Chapter 36

18 3 0
                                    

                     Dedicated to ge

Nakarating na kaming dalawa ni Cris sa canteen, ngunit hindi pa rin mawala ang tingin ng mga tao sa amin.

Hindi mo talaga maiaalis ang mga taong mahilig sa chismis. Maliit na bagay lamang ay pinalalaki na nila at binibigyan ng ibang kahulugan.

Mula noon, hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago, ganoon pa rin kadalasan ang mga tao. Magaling sila manghusga, kahit hindi naman nila alam ang buong kuwento.

Pinaniniwalaan lamang nila kung ano ang nakita nila at ang nais nilang paniwalaan. Hindi nila pakikinggan ang katotohanan, dahil sarili lamang nila ang kanilang pinaniniwalaan.

Sa bagay, wala rin naman akong balak magpaliwanag sa kanila, dahil hindi ko naman na obligasyon iyon. Tutal wala rin naman silang balak makinig, dahil kung ano lamang ang kanilang nakita sa kanilang dalawang mga mata na kay lilinaw kapag may nakitang dalawang taong magkasama. Tila ba'y ang araw-araw nilang inuulam ay kalabasa.

Mas malinaw pa ang kanilang mga mata kaysa sa relasyon niyong dalawa.

Hindi pa agad ako pumila, dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang gusto ni Cris, kaya't kinailangan ko muna siyang tanungin.

"Anong gusto mo?" tanong ko naman sa kaniya. "Libre ko," dagdag ko pa.

Bigla naman siyang napaisip sa sinabi ko. At ang kaniyang sagot ang ikinagulat ko.

"Ikaw lang naman ang gusto ko, libre ka ba?" nakangising tanong niya naman sa akin.

"Ang hilig mo talagang magbiro, seryoso ako," sabi ko naman sa kaniya, habang seryoso talaga.

"Seryoso naman ako, seryoso sa 'yo," sabi niya pa at ngayon ay seryoso na nga ang itsura niya.

"Bahala ka nga riyan, hindi na lang kita ililibre," seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ito naman hindi mabiro kahit kailan, pero uulitin ko seryoso nga ako. Seryoso ako sa lahat ng sinabi ko at lagi naman akong seryoso pagdating sa 'yo," sabi niya, habang walang mababakas na biro sa tono ng kaniyang pananalita.

Hindi ko na nagawang magsalita, kaya naman tinanguan ko na lamang siya. Ang hirap pala isipin kung ano ang dapat sabihin, lalo na kapag nagseryoso na ang taong palabiro.

"Pero, libre mo pa rin ako ha," sabi niya pa. Hindi niya pa rin pala nalimutan ang sinabi ko kanina.

"Akala ko pa naman nalimutan mo na, sayang naman hindi na sana ako magagastos pa. Bakit ba natandaan mo pa?" tanong ko pa sa kaniya.

"S'yempre naman, minsan ka lang kaya manlibre. Kaya hindi ko talaga malilimutan, hindi pa rin nga ako makapaniwala na ililibre mo ako, dahil napakaimposible talaga," sabi niya pa na may halong pagkamangha.

"Grabe naman! Ngayon pa lang ba kita ililibre?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman, pangalawang beses na siguro ngayon," sabi niya. "Biruin mo 'yon, ngayon mo lang ulit ako ililibre, samantalang palagi kitang inililibre," sumbat niya pa.

"FYI, hindi ako nagpapalibre, dahil kusa mo akong inili-libre," sagot ko naman sa kaniya.

"Sabi ko nga, palagi kitang inili-libre at hindi palagi kang nagpapalibre. Malinaw naman ah, tama ka dahil kusa iyon," sabi niya pa.

"Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo," sabi ko naman.

"Mabuti nga at nagkakaliwanagan na tayong dalawa," pag-uulit niya naman.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya, dahil mukhang iba ang pagkakaintindi niya rito, dahil nakangisi siya nang sinabi niya ito.

"Mali ang pagkakaintindi mo, iba kasi ang kahulugan nito," paliwanag ko naman.

"Inulit ko lang naman ang sinabi mo, mukhang ikaw yata ang iba ang pagpapakahulugan dito," nakangisi pa rin siya habang sinasabi ito.

"Hoy! Hindi kaya," sagot ko naman agad sa kaniya.

"Weh? Bakit hindi ka makatingin ngayon?" nagtatakang tanong niya naman.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, kaya't agad akong napatingin sa kaniya. Nakita ko namang nakangiti siya nang magtama ang tingin naming dalawa.

Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtititigan naming dalawa bago ko mapansin ito, kaya't umiwas na rin ako kaagad ng tingin sa kaniya.

Narinig ko naman ang mala-anghel niyang pagtawa at napatingin akong muli sa kaniya.

Huminto rin naman agad siya sa pagtawa nang lingunin ko siya.

Awkward.

"Anong nakakatawa?" inis kong tanong sa kaniya.

"Ikaw?" sagot niya naman.

"Anong ako?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang nakakatawa," natatawang sabi niya.

"Tumigil ka nga r'yan, kanina ka pa tawa nang tawa. Nakakairita na!" inis kong sinabi sa kaniya.

"Baka naman kaya mo ako pinapatigil sa pagtawa, dahil naiilang ka na," sabi niya naman, habang natatawa pa.

"Oo, nakakailang na, nakakainis kasi 'yong boses mo kapag tumatawa," sabi ko naman sa kaniya.

"Bakit ka naman naiinis?" tanong niya. "Ang ganda nga ng boses ko kapag nagsasalita pa lang, paano pa kaya kapag tumawa na, baka ma-inlove ka na?" tanong niya na naman. "Lalo na kapag kinantahan pa kita, baka mahulog ka na?" nakangising tanong niya na naman.

"Kanino naman ako mahuhulog?" tanong ko. "Sa iyo?" karagdagang tanong ko ulit. "May tiyansa pa na mahulog ako sa ibang tao kaysa sa 'yo," sabi ko pa.

"Wala akong sinabing sa akin ka mahuhulog," sabi niya naman habang natatawa pa. "Baka kapag kinantahan kita ay mahulog ka na r'yan," sabi niya naman habang itinuturo ang hagdanan.

Napansin ko nga na nakatalikod lamang pala ako sa hagdan, dahil hanggang ngayon at hindi pa rin kami nakakapila ni Cris.

Napaatras naman ako, dahil sa biglang paglapit sa akin ni Cris. Agad niya naman akong naalalayan, nang muntikan na akong mahulog nang tuluyan.

"Bakit ka naman kasi biglang umatras?" tanong niya sa akin.

"Bakit ka naman kasi biglang lumapit?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Kaya nga ako biglang lumapit, dahil malapit ka nang mahulog," sagot niya naman.

"Kaya nga ako umatras, dahil bigla kang lumapit," sabi ko naman.

"Gusto lang naman kitang masalo kaagad, bago ka pa tuluyang mahulog," seryoso ang pagkakasabi niya nito.

"Ano nga pa lang order mo?" tanong ko sa kaniya, upang maiba na ang usapan naming dalawa. "O-order na ako," sabi ko pa.

"Kung ano na lamang ang order mo," sagot niya naman.

"Sige, pipila na ako," pagpapaalam ko naman sa kaniya.

"Oh basta mag-iingat ka, sabihan mo agad ako kapag mahuhulog ka na, nariyan agad ako upang saluhin ka," sabi niya pa.

Hindi ko naman nakuha ang ibig niyang sabihin kaya't nagsimula na akong humakbang palayo.

"Hindi mo na pala kailangang magsabi pa, dahil lagi naman akong nasa tabi mo upang alalayan ka," narinig kong sinabi niya pa, bago ako tuluyang humakbang at makarating sa pila.


Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon