Chapter 1 ~ The--what?
June 2006
Ang boring ng klase! Sa pinaka unang pagkakataon, inantok ako. Wala bang mangyayaring interesting?
Napatingin sa pinto ang ilan kong kaklase nang makarinig kami ng katok.
"Ah, yes ma'am? Good morning." tanong ni Mam Terror este ni Mam Torres. Buti naman kahit papano natigil yung lesson niya. Ayoko talaga sa subject na 'to pati na rin sa new teacher. Ugh.
"Good morning. Please excuse Vielica. I need to talk to her," sagot naman nung nasa labas na teacher. Hindi ko makita kasi nasa may likod at gilid ako.
"Ah, Vielica," senyas naman ni Mam Torres. Nag-nod naman ako at saka lumakad palabas.
Bakit naman kaya ako pinatawag ni... Ohmygosh! Hindi ko napigilan ang paglaki ng singkit kong mga mata dahil sa nakita ko.
"Ma'am Linda? Good morning po," bati ko. Si Ma'am Principal pala ang naghahanap sakin.
Patay! Ang alam ko, pumupunta lang to sa room kapag may kasalanan yung hinhanap niya. Wala akong kasalanan.
"Good morning din. Uh, Vielica, I need your help. We have a new student and he'll be your classmate." Anong gagawin ko? Anong help?
"So what help do you need, ma'am?" I asked her, puzzled.
"Hmm, we are warned that he's some kind of a brat or jerk. So, as the head principal of this school, I'm assigning you to accompany or more like guard him here in Levitch Academy."
Wait.
PROCESSING... PROCESSING... PROCESSING...
Ayaw talaga pumasok eh. Kulang sa impormasyon!
"Me? Accompany? Guard? Him?!" Weh? Ang bilis namang sinagot ni Lord ang prayer ko. Pero parang nasobrahan naman ata sa pagka-interesting nito?
"Yes. And that's final. You are Vielica Hann Belencion. Belencion, remember that. I believe that you can do it. Your parents are already informed and they agreed. Don't worry. All you need to do is to watch his actions and report it to me and do your best to change him," seryosong sabi nito.
Ano daw? Pumayag ang parents ko? Hindi nga? Tapos report report? Nagmukha naman akong secret agent niyan! Tapos change him? Aba! Guardian angel na yan! Ano ba naman yung parents ko eh! Alam nilang busy ako eh. Kung mag-eespiya ako sa isang brat, paano ako makakapag-concentrate sa mga dapat kong gawin? Iiyak na ba ako?
"After that subject, go to my office. You'll meet him there. See you," pagpapatuloy niya saka umalis na
Hoosh! Bawal talaga tumanggi huh? AHH! Kainis. Pumasok nalang ulit ako ng room. Ano pa nga bang magagawa ko?
Time check: 9:08 AM
22 minutes more and I'm gonna meet that new student.
Haay. Okay naman maging guardian eh. Lalo na ng batang cute, ng ignorante, ng bulag, pilay, bingi, pipe o kahit ano pa pero wag sana brat! I hate brats!
"While this one... Blah blah blah." Sige ma'am, explain ka lang. Turuan mo lang mga tulog mong estudyante. Good luck kung maintindihan nila.
Nako yung brat na yun, wag lang talaga niya kong susubukan at makakahanap siya ng walking megaphone. Yes. I'm loud at times.
"Do you understand?" Syempre, hindi. Nakinig ba kami?
"Yes," sagot ng mga kaklase ko. Aba, ang honest ah? Tsk. Atat talaga sa break.

ESTÁS LEYENDO
Keep Smiling :)
RomanceSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?