Chapter 13* ~ Falling... ~

279 11 8
                                        

Dedicated to Miss KristineJoyceSusma ^_^ Thank you! God bless! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 13 ~ Falling...


Kakauwi ko lang galing sa school. I feel so exhausted. Sana makalabas na si Harvey. Miss na miss ko na siya eh.

Nakakainis lang kasi hindi ako makakadalaw sa kanya ngayon dahil sa tambak na gawain. Asar naman. Kung kailan ko kailangan ng time. Birthday pa naman niya ngayon.

Nakakalungkot kasi hanggang ngayon, hindi pa rin pinapayagang lumabas si Harvey. Sabi pa naman namin, bago siya mag-birthday, dapat makalabas na siya pero wala eh. Ang mas masama pa, di ako makakadalaw. Wala namang sinabi yung doctor tungkol sa nangyari kay Harvey. Sabi daw, over fatigue lang kaya nagkaganon.

Kinabukasan, pumunta na ulit ako sa ospital. Sabi kasi ni Tita gusto raw akong makausap ni Harvey.

Kinabahan ako dun. Eh minsan lang kasi magganon si Harvey. I mean, you know. Lagi naman kami magkasama, magkausap and all kaya parang odd na ipapatawag niya ako dahil may sasabihin siya. And yung fact pa na wala ako sa birthday niya.

But maybe I'm just overthinking. Maiintindihan naman niya yun eh.

Kumatok ako at hindi naman naka-lock yung pinto kaya ako na rin ang nagbukas para sa sarili ko. Walang ibang tao sa loob. Si Harvey lang.

"Hello, mahal. F-Feel better now? Belated happy birthday. Sorry hindi ako nakapunta kahapon ah. Babawi ako, promise. So, okay ka na ba?" tanong ko agad sa kanya. I'm trying to be cool but I don't think that I looked one. Pagkalapit ko sa kanya, kiniss ko siya sa noo.

"N-Not really," cold na sabi niya kung saan kinilibutan ako ng husto. Ngayon lang siya naging ganito sa akin. I mean, yung pananalita niya. Pero hindi kaya dahil lang sa pagod pa rin siya? Siguro nga ganun lang.

"Aww. Bakit naman? May tampo ka ba sa akin? Sorry talaga. Ganito nalang, mags-stay ako ngayon dito. Wala namang pasok bukas eh. Ako magba-bantay sa mahal ko."

"I'll get straight to the point Vielica. I-I... I don't want to see you anymore," sabi nito na nakatingin pa sa mata ko.

"Ha? Sorry, akala ko kasi may sasabihin ka eh. Sige babalik na lang ako bukas. See you—"

"No, that's not what I meant. I don't want to see you anymore. For good. I'd be honest to you. I got a new girl. I just knew that we are fixed for a marriage. Sorry about that. I can't say no to her. She's got this—"

"Harvey, cut it out. You are lying, right? This is just one of your prank, isn't it?" Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagiging intense ng usapan namin. Nasa kamay ko na kasi lahat ng bigat. Alam kong nakayukom na ito ngayon.

"Not at all, I'm sorry." Wow. Hindi pwedeng magsinungaling?

"No, Harvey. Wait. Why the hell are you doing this? Is this some kind of a revenge?! Nagagalit ka ba sa akin dahil hindi ako pumunta dito kahapon? Dahil wala ako sa birthday mo?" Hindi siya sumagot. "Okay. Mage-explain ako. Una, pinatapos na yung costumes. Alam mo namang may event bago ang Christmas vacation at dahil wala ka, ako na ang tumanggap ng trabaho mo. Kinopya ko lahat ng notes para ibigay sayo! Gumawa rin ako ng assignments natin. At pinagpuyatan ko 'to!" sabay bato ng hugis puso na scrapbook na pinaghirapan ko. Nag-landing naman ito eksakto sa tabi ni Harvey.

Napapikit siya sa pag-aakalang sa kanya tatama yung binato ko. Pagkamulat niya, tinitigan niya yung scrapbook pero hindi naman kinuha. I feel like I'm burning. Alas kwatro na ako natulog dahil hand-made talaga yun tapos ganun lang?

Keep Smiling :)Where stories live. Discover now