Chapter 8 ~ DUGDUG?
Waaah! Sabado na! Excited na ako. Maganda talaga ang mangyayari mamaya. Hihi. All set na eh. Napapayag ko si Kyle.
Nag-sorry rin siya dun sa nangyari. Sabi ko okay lang kasi wala siyang kasalanan. Kaya okay na kami. Friends na din sila ni Harvey. Si Kyle ata yung unang kaibigan ni Harvey sa school. Ay hindi! Si Vince pa pala so, pangalawa si Kyle. Yey! May friends na si Harvey. Sana ma-overcome na niya yung nakaraan niya.
Si Anika naman, alam na niya yung nangyari sa gym. Syempre sinabi ko. Nalungkot siya pero sabi ko wala yun. Inasar ko pa nga siya kay Kyle at sa hindi malamang dahilan, inasar niya naman ako kay Harvey. Basta. Okay na okay parin kami. Napag-usapan na namin yun noon na hinding hindi kami mag-aaway sa lalaki.
Kaya super duper okay kaming lahat.
"Viel anak, tapos ka na ba?! Nandito na si Harvey!" sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto. Kasama rin sila pero mamaya pa sila pupunta. Ako naman, kasabay si Harvey.
"Opo. Lalabas na po!" sigaw ko at nagmadaling maglagay ng hikaw. Charan! Dyosa na ako. Ang ganda ko talaga! Buti nalang marunong sa ganito si mommy at tinuruan niya ako. Kahit simple lang ang suot ko, mukhang bongga. Ay, makalabas na nga. Baka magmaktol pa yung isa dun.
"Tapos na ko!" sigaw ko nang makababa ako.
"Oh, ayan na pala si Ate eh," sabi ni Vince. Hindi nagsalita si Harvey, in-offer nalang ang kamay niya. Hindi naman ako nag-dalawang isip at kinuha ito.
"Bye mommy, daddy and Vince!"
"Una na po kami," sabi naman ni Harvey.
"Ingat kayo. Susunod nalang kami," sabi ni daddy. Nag-wave nalang ako at lumabas na kami ni Harvey.
***
7 PM na.
Eto na yung oras na isu-surprise ko si Anika. 18 na siya eh. Pero wala na siyang 18 roses, candles, etc. Ayaw na niya daw dahil nag-Sweet 16 na siya. At dahil dun, isa lang ang makakasayaw niya. Siguro ako, mage-18 roses, etc. pa dahil di naman ako nag-celebrate ng bongga nung 16 ako. Wag na nga muna yun. Sa best friend ko tong party eh.
"May we call on, Vielica Hann Belencion, the gorgeous best friend of the birthday celebrator!" Nagpalakpakan ang mga tao, ako naman umakyat sa mini stage.
Si Anika naman lumabas galing sa isang room ng naka-blindfold. Inaalalayan siya ng dad niya.
"Good evening everyone! Are you enjoying the party?"
"YEAAAAH!" sagot ng mga tao. Karamihan sa invited ay estudyante sa Levitch Academy na mga kaibigan namin. Yung iba siguro relatives nila.
"Great! So before we go to my surprise—Scratch that. Before we go to OUR surprise, I might as well leave a short message for my best friend. So Anika, best friend! Happy happy birthday. And again, thank you very much for being a good person not only to me, but to all the people around you. I wish you all the best. I love you! And I'll always be here for you. God bless and good luck!" And that's the cue. Nagpalakpakan na naman. Bumalik na ako sa upuan ko.
Pumasok na si Kyle. Nasa labas lang kasi siya kanina eh. Hindi nga alam ni Anika na nandito siya. Hinawakan niya ang kamay ni Anika gamit ang isang kamay niya at ang isa naman ay pinangtanggal niya ng blindfold. Gulat na gulat naman si Anika nang makita si Kyle.
Nag-usap sila at ilang sandali, sumenyas na si Kyle sa staff. Parang naiiyak pa si Anika. Ako rin! Natutuwa ako, grabe.
*Now Playing: Out of my League*

YOU ARE READING
Keep Smiling :)
RomanceSomeone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?