Chapter 18 ~ Torn into two ~

275 11 7
                                        

Chapter 18 ~ Torn into two


"Paano na yan ate?" tanong ni Vince habang nanonood kami ng TV. Sa tingin ko nga, pareho kaming walang naiintindihan sa palabas sa TV eh.

"Hindi ko rin alam, Vince. Saka kahit ano namang desisyon o gusto ko, yung kanila pa rin yung masusunod. Syempre, anak nila si Harvey eh. Unless, magbago si Harvey ng isip at piliing magpagamot."

"Eh bakit hindi mo nalang pilitin si kuya?" tanong nito.

"Sa totoo lang, ayun naman talaga yung main reason kung bakit sinabi ni Tita Marie sa akin yung totoo eh. Para mapilit ko si Harvey na magpagamot. Pero ano bang nangyari? Wala rin. Pati sila tita, sumuko na rin. Ako Vince, hindi ko alam. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kung may mabuo man na desisyon. Hindi ko alam yung gagawin ko."

"Naiintindihan ko ate. Siguro dapat, hayaan mo nalang silang magdesisyon pero maging handa ka rin sa mga posibilidad. Lalo na ngayon na yung unang choice nila ay i-let go si Kuya Harvey."

"Tama ka. Hay, ang sakit isipin na sooner or later, ile-let go na nila si Harvey. Ang hirap tanggapin. Pero ang nakakainis, nararamdaman ko na rin na malapit na rin akong sumuko. Lalo pa't sabi nga ni Anika, ako nalang yung patuloy na lumalaban."

"Ikaw nalang? Eh ano palang ginagawa ko dito? Ate, wag kang mag-alala. Nandito pa rin ako para sa inyo ni Kuya Harvey."

Alam kong balisang-balisa ako pero nung narinig ko na sabihin yun ni Vince, pakiramdam ko fresh ako. Parang nag-regenerate lahat ng cells ko sa katawan.

"T-Talaga Vince?"

"Luh! Oo naman, ate. Adik ka ba? Edi sana kung sumuko na rin ako, pinabayaan nalang kitang magwala diyan. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na maaayos ang lahat."

"Salamat, Vince! Salamat. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Binigyan mo ako ng pangalawang pag-asa. Swear. Ang sarap sa feeling na alam kong may kadamay pa rin ako," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Hindi ko akalaing hanggang sa huli, sasamahan pa rin ako nitong kapatid ko. Ang swerte ko na kapatid ko siya. Maaaring lagi niya akong inaasar pero kahit ganun, never kong naramdaman na iniwan niya ako.

"Wala yun ate. Happy birthday."

Nanlaki ang mata ko at sandaling natigilan. "T-Thank you. Napakalaking birthday gift na nito sa akin," sabi ko nalang. Sa totoo lang, nakalimutan kong birthday ko. Kung hindi pa ako binati ni Vince, hindi ko maaalala. Masyado na kasi akong maraming iniisip para unahin ko pa yun.

***

Pagkatapos naming manood ni Vince, or more like mag-usap, dumating sila mommy at daddy. Binati nila ako. May dala silang cake pero sabi ko, saka ko nalang kakainin. Dumating din si Anika at Kyle. Binati ako at nagbigay ng regalo pero umalis na din agad sila kas alam daw nilang busy ako. Alam na din ni Kyle yung sakit ni Harvey.

Nagdesisyon kami ni Vince na pumunta nalang ng ospital para sa monthly treatment ko. Nang matapos ito, nagpaalam na ako kay Vince na pupunta ako kay Harvey. Pumayag naman siya at nauna nang umuwi.

Pagkarating ko sa area kung saan ang kwarto ni Harvey, as usual ay nasa labas pa rin sila Tita Marie.

"Hija! Buti dumating ka na. Hinahanap ka ni Harvey," sabi sa akin ni Tita Marie habang nakayakap siya sa akin.

"Bakit daw po?" Ito na naman ako, kinakabahan. Ipagpipilitan na naman ba niya sa akin na ayaw niya na dito? Sighs.

"Hindi ko rin alam. Sabi niya nga, ikaw lang daw ang pwedeng pumasok sa kwarto niya ngayong araw na 'to," seryosong sabi ni tita. Bigla akong kinabahan. Ano kaya yung sasabihin ni Harvey?

Keep Smiling :)Where stories live. Discover now