CHAPTER 19

62 16 1
                                    

(JUSTIN'S POV)

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Basta ang alam ko, okay na ang lahat at makakahinga na ako ng maluwag.

Matapos magising ng lalake ay agad na akong nagpaalam.  Malalim na ang gabi ngunit kakauwi ko pa lang. Iniisip ko kung kamusta na si Thalia. Nag-alala pa tuloy sa 'kin. Siguro huwag muna akong gumamit ng kotse. I'll try to ground myself from now on.

Bukas ang gate kaya diretso akong pumasok. Kumatok ako sa pinto at niluwa nito si Thalia na hindi maipinta ang mukha.

" Andiyan ka na pala. Alam mo kung gaano akong nag-aalala sa 'yo? Ano ba kasi talaga ang nangyari? Tingnan mo , pawis na pawis ka pa. Pumasok ka nga." sabi niya.

Umakyat muna ito at pagbaba nito ay may hawak itong damit. Pinunasan niya pa ang likod ko. Aww, how sweet.

"Ano ba kasi nangyari?" tanong nito habang busy sa pagpunas ng likod ko.

"It's just an accident. Ni hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon. Basta ang naaalala ko lang, kinuha ko 'yung kotse ko sa parking lot. Tapos, mga ilang metro lang from the parking lot, may nabangga agad ako. Ni hindi ko nga nakita na may tao pala."  I said, explaining.

" So ano nangyari sa lalaki?" she asked.

"Wala namang  grabeng damage except a sprain. Ewan ko pero that's what the doctor said. Nagising din naman 'yung lalaki at ayon, umuwi na 'ko. Hindi ko talaga lubos maisip na nakasagasa ako. I won't do it again. Promise." sabi ko.

Pinasuot niya sa 'kin ang damit na kinuha niya. I smiled.

"Always be careful. Buti na lang at hindi nakuha ni Lord 'yung nasagasaan mo. I'm so worried to at hindi ako makatulog. Hinihintay kita , hoping everything's fine. Ayon, now that andito ka na, napanatag na rin loob ko. Matutulog na 'ko." sabi niya .

"At siya nga pala, nasa mesa 'yung pagkain.. Huwag kang matulog na hindi kumakain. Huwag ka ring kumain ng madami. Baka kasi bangungutin ka at hindi ka na sinagan ng araw." she added and head upstair.

"Wait. Ayaw ko pa eh. Samahan mo 'ko kumain. Natatakot ako dito." I said, pretending to be scared.

"Kaya pala palagi kang nagpapasama kumain, natatakot ka pala rito. HAHAHA duwag ka pala e." she laughed.

"Uhm medyo. Sige na. Samahan mo 'ko dito. Baka biglang  may sumama sa 'kin kumain."

"Justin de Dios, matutulog na talaga ako. Inaantok na 'ko promise. Magpasama ka na lang sa whitelady. Ayan oh, sa sofa nakupo." sabi niya na ikinagulat ko.

"Asan? Asan? Samahan mo ko dito please!  Ayaw ko na lang kumain! MAMAAAA!" sigaw ko.

"Get your food. Dito ka sa kwarto kumain. Malaki 'yung space sa sahig."  she said. Ay oo nga 'no? Obob ko talaga.

"Sandali! Eto na kukunin ko na. " sabi ko at nagmadali. Tumakbo na ako pataas dala ang pagkain ko.

"Matutulog ka na talaga?" tanong ko. Nakaupo na 'ko sa sahig habang kumakain.

"Ang kulit mo talaga. Oo nga. Pwede kumain ka na lang diyan? You're annoying me." sabi niya at tuluyan nang naidlip.

Eh paano 'tong mga plato? Ayokong bumaba. Natatakot na talaga ako. Bahala na, lalagay ko na lang sa ilalim ng kama para hindi makita ni Thalia.

The Book's UnfoldWhere stories live. Discover now