Chapter 2

388 194 181
                                    

Pinili ko na lamang matulog, nang dahil sa sobra kong pagod.

Alas-otso na ng gabi, nang magising ako mula sa mahaba kong pagtulog. Magluluto pa pala ako para may makain akong hapunan.

May naalala na naman tuloy ako...

"Anak, gumising ka na riyan at nakahanda na ang hapunan, kumain ka na," sabi ni mama habang pilit pa rin akong ginigising.

Kahit na medyo inaantok pa rin ako ay agad na akong bumangon ng may ngiti sa mga labi. Napakasaya talaga.

"Ma, ikaw nagluto nito? Ang sarap!" papuri ko kay mama, dahil napakasarap talaga nang iniluto niyang adobo.

"S'yempre naman anak, para marami kang makain, love na love ka kaya ni mama," sabi ni mama sa akin at niyakap pa ako.

Napakasuwerte ko talaga kay mama. Napakamaalaga, napakamapagmahal, napakasarap magluto at napakaganda s'yempre. Mama ko 'yan!

The best among the rest.

Niyakap ko rin siya at hinalikan pa ako sa may pisngi. Napakasweet talaga.

Narinig kong may kumakatok sa pintuan, kaya nahinto na ang naalala ko.

Agad ko namang binuksan at ang aking kaibigan ang tumambad sa aking harapan.

"Mabuti naman binuksan mo na, kanina pa ako kumakatok dito hindi mo binubuksan. Ano bang ginagawa mo?Nagluto ka na ba ng hapunan natin?" tanong ng napakabuti kong kaibigan sa akin.

"Kagigising ko lang kaya wala pa akong nailuto na maaari nating makain. Kung gusto mo ikaw na lang ang magluto, tutal nandito ka na rin naman," sabi ko sa kaibigan ko, na ngayon ay pumasok na sa loob ng apartment namin.

"Kauuwi ko pa lang ako agad ang magluluto? Dapat nga kanina ka pa nagluto, dahil kanina ka pa nandito. Pero anong ginawa mo? Natulog?" tanong na naman sa akin ng napakabuti kong kaibigan.

"Oo, natulog kaya nga kagigising lang 'di ba? Alangan namang gising ako na magigising?" pamimilosopo ko sa aking kaibigan.

"Napakagaling mo talaga sa pamimilosopo kahit kailan, walang pagbabago. Napakahusay!" papuri ng kaibigan ko na napakapikunin.

"Maraming salamat sa iyong papuri, aking minamahal na kaibigan HAHAHAHA," hindi ko na napigilan ang pagtawa.

"Tumigil ka na riyan. Umpisahan mo na ang pagluluto, nang makakain na tayo at nagugutom na ako," utos ng napakagaling kong kaibigan.

"Ikaw pala ang nagugutom, ikaw na rin ang magluto," sagot ko sa kaniya.

"Ako ang sa hugasin kaya magluto ka na," sabi niya naman.

Natutuwa pa sana akong asarin siya, ngunit pikon agad kaya tinigilan ko na at nag-umpisa nang magluto.

Adobo ang naisip kong lutuin, dahil sa naalala ko si mama na kadalasan ay ito ang paboritong niluluto para sa akin.

Naghiwa na ako ng bawang, sibuyas at patatas. Pinakuluan ko na rin ang karne ng baboy. Minadali ko na ang pagluluto, dahil maging ako ay nagugutom na rin katulad ng kaibigan kong nakatingin sa aking ginagawa habang naghihintay na sa mesa.

"Adobong baboy, my favorite!" sabi ko, sabay lapag na ng mangkok na may lamang adobo sa hapag-kainan.

"Salamat naman at natapos ka rin, mauna na ako, gutom na gutom na talaga ako." Sabi ng kaibigan ko at nagsimula na ngang magsandok ng kanin at nagmamadaling kumain.

Hindi naman halatang gutom na gutom siya sa ikinikilos niya. Nakakatuwa talaga.

Sumabay na rin akong kumain at naupo na sa silyang katapat niya.

"Bakit ka nga pala ginabi?" tanong ko sa kaniya, dahil dati naman ay sabay lang kaming nakakauwi ng medyo maaga.

"May group activity pa kasi kaming tinapos sa bahay ng isa kong kaklase," pagpapaliwanag niya naman.

"Hindi ba kayo pinagmeryenda man lang doon at gan'yan ka kagutom?" tanong ko sa kaniya habang siya ay ngumunguya pa.

"Sa tagal namin doon, wala man lang pameryenda. Kahit juice man lang nga ay wala. Nagutom lang ako," reklamo niya sa akin.

"Kaya naman pala gan'yan ka kung  makapagmadali kumain, halata ngang gutom ka talaga HAHAHAHA," tawa ko na naman sa aking kaibigan habang sinusulyapan siya sa kaniyang pagkain.

Matapos naming kumain napagpasyahan naming manood na muna, dahil hindi pa naman kami inaantok at walang ibang gagawin. Baka sakaling sa panonood namin ay antukin kami.

Ang kaibigan ko ang pumili ng panonoorin namin. Tatlo kaming magkakasama sa apartment na ito at hanggang ngayon ay wala pa rin ang isa naming kasama.

Alas-dyes na ng gabi, wala pa rin ang isa naming kaibigan. Nasanay na rin kami na halos madaling-araw na iyon kung umuwi.

Inumpisahan na naming panoorin ang piniling movie ng aking kaibigan.

Si Shiela ay kaibigan ko na mula pagkabata hanggang sa ngayon na kami ay nasa college na, kasama ko pa rin siya. Kahit na kadalasan lagi kaming nag-aasaran at nagkakapikunan kami lang din namang dalawang magkaibigan ang sa huli ay nagkakaintindihan.

Nagsimula na ang movie at napakagandang actress mula sa ibang bansa ang gumaganap na medyo kahawig ng girlfriend ngayon ng aking ex.

Mayroon siyang boyfriend at limang taon na sila. Masaya sila sa isa't isa. Kilalang-kilala na rin nila ang bawat isa.
Magkasundo sila sa lahat ng bagay.

Nang bigla na lamang, may bagong lalaking nakilala ang girlfriend niya at nagustuhan nila ang isa't isa. Sila na ang laging magkasama. Hinahayaan lang naman ito ng boyfriend niya, dahil mahal niya ang babae at may tiwala siya rito.

Hanggang sa nakipaghiwalay na lang bigla ang babae sa kaniya, dahil iba na raw ang mahal nito.

Hindi siya pumayag sa kagustuhan ng babae. Wala rin naman siyang nagawa, dahil ang babae na ang nakipaghiwalay at may boyfriend ng iba matapos nilang maghiwalay.

Hindi man lubusang tanggap ng lalaki.
Nakikita niya namang masaya ang babae sa naging desisyon nito. Pinilit niya na lang din maging masaya kahit sobrang sakit na. Habang nakikita ang mahal mong may mahal ng iba. At nakuha kang ipagpalit, nang dahil sa kaniya.

"Kamukha ng lalaking iyon si ano," sabi ni Shiela sabay turo sa lalaking iniwan ng babae para sa iba.

Ang tinutukoy niya ay ang boyfriend ko from the past.

"Ano naman ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Paano kung ganoon din ang mangyari sa kaniya, tulad ng nangyari sa movie?" balik tanong niya sa akin.

"Ano namang mangyayari sa kaniya?" naguguluhan kong tanong sa aking kaibigan.

"Ipagpalit din siya sa iba, tulad ng nangyari riyan," sabi niya sabay turo sa tv.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ko siya ipagpapalit sa iba," sabi ng isa pa naming kaibigan, na ngayon ay nasa likod na pala namin.

Kanina pa pala siya nakauwi at hindi man lang namin napansin. Kasalukuyan kasi siyang kumakain na ngayon. Kaya mukhang kanina pa siya riyan at napanood pa ang huling bahagi ng movie at narinig din ang usapan namin ni Shiela.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi sa kaniya ni Shiela at ngumiti siya rito.

Sumulyap din ako sa kaniya at ngumiti.
Ngumingiti pa rin ako sa kaniya kahit napipilitan lang.

Ayaw ko namang magmukhang hindi pa rin nakakamove-on hanggang ngayon.
Kahit ganoon naman talaga.

Ang girlfriend ngayon ng aking past ay siya rin ang isa pa naming kaibigan ni Shiela.

Si Francyn...


Behind Her SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon