CHAPTER 16

82 16 0
                                    

(Justin's POV)

" See you na lang bukas ha? Ikaw Ken, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ilang araw ka nang late. Ilang push-ups na lang ata at mapuputol na mga nerves mo sa katawan." sabi ni Sejun.

Natawa kaming lahat. Gabi na at naglalakad na kami palabas ng studio.

"Sus ginoo, chicken lang 'yan. Pero don't worry Pinuno, kapag natapos na 'tong animé na pinapanood ko, hindi na talaga ako malalate." sagot ni Ken.

"Sarap mo batukan dre. Highblood ako palagi sa 'yo. Sana naman tumino ka na. Main dancer na late at tamad magpractice. Idol." ani Sejun.

"Oh Josh, okay ka lang?" tanong ni Stell.

"Inaantok na talaga ako, dre. Naglive stream kagabi e. Hehe." sagot ni Josh sabay kusot ng mga mata.

"Ayon naman pala. Tingnan mo oh, namumutla ka na. Kulang ka na ata sa tulog at pahinga. Think about your health, Josh lalo na at malapit na nating matapos yung goal natin. A thousand times na dance practice. Magcocomeback na tayo at baka after that time, hindi na tayo masiyadong makakapagpahinga. Sulitin mo na dre." sabi ko and pat his back.

"Yon ay kung magiging successful 'yon. Kapag hindi, mukhang magkakawatak na tayo. Parang lahat ng pinaghirapan natin masasayang na lang. Kakalungkot kaya" malungkot na saad ni Ken.

"At akala mo papayag tayo na ganon na lang mangyayari? Let's not think about it. For now, focus tayo on preparing, right? Walang mabuting dulot ang negative thoughts, Ken Suson. At bilang leader ng grupo, hindi ko hahayaan na mawalan kayo ng pag-asa. Cheer up! Lalaban tayo, para sa pangarap natin, sa pamilya natin at sa mga taong nagmamahal sa 'tin!" sigaw ni Sejun at ngumiti kami.

"Andami na nating pinagdaanan, mga dre. Alam ko at naniniwala ako na this time, matutupad na ang pangarap natin. Andiyan si Lord para gabayan tayo at alam kong hindi niya tayo bibiguin." sabi ni Stell.

"FIGHTING!" sigaw ni Sejun.

"FOR WORLD DOMINATION!" sigaw naming lahat.

Nagtawanan kaming lahat. Matapos ang mahabang lakad, nagkaiba kami ng landas. Ako, pupuntang parking lot dahil andon ang kotse ko.

Nung nasa parking lot  na ako, may naramdaman akong iba. Parang, parang may sumusunod sa 'kin.  Binalewala ko lang ito. Matatakutin akong tao kaya pinipilit kong balewalain na lang.

Tahimik ang paligid. Walang tao, puro nakahilerang sasakyan lang. Pumasok ako sa kotse at agad na inistart  ito.

Dahan dahan kong minaneho ang kotse ko nang biglang nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.

May nasagasaan ako.

Agad akong lumabas sa kotse para malaman kung ano ang nasagasaan ko. Biglang sumama ang pakiramdam ko nang makitang nakasagasa ako ng tao.

"A-ah aray ". sambit nito habang nakahawak ito sa paa niya. Mukhang hindi nga ito okay.

"TULONG! TULONG PO! O-okay ka lang ba?". taranta kong sigaw.

"A-aray. Okay lang ako. Huwag kang mag-alala". sabi niya while still holding his legs.

Biglang nagkumpulan ang mga tao nang dumating ang ambulansiya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako. Nakaupo ako sa loob ng ambulansiya, hindi maproseso ng utak ko ang mangyayari.

My phone rang. Si Thalia.

"Baby, asan ka? Kanina pa kita hinihintay sa bahay. You know how I'm worried. Umuwi kana, please." sabi ni Thalia mula sa kabilang linya.

" Baby, I have something to tell you. Nakasagasa ako. " sabi ko at napakamot sa batok ko.

"Ano? Where? When? How? I'll come to see you. Just tell me where you really are." sabi niya.

"Calm down. Everything's fine. I'm okay and you don't have to worry about me. Magpahinga ka na okay?". sabi ko and take a deep sigh.

"BUT-

I ended the call. Palapit na kami ng ospital.

What did I just do?

The Book's UnfoldWhere stories live. Discover now