Chapter 30

38 6 4
                                    

"Francyn!" Sigaw ni Shiela sa kaibigan naming kadarating lamang.

Napatingin naman ito sa amin nang tuluyan ng pumasok sa kuwarto na kinaroroonan namin.

Ilang oras din ang inabot nang pag-uusap namin ni Shiela, halos katatapos lang namin mag-usap nang dumating itong si Francyn.

Sa tagal nang naging kuwentuhan namin, ganoon din ang tagal ng oras na ibinuhos ko sa pag-iyak. Kaya ngayon maga na ang aking mga mata.

Nahalata yata ni Francyn ang pamamaga nito, kaya't biglang nabaling sa akin ang kaniyang tingin.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Nakayuko ako, dahil ayaw kong makita niya ang lagay ko. Ngunit, bigla naman akong kinabahan sa tanong niya, kaya't napaangat bigla ang tingin ko sa kaniya.

Nakita ko namang nakabaling pala siya kay Shiela, ito pala ang tinatanong niya.

Kinabahan pa naman akong bigla, mabuti na lamang talaga.

Yumuko na lamang akong muli at sa aking buhok ay nagkubli.

"Curious lang, saan kayo nanggaling?" tanong naman nitong si Shiela kay Francyn.

"Namasyal lang at nag-dinner," sagot naman ni Francyn, habang todo kung ngumiti.

"Magready ka sa Sunday, tayong tatlo naman ang mamamasyal," sabi ni Shiela.

Napatingin naman ako sa kaniya at nakitang si Francyn ang sinabihan niya.

"Sige, mukhang masaya 'yan." Pagpayag naman ni Francyn.

Nakakapanibago tuloy, ngayon na lamang ulit n'yan kami magkakasamang tatlo sa pamamasyal. Dati naman ay halos linggo-linggo na lamang kung mamasyal kami kahit wala namang binibili.

"Ayos ba Glare?" tanong sa akin ni Shiela.

Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Ang galing! Nakaka-miss na talaga ang dati nating bonding. Excited na me!" Pagsasaya naman na nitong si Shiela.

Akala mo naman talaga ngayon pa lamang  mangyayari ang ganito. Sa bagay, ngayon na lamang mauulit sa tagal ng panahon.

"Magluluto na muna ako," sabi ko kay Shiela, upang makaiwas na rin muna sa kanilang dalawa.

"Sige, para makakain na rin tayo. Nagugutom na ako," sabi naman niya.

Sa tagal naman kasi ng naging usapan namin, nakalimutan na namin ang pagkain. Kung hindi lamang dumating si Francyn at nabanggit ang tungkol sa dinner, nalimutan ko na talaga iyon.

Matapos kong magpaalam ay dali-dali na rin akong lumabas ng kuwarto. Ayaw ko naman na kasing makisali pa sa usapan nilang dalawa lalo na't ganito pa ang lagay ko sa ngayon.

Sana naman ay hindi na banggitin pa ni Shiela kay Francyn ang nangyari sa akin. May tiwala naman ako sa kaniya, kaya alam kong hindi niya na sasabihin pa iyon.

Nagtingin na ako ng maaari kong lutuin at napagpasyahan kong Menudo na lamang, dadamihan ko na upang may maulam pa kami hanggang bukas ng umaga.

Sinimulan ko ng pakuluan ang karne ng baboy at naghiwa na ng mga gagamiting panangkap. Bawang, sibuyas, carrots at patatas. Naghiwa rin ako ng ilang pirasong hotdog.

Nang kumulo na ang karne at malambot na ay nagsimula na rin akong magluto nito.

Naging mabilis na lamang, dahil iginisa ko lang at isinama na ang lahat ng panangkap. Hinintay ko na lamang ulit na kumulo, upang masigurong luto na ito.

Naisip ko tuloy kung ano ang napag-usapan ng dalawa kong kaibigan habang nagluluto ako rito. Halos isang oras din ang inilaan ko sa pagluluto. Ano kaya lahat ang napag-usapan nila sa isang oras na iyon?

Maaari ko namang malaman kay Shiela. Tama, tatanungin ko na lamang siya.

Iprinepara ko na rin ang lamesa. Inilagay ko na ang plato, kutsara at baso na kakailanganin namin. Kaming dalawa na lamang din naman ni Shiela ang maghahapunan, dahil tapos ng mag-dinner si Francyn.

Nang maayos na ang lahat ay kumatok na ako sa pinto ng kuwarto namin. Binuksan ko rin ito agad pagkatapos kong kumatok.

Nakita ko namang busy sa pag-uusap ang dalawa at halatang seryoso sa pinag-uusapan nila.

"Shiela, kakain na. Tapos na akong magluto at maghanda ng hapag-kainan. Kaya tara maghapunan na tayo," sabi ko kay Shiela.

Napatingin naman silang dalawa. Lumingon lamang saglit sa akin si Shiela at tumango bilang tugon.

"Ikaw Francyn, hindi ka na ba ulit kakain?" tanong naman ni Shiela sa isa pa naming kaibigan.

"Hindi na, busog pa ako. Salamat," sagot naman nito kay Shiela.

Lumingon din ito sa akin at ngumiti, tumango naman ako sa kaniya at nginitian din siya.

Lumapit na sa akin si Shiela at sabay na kaming pumunta sa maliit naming dining area. Simple lamang ito at kasya lamang kaming tatlong magkakaibigan. Ngunit, mayroon kaming apat na upuan kung sakaling mayroong bisita na magpupunta.

Naupo na kami at nagsimula ng kumain.
Naisipan ko na tanungin na si Shiela kung ano ang napag-usapan nilang dalawa ni Francyn.

"Halos isang oras din akong nagluto." Pag-uumpisa ko sa sasabihin ko. "Anong napag-usapan niyo ni Francyn?" pangunguwestiyon ko sa kaniya.

Nakita ko namang biglang nagulat siya sa tanong ko, dahil biglang nanlaki ang kaniyang mga mata.

Agad din naman siyang kumalma, bago tumingin sa akin.

Nagtaka tuloy ako sa naging reaksiyon niya.

"Napag-usapan lang naman namin ang naging date nila kanina. Masaya naman daw ayon sa kaniya," tugon naman ni Shiela.

"Wala na kayong ibang napag-usapan maliban doon?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Wala naman na. Hindi ko naman na binanggit sa kaniya ang naging usapan natin kanina, dahil alam kong ayaw mo naman na itong ipaalam pa sa iba," pagpapaliwanag niya pa.

"Mabuti naman, salamat at palagi kang nariyan at mapagkakatiwalaan." Pasasalamat ko sa kaniya.

"Walang anuman, lagi lamang akong narito sa tabi mo. Mali pala, nasa harapan mo pala ako ngayon." Bigla naman siyang natawa maging ako rin ay natawa sa sinabi niya. "Narito ako palagi kapag kailangan mo, dahil kaibigan mo ako," sabi niya pa.

"Maraming salamat talaga sa iyo. Kahit pilosopo akong kaibigan hindi mo pa rin ako iniwan." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Kung ipagpapatuloy mo pa ang pagiging pilosopo mo, iiwan na talaga kita," pananakot niya pa.

"Salamat na lamang sa lahat. Maaari ka nang umalis ngayon pa lamang," ang sabi ko naman.

"Ipagpapalit mo pala talaga ako. Okay lang talaga sa iyo na iwan kita basta't ipagpapatuloy mo ang pagiging pilosopo. Napakagaling mo talaga!" Papuri niya pa.

"Hindi na talaga mababago ang pagiging pilosopo ko. Kaya ikaw ang bahala kung aalis ka o mananatili ka," sabi ko sa kaibigan kong si Shiela.

"Sanay na rin naman ako sa pagiging pilosopo mo, kaya't mananatili ako," ang sabi niya naman.

Matutuwa na sana ako. Ngunit, bigla akong nalungkot nang may maalala ako.

Iyan din ang mga salitang binigkas at  binitawan niya sa akin noon. Umasa ako at naniwalang mananatili siya. Ngunit, ngayon iniwan na ako at wala na siya, dahil mayroon ng iba.

"Sanay na rin naman ako sa pagiging pilosopo mo, kaya't mananatili ako," ang sabi niya. Ang sabi ng taong minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko.

Pipiliin ko pa rin siyang patuloy na mahalin kahit may minamahal na siyang iba.

Hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa kaniya, dahil siya lamang ang minahal ko ng higit pa sa sobra.

Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon