CHAPTER 4

129 30 1
                                    


Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa walang tigil na pagtunog ng tiyan ko. Sobrang nagugutom na 'ko. Hindi ko na talaga kaya pang tiisin.

Bumangon ako at bumaba. Kakain ako.

Nilingon ko si Thalia na mahimbing na mahimbing ang tulog nito. She looks like an angel while sleeping. Kapag natutulog lang. Sinasapian ata ng masamang espirito kapag gising kaya nagsusungit.

I fixed the blanket covering her. It's really cold kasi nakaon ang aircon. Kapag papatayin mo naman, mainit. I stood up and walked downstairs.

Tumungo agad ako sa kusina, looking for something to eat. I found something sa fridge kaya agad ko itong kinuha. I opened each tupperwares. I found adobo, ginisang ampalaya at kanin na kasing lamig ng patay. Pero wala akong choice. Gutom na gutom na 'ko.

I stared at the clock hanging on the wall. It's 4:53 . Umaga na.

Kailangan ko nang maligo after kumain. Maaga training namin today. 6 ata yung start.Tight ang schedules namin mostly during weekdays. Intensive dance routines ang ginagawa namin. Kapag weekends naman, more of vocal class kami. Monday ngayon kaya I'm sure uuwi akong pagod.

Natatawa ako kasi naubos ko 'yong kanin kahit malamig na.  Iinitin ko sana kaso di na kayang maghintay ng tiyan ko.

Hayst, busog na 'ko. Naubos ko pati 'yong ulam. Legit yung gutom ko.  Ikaw ba naman hindi kumain kahit gutom ka. Simula pa kaya kagabi ang gutom ko.

Niligpit ko na ang mga plato and I washed it. I just need to rest for a while and then head to the bathroom to take a bath. Pagkaalis ko siguro tulog pa si Thalia. 

Kakatapos ko lang maligo. My hair is still wet and uncombed pero umakyat ako to see if Thalia is awake na. As expected, tulog pa rin.

I started packing my things including an extra shirt and some snacks.

Aalis nako. But before I left, I kissed Thalia, bidding a goodbye.

Have a great sleep, Thalia.

(Thalia's Pov)

Nagising ako nang hindi ko alam kung bakit. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang hindi maganda .

Medyo masakit ang ulo ko at nanghihina ako. Kailangan kong uminom ng gamot. Nilingon ko si Justin.

Wala na si Justin sa higaan. I don't know why. Wala na siya sa tabi ko. Maybe he's cooking something for me at the kitchen. Siguro bumabawi siya sa 'kin. How exciting.

Oo,  I admit medyo nagdamdam ako sa kaniya kagabi. I really exerted my effort to cook for him but it ended up na kumain na pala siya. Ayon, ako nalang mag-isa kumain. Nakakalungkot na nakakainis. Eating dinner alone is the worst idea pero wala naman akong choice.

Sinimulan kong iligpit ang higaan at bumangon na. I have to check if he's still here. I'm sure andito pa 'yon. 

I headed to the kitchen.

"Good Morning, ba-

Natulala ako. Wala siya dito. Walang kung sino man sa kusina. Walang nagluluto. Walang niluluto. Wala. Wala talaga.

Hinanap ko siya kahit saan pero wala siya dito. Not even his shadow and his scent. Walang ibang tao sa bahay. Ako nalang mag-isa.

Pumunta na siya ng practice ng hindi nagsabi. Wala man lang pasabi na aalis na siya.

Hindi niya ko ginising like he usually does.

He just left, making me feel dissapointed again.

Nakakafrustrate.

The moment everything was processed in my mind, my eyes became watery. I never deserve any of this.

Kalma Thalia, huwag kang iiyak.  Huwag na 'wag kang iiyak. Kalma lang. Everything's okay. Nothing to cry about. Just a small matter .

Suddenly, my tears are falling. I-I just can't stop it. Siguro dahil sa tampo at dissapointment. Masiyado  kasing assuming e.

I headed upstairs at umiyak ng umiyak sa kama. Napahagulgol ako at tila walang magawa kundi umiyak na lang. You're so pathetic talaga, Thalia.

Hindi ko maiwasan na kwestyunin ang sarili ko on what is happening.

What's wrong?

What is happening to Justin? Why is he like that all of a sudden?

May ginawa ba 'kong mali?  

Meron ba?

Wala naman akong natatandaan pero but why he's acting like this?

Okay naman kami kahapon ng umaga ah. I'm clueless what makes us like this.

Is he giving me a sign?

Does he still love me?

I'm an overthinker. I always overthink like a stupid fool. Nakakaawa ako.

I cried and cried. I don't know why I'm so hurt. Is it because of what Justin just did or just because I expected something Justin will do for me?

But no. I have to stand up.

Bumangon ako mula sa kama and headed to the kitchen. I'll cook for myself. Magsasaing ako. I want to survive the day with this sucking feeling I fee right now.

Matapos kong isalang ang sinaing ko sa stove, I grabbed my little sprinkle para diligan ang mga plants na nakadisplay all over the house. I really love plants and naturey things. It's always giving me positivity and makes me smile.

"Hi there, little plant. Kamusta ka? Nauuhaw ka na ba? Here." Sabi ko habang masayang nagdidilig sa mga tanim.

Kailangan ko rin silang ilabas para masinagan ng araw.  Kailangan huwag silang mamatay at mabigyan ng enough water at sunlight. Makinig kayo sa isang plantita.

Nawili ako sa ginagawa ko. Nakalimutan ko na may sinaing pala akong nakasalang sa stove.

"Yung sinaing ko!" sabi ko and hurriedly ran inside. Tanga tanga ko talaga

Masarap rin naman siguro ang sunog na sinaing. Matry nga.

The Book's UnfoldWhere stories live. Discover now