CHAPTER 7

107 26 0
                                    

"Justin. I said left foot forward, not right foot. Again, from the top!" Sabi ni Teacher Hong, trainer namin.

" Ano ba, Justin? Nakakapagod na kaya. Ayusin mo naman please." sabi ni Josh.

"Nye nye. Gusto mo ulitin ko? Baka nakakalimutan mo nung isang araw, lutang ka din." pang-aasar ko.

 Grrr nakakaasar. Etong si Josh akala mo di nagkakamali. E nung isang araw nga lutang na lutang din 'to.   Napuyat  kasi kakaonline gaming daw. Ayon, nakatanggap siya ng apat na kutos. Swerte ko hindi ako kinutusan . Lab kasi nila ako. Bunso ako e HAHAHHA.

"Dre, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi lutang.  May problema ka ba?" tanong ni Stell.

" Wala, okay lang ako.  Pagod na siguro." sagot and he just pat my back.

" Jah,focus. Kung naeexcite ka sa proposal mo kay Thalia, please iwan mo 'yang excitement sa kung saan. Kapag andito ka sa practice room, tutukan mo 'yung training natin.  Please lang." Sejun whispered, pinapangaralan ako and I always listen to him. Leader to eh.

I just nod.

" Teka, asan si Ken? Kanina pa tayo dito tapos siya wala pa. Nagsabi ba siyang aabsent siya?" tanong ko. They were also puzzled to realize Ken isn't here.

"Wala naman siyang sinabi na gano'n. Hindi man lang siya nagchat. Tulog pa siguro 'yon. Lagot na naman siya kay Teacher Hong." sabi ni Stell.

Well, Teacher Hong is kind of strict. Since she hates people getting late, madalas, napaparusahan kami kapag late. Palaging napapagalitan si Ken. Palagi kaming audience sa time na magagalit si Miss Hong sa kaniya. She may not hate Ken, but hate him for being lazy.

"Okay. Water break. 10 minutes." sabi ni Miss Hong.

"Miss Hong, sorry late ako! Pasensya na po. Di na mauulit."  sabi ni Ken na kakadating pa.

Natatawa kami kasi mukha talaga siyang bagong gising tsaka messy yung buhok niya. Ewan ko anong pinaggagawa neto sa buhay ba't puyat na naman. Teka, naligo ba 'to?Ay mabaho lang pala naliligo. Sorry.

"You're late again! 1 hour and 40 minutes late, to be exact. 100 pushups, Ken Suson." Sabi ni Teacher. She's now smiling, crossing her arms.

Palaging late si Ken. Kaya ayon, mga ilang pushups rin everyday ginagawa niya.Bigla kong naalala si Jenny.  Kanina pa kasi siya bumabagabag sa isip ko. Yung iniisip ko naman, pamilyar yung mukha niya. Feeling ko naencounter ko na siya noon pero di ko maalala kung saan  at kailan e. Sino ba talaga siya? At ba't ko siya iniisip ng ganito? Is she somewhat from the past? Naguguluhan na 'ko. Ewan. Basta.

"GO KEN! YEAH! SIGE PA! PUSH MO PA 'YAN!" sigaw ni Stell.

Nagpupush up na pala si Ken kaya ayon, nag-iingay na naman sila.

" Sige, try mo ulit malate bukas. HAHAHAH kaya naman pala e!" Sabi ni Josh.

Ako, walang imik.Wala lang, hayaan niyo si Ken. Kahit ilang push-ups pa 'yan, late pa rin 'yang animal na 'yan. Late palagi tapos pag magpeperform na, nalilimutan 'yong steps. Animal talaga.After almost 20 minutes, practice na ulit kami. Nagugutom na 'ko. Malapit na siguro lunch time . Kaya ko pa.

"O ano Ken, masakit?" tanong ko.

"Hindi naman. Chicken nga lang e. Plano ko pa ring malate bukas. HAHAHAAHA tatapusin ko pa kasi yung animé na pinapanood ko. Konting episodes nalang matatapos na 'ko kaya pagpupuyatan ko." sagot niya.

We did several runthroughs and finally, it's lunch time. 

I opened my phone to tell Thalia to have her lunch. After I heard a ring, I open it again, expecting to receive a reply from here. I  found out na may message pala ako. It was from an unknown number that led me to confusion. I opened the message.

"Hi Justin. This is Jenny. Wanna have lunch with me? My treat."

I froze.

Hell no.

The Book's UnfoldWhere stories live. Discover now