Chapter 3 ~ Superman!
Hahawakan na sana ako nung isang lalaki na leader ata nila ng bigla nalang may nagsalita...
"Don't ever dare to lay a hand on her," he said coldly.
Napatingin naman ako sa direksyon kung saan galing ang boses pero di ko masyado makita.
Napatigil naman yung mga unggoy at tinignan din ang nagsalita.
"H-Ha-Ha—" Hindi maituloy tuloy ng leader nila ang sasabihin. Halatang gulat ito sa nakita. Or is he faking a laugh?
"Yes, Red, it's me. You better run now." Hindi siya pinakinggan ng mga ito at bigla nalang siyang sinuntok pero agad naman siyang naka iwas. Parang pamilyar siya. Kyle?
At nagsuntukan sila nang nagsuntukan. Hindi ko parin makilala ang mukha at boses kasi may panyo sa may bibig at madilim din ang paligid. Baka hindi ko talaga siya kilala? Ewan ko.
Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko at paghikbi kahit na hindi naman na ako naiiyak pero dahil dun, hindi na ako nagsalita. Weird. Na-trauma ba ako o ano? Gusto ko sanang tumakas na pero nahihiya naman ako sa taong nag-ligtas sa akin. At kung sino siya, salamat nalang talaga at dumating siya.
Napatumba niya lahat.
Yumuko siya tapos parang may sinabi dun sa Red ba yun? Yun! At nag-umpisa na ulit maglakad. Ano yun? Ganun lang? Hindi niya ba ako tatanungin kung okay lang ako? Kung anong nangyari? Aalis nalang siya basta?!
Sabagay. Wala akong karaptan kasi siya na nga lang ang nagligtas sa akin. Pero namimisteryohan ako sa kanya kaya hinabol ko siya
"Hoy! Sandali!" pagpigil ko sa kanya. Nilingon niya ako kasabay ng paglaglag ng panyo sa bibig niya. Hindi ko alam na may ilalaki pa pala ang mata ko. "Harvey?"
Napatigil ako sa pag-iyak ng makitang si Mr. Gomez pala 'to. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya natawag na Harvey pero masaya ako dahil iniligtas niya parin ako.
Hindi niya ako pinansin at naglakad lang ulit pero hinila ko siya at niyakap. Kailanagan ko talaga siya ngayon.
"Mr. Gomez," bulong ko.
"Call me Harvey," sambit nito. Aww, ang cold niya. Hindi siya yung kaninang mapang-asar. Ganito ba talaga siya pag napag-uusapan ang mga bagay tungkol sa mama niya?
[Harvey's Point of View]
Okay lang? Grabe naman! Siya ang unang pinagkatiwalaan ko ng bagay na yun tapos ganun lang ang isasagot niya. Tang*na naman!
"Kinampihan niya pa talaga ang nanay kong walang kwenta? KINAMPIHAN NIYA PA TALAGA?! Pakshet naman oh."
Nandito ako sa garden ngayon. Sa likod ng puno ako tumambay. Dito ako dumiretso pagkatapos ko siyang sigawan dun sa rooftop.
"Nakaka--"
"Aaaaaahhh! NAKAKAINIS! AYAW KO TALAGA SA BRATS!" Huh? Sino naman yun? Naiinis ako dito tapos makikisabay siya! Tinignan ko kung sino yung hadlang sa pagkainis ko. Parang ngo-ngo.
Si... Si... Si Vielica! Lintek! Sa dinami dami ng pwede niyang puntahan dito pa kung nasaan ako?
Pinakinggan ko nalang ang mga pinagsisisigaw niya. Hayaan na. Ladies first daw eh. Edi siya na muna maglabas ng sama ng loob.
"Mukha siyang unggoy! Alam niya ba yon ha? Alam niya ba? Kung ipaalam ko kaya sa kanya! Saka. Hah! Anong karapatan niyang sigawan ako? Napaka-bipolar niya! Putek! Kanina lang ang bait ah tapos sakin naman niya ibinuntong ang galit niya? Wow! Kung galit siya sa mga babaeng mukhang clown, pwes, wag sa akin! Dahil hindi ako mukhang clown! Hindi ako malandi o maarte! Baka mapahiya siya pag humiga ako sa putik! Leche siyaaaa!" Sigaw niya.

CZYTASZ
Keep Smiling :)
RomansSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?