Chapter 34

22 3 0
                                    

                  Dedicated to mngrz

Kasalukuyan kaming kumakain at wala naman ng ninais umimik sa amin.

Nanatili na lamang tahimik si Shiela, siguro ay na-guilty rin siya sa nasabi niya. Hindi naman na nagtanong pa si Francyn sa kung anuman ang problema namin.

Maging ako ay hindi na alam ang nararapat kong gawin.

Mainam ko na lamang na pinagmasdan ang aking nasa harapan. Habang hawak ang kutsara at tinidor, dahan-dahan akong kumain at agad din akong natapos. Hindi ko na kasi kayang tagalan pa ang katahimikan na namamagitan sa aming tatlo.

Inilagay ko na ang pinagkainan ko sa lababo at uminom na rin ng tubig, bigla tuloy akong nasamid.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Francyn, nang magtungo rin siya sa kusina.

Tumango naman ako rito, dahil hindi pa rin ako makapagsalita nang maayos, bunga ng pagkasamid ko.

"Sabay na lang tayong tatlo sa paglalakad ngayon. Hindi niya na naman kasi ako masasabayan, dahil busy pa rin," ang sabi ni Francyn.

Tumayo naman na sa pagkakaupo si Shiela at inilagay na rin sa lababo ang pinagkainan niya.

"Tara na! Baka mahuli pa tayo sa klase," sabi naman na ni Shiela at kinuha na ang bag niya.

"Imposible namang mangyari iyon, napakaaga pa kaya," sagot naman ni Francyn kay Shiela.

"Magiging posible iyon, kung hindi pa tayo aalis ngayon," sabi naman nitong si Shiela kay Francyn.

"Tara na nga," sabi na lang ni Francyn at sumulyap sa akin.

"Sige, susunod na lang ako," sabi ko naman.

Nauna na nga silang dalawa ni Shiela lumabas sa apartment. Kinuha ko naman na ang bag ko sa kuwarto at isinarado ang pinto, bago lumabas sa apartment at ikandado ito.

Nasa akin kasi lagi ang orihinal na susi at mayroon namang duplicate ang dalawa ko pang kaibigan.

Ako ang kadalasang may hawak sa susi, kaya ako ang nagsasarado at nagbubukas ng apartment.

Hindi naman kasi nila kadalasang dala ang mga duplicate nila, kadalasan lang din nila itong iniiwan. Kaya ako na lamang ang palaging nagdadala.

Nang matapos kong ikandado ang pintuan, natanaw ko pa naman ang aking dalawang kaibigan, ngunit sila ngayon ay nasa kalayuan na.

Hindi na rin ako nagmadali sa paglalakad upang habulin sila. Nakakapagod kaya maghabol, lalo na't ang iyong hinahabol ay ayaw naman talagang magpahabol.

Madahan lang din ang naging paghakbang ko, dahil hindi naman kinakailangang magmadali ngayon. Marami pang oras bago magsimula ang unang klase namin sa araw na ito.

Hindi katulad noong mga nakaraan na inaabot lamang ako ng limang minuto sa paglalakad bago makarating sa aming paaralan. Ngayon ay nadoble ang oras ng aking naging paglalakad, inabot ako ng sampung minuto.

Ang lahat kasi ng bagay na aking madadaanan ay maigi kong pinagmamasdan isa-isa. Maging ang mga tao at katulad kong estudyante na mga nakakasalubong at nakakasabay ko.

Para sa kanila ay simpleng araw lamang ito at normal lamang. Walang anuman ang nagpa-espesyal sa araw na ito para sa kanila.

Ngunit, sa akin ay iba. Napakahalaga para sa akin ang araw na ito, lalo na't ang petsa ngayon, dahil ika-tatlumpu ng Enero. Ito ang petsa kung kailan naging malapit na kami sa isa't isa, dahil unti-unti na kaming nagkakakilala.

Nang dahil tuloy sa magandang ala-ala, ako ay napangiti na lamang hanggang sa makarating na ako sa aming silid.

"Ang aga mo yata ngayon," puna ni Cris sa akin.

"Dapat nga kanina pa ako nandito," sabi ko naman.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya naman na ngayon.

"Ang gulo mo! Kanina sabi mo, ang aga ko yata. Tapos ngayon magtatanong ka kung bakit ngayon lang ako?" natatawang tanong ko rin sa kaniya.

"Sabi mo naman kasi na dapat kanina ka pa narito. Kaya bakit ngayon ka lang?" pag-uulit niya pa sa tanong niya.

"Medyo natagalan lang sa paglalakad," sabi ko nalang.

"Bakit ka naman natagalan?" panibagong tanong niya ngayon.

"Sinadya kong bagalan ang aking paglalakad. Bakit ko sinadya?" ako na ang naunang nagtanong. "Kasi, wala lang gusto ko lang tagalan. Okay na?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Hindi pa, kailangan mong ipaliwanag lahat. Ano ang tunay na dahilan kung bakit ka natagalan?" paglilinaw niya pa ngayon sa tanong niya kanina.

"Bakit naman kasi ang tagal dumating ng professor namin ngayon? Kailangan ko pa tuloy magpaliwanag," bulong ko.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Cris sa akin.

"Wala naman, sabi ko magpapaliwanag na," sagot ko nalang.

"Umpisahan mo na," utos niya naman.

Makapag-utos wagas!

"Ang tunay na dahilan kung bakit ako natagalan ay dahil may naalala lang," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Ang tunay na dahilan kung bakit ka natagalan ay dahil may naalala ka lang," pag-uulit niya pa sa sinabi ko. "Kung ganoon ano ang naalala mong iyon?" karagdagang tanong niya.

"Naalala ko, kung bakit kanina ka pa nagtatanong?" tanong ko rin sa kaniya. "Ang dami mo na masyadong tanong, ayaw ko ng tanong nang tanong," ang sabi ko pa.

"Kaya ako maraming tanong, dahil hindi mo naman sinasagot nang maayos ang mga katanungan ko. Kaya kinakailangan ko ulit magtanong. Bakit hindi mo na lang sagutin ang aking tanong?" tanong niya na naman.

"Kanina ko pa sinasagot ang lahat ng tanong mo, nagsawa na ako. Wala na akong maaaring isagot pa sa lahat ng katanungan mo, itigil mo na ito," utos ko.

"Hindi ako hihinto sa pagtatanong hangga't hindi mo ako sinasagot," sabi niya. Bigla tuloy akong napatingin sa kaniya at naguguluhan sa sinabi niya. "Sagutin mo na kasi ako," dagdag niya pa na lalo kong ikinagulat.

"Ano?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"What I mean is, sagutin mo na kasi ako sa lahat ng katanungan ko sa iyo," klaro niyang pagpapaliwanag sa ngayon.

"Ayaw ko," sagot ko sa kaniya at hindi na siya pinansin pa.

Nagpunta na ako sa puwesto ko at naupo. Ini-ayos ko na rin ang puwesto ng bag ko. Isinabit ko na lamang ito sa upuan na nasa harapan ko, upang mas madaling makuha ang gamit na mga kakailanganin ko.

Kung sigurong hindi ko pa naisipang iwanan doon mag-isa si Cris, hindi na ako matatahimik. Napatingin naman ako sa puwesto niya at nakasulyap pa rin siya. Agad naman na akong umiwas ng tingin sa kaniya. Bahala siya!

Kahit na wala kang problema, kapag si Cris ang nakausap mo bigla ka na lamang magkakaroon ng problema at napakarami pa. Ang hirap niyang intindihin. Hindi pa matapos-tapos ang mga katanungan niya.

Walang katapusang tanong ang aabutin mo sa kaniya.

Kaya't kung wala kang problema sa buhay, huwag na huwag kang lalapit kay Cris, dahil siguradong magkakaroon ka ng sandamakmak na problema sa pag-iisip ng mga kasagutan para sa lahat ng katanungan niya.





Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon