harapan.

Tila ba'y wala silang pakialam, sa kahit kanino man. Hindi ako nilingon man lang o binigyang pansin at pinahalagahan.

Ang sakit isipin na ang dalawang ito ay ang kaibigan ko at ang boyfriend nito na dati ring minahal ko.

Ang dalawang tao na pinahahalagahan ko ay hinayaan lamang ako.

Sa patuloy kong pag-iisip ay patuloy rin akong nasasaktan. Simula ngayon ay hindi ko na lamang iisipin ang mga bagay na nakasasakit sa akin.

Agad na akong bumangon at naligo, dahil araw na naman ngayon ng Lunes. Ang araw kung saan simula na naman ng klase.

Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako at pumunta ng kusina upang makakain na rin ako.

Nakita ko naman si Francyn na nasa kusina ngayon at siya ang nagluluto ng almusal namin. Kaya pala hindi ko siya napansin sa kuwarto nasa kusina na pala siya.

Akala ko naman ay hanggang ngayon wala pa siya. Mabuti naman at nakauwi na.

"Good morning, kain ka na," bati niya naman sa akin at inilapag na ang mga niluto niya.

Tumango naman ako sa kaniya at nginitian siya. Naupo na ako at nagsimula ng kumain. Nagluto lamang siya ng bacon at ham, mayroon ding fried rice.

"Alas-dose na ako nakauwi kagabi, tulog na kayo, nang makarating ako. Hinatid niya naman ako rito, kaya huwag kayong mag-alala," sabi niya naman sa akin, habang kasabay ko na rin siyang kumain.

"Mabuti naman," ang sabi ko sa kaniya.

"Maaga lang talaga akong nagising, kaya naghanda na ako ng makakain natin.
Masaya naman kami at nag-enjoy rin," sabi niya pa habang todo ngiti.

"Good to know," sabi ko pa sa kaniya.

"Well, masaya naman talaga basta't siya ang kasama," karagdagang banggit niya pa.

Hindi na lamang ako nagsalita at nanahimik na lang. Hindi ko rin binilisan ang aking pagkain, dahil marami pa namang oras.

"Good morning!" bati naman sa amin ni Shiela nang magising na siya. "Ang aga niyo naman, hindi niyo man lang ako sinabihan," ang sabi niya pa sa aming dalawa ni Francyn.

"Good morning, sumabay ka na sa amin. Ako ang nagluto n'yan," sabi naman ni Francyn kay Shiela.

"Wow! Iba talaga kapag inspired," pagbibiro naman sa kaniya ni Shiela.

"Ganoon talaga," ang sabi naman ni Francyn.

"Kumusta pala?" tanong naman sa kaniya nitong si Shiela.

"Okay naman, masaya. Sobrang saya!" sagot naman sa kaniya nang nakangiting si Francyn.

"Halata nga," ang sabi naman ni Shiela nang mapansin ang ngiti ni Francyn habang sinasabi ito.

Sumabay na nga sa amin si Shiela at nagkuwentuhan pa ang dalawa. Samantalang ako ay nanahimik lamang at hindi na naki-usisa pa. Nakikinig lamang ako sa usapan nilang dalawa.

Alas-sais y media na nang umalis kami sa aming apartment at napagpasyahan na naming pumasok na.

Nagsabay-sabay na kaming tatlo sa paglalakad papunta sa school. Nanibago nga ako, dahil sumabay sa amin ngayon si Francyn, kadalasan kasi kami lamang dalawa ni Shiela ang magkasabay. Samantalang kasabay niya naman ang boyfriend niya.

"Busy raw kasi siya ngayon, kaya hindi niya ako maihahatid papunta sa school," sabi ni Francyn sa amin ni Shiela.

"Kaya naman pala, ngayon na lang ulit tayo nagkasabay-sabay na tatlo sa pagpasok. Namiss ko tuloy," pag-iinarte naman nitong si Shiela.

Silang dalawa lamang ni Francyn ang nag-uusap at patuloy na nagku-kuwentuhan, habang naglalakad kaming tatlo. Ako ay nanahimik lamang at nakasunod sa kanila.

Nauuna silang dalawa sa akin sa paglalakad at nasa likod lamang nila ako.

Hindi na ako nakisabay sa paglalakad nilang dalawa, dahil marami rin ang nakakasalubong namin sa paglalakad at baka maharangan na namin ang buong daanan.

"Glare, kumusta pala naging dinner niyo ni Cris kagabi?" tanong naman bigla ni Shiela at humarap pa sa akin.

"Talaga? Nag-dinner silang dalawa?" usisa naman ni Francyn.

"Oo, kagabi," sabi naman ni Shiela habang tumatawa pa.

"Oh kumusta Glare?" tanong na sa akin ngayon ni Francyn.

"Ayos naman," sabi ko na lang para matigil na sila sa pagtatanong.

"Mabuti naman 'yan, para malimutan mo na ang nakaraan," sabi naman bigla ni Francyn sa akin at nginitian niya pa ako.

Nagpatuloy na ulit silang dalawa sa paglalakad at ako naman ay napahinto na lamang. Hindi naman nila ako napansin, dahil nagtuloy-tuloy lamang sila sa paglalakad.

Sana nga, sana nga ay ganoon lamang kadaling malimutan ang nakaraan.

Kalimutan ang lahat nang nagdaan.
Ang lahat ng aking naranasan.

Mga masasayang ala-ala na kasama siya.
Lahat ng araw na nariyan siya.

Kapag naaalala ko ang mga panahong iyon ay hindi kasiyahan ang aking nararamdaman. Kalungkutan lamang, dahil ang lahat ng iyon ay ala-ala na lamang.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon