Chapter 11 ~ Promises are kept.
"GOOD MORNING!" masigla kong bati.
"Ingay!" reklamo niya sabay takip ng unan sa mukha niya at nagtalukbong ng unan.
"Tsk! Ito namang Harvey na 'to masyadong antukin. Pinuntahan ko pa siya dito sa bahay niya para batiin ng good morning tapos sasabihin niya lang ako ng maingay?" sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa dulo ng kama niya.
Umpisa na ng sembreak namin! Ang maganda pa dun, konti lang yung take home activities! Ang bilis ng panahon. Sa susunod, December na. Tapos birthday na ni Harvey. Tapos New Year na... Tapos mage-eighteen na ako sa February.
"Harvey, uwi nalang ako. Balik nalang ako mamaya o kaya punta ka nalang sa bahay namin. Babye. Sorry sa istorbo," malungkot kong sabi. Nakakainis naman eh. Nag-alarm pa ako at nagpa-drive papunta dito tapos... </3
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Hindi niya man lang ako pinansin. Okay lang, baka inaantok talaga siya. May mamaya pa naman o kaya bukas.
"Oh, hija. Asan na si Harvey? Uuwi ka na?"
"Tulog pa po siya tito eh. Opo, uuwi muna ako." Ngumiti ako kay tito.
"Pag pasensyahan mo na Viel. Antukin talaga yung batang yun. Siya nalang ang papapuntahin ko dun mamaya sa inyo. Teka, kumain ka pala muna bago umalis," sabi naman ni Tita Marie.
"Ayos lang po yun. Baka po nagpuyat siya kagabi. Hindi na po ako kakain, tita. Okay lang po ako. Sige po, mauuna na ako. Salamat po. Good morning po ulit sa inyo." Inalok nila ako na ihatid sa bahay pero sabi ko wag na. Lumabas na ako ng bahay. Nanlabo yung mata ko kaya tumigil ako sandali. Nung okay na, naglakad na ako papunta sa gate.
Bubuksan ko na sana yung gate pero may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Sino pa ba?
"Sorry po," sabi niya habang nakapatong yung baba niya sa balikat ko. Hindi ako nagsalita. Feeling ko maiiyak ako kapag kinausap ko siya. "Mahal, sorry na. Please?" Mas hinigpitan niya pa yung pagyakap sa akin.
Nag-nod lang ako at hindi pa rin nag-salita. Tinanggal ko yung kamay niya at dali-daling lumabas na ng gate.
"Uy, Viel naman!"
Nakakita ako ng taxi at pinara ko na kaagad. "Manong sa ****** Village po."
"Okay po, ma'am."
-
"Oh, ate. Good morning. Saan ka galing?" Nakita ko si Vince na nasa sofa at nanonood ng TV. Mukhang kakagising niya lang. Tulog pa siya nung umalis ako.
"Good morning din. Uh, sila mommy?" Hindi ko sinagot yung tanong niya kasi wala akong maisip na palusot.
"Kakaalis lang eh. Saan ka ba galing?" tanong ulit nito.
"Sa... wala. Dun lang sa park. Akyat muna ako. Bigla akong inantok eh."
"Di ka muna kakain? Sabay tayo gusto mo?"
Umiling ako. "Hindi na. Mamaya nalang. Akyat na ako."
Nag-nod nalang siya at umakyat na ako. Pagkahiga ko sa kama, bigla nalang akong naiyak. Hindi ko rin maintindihan sarili ko. Totoo naman yung sinabi ko kay tita na okay lang ako eh. Naiintindihan ko naman si Harvey pero bakit ako umalis sa kanila? Ewan ko rin.
"Nakakainis naman yung sarili ko. Iyaking bata," sambit ko. Ilang minuto pa akong umiyak bigla nalang tinamaan na ng antok.
***

ESTÁS LEYENDO
Keep Smiling :)
RomanceSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?