Chapter 19 ~ Keep Smiling ~

351 15 5
                                        

Ang huling chapter na ito ay dedicated kay AlgebraicFlask. Salamat sayo ng marami. <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 19 ~ Keep Smiling


[Vielica's Point of View]

Nakapagdesisyon na ako. Nakapagdesisyon na kami.

Kinakabahan ako. Sobra. Ang lamig ng kamay ko at pakiramdam ko, hihiwalay na ang puso ko sa katawan ko.

Napatingin ako sa suot ko. Maganda siya. Alam kong bagay sa akin. At sigurado akong bagay din kay Harvey ang suot niya kahit na hindi ko pa siya nakikita.

Mayamaya pa ay lumabas na sa hospital room ang mga nurse at sinabing pwede na daw pumasok. Pumasok na sa kwarto ang parents ni Harvey, ang mommy ko, pati sila Vince, Anika at Kyle. Naiwan kami ni dad sa labas. Ilang segundo ang lumipas, niyaya na din ako ni dad na pumasok sa loob ng kwarto.

Pagpasok namin, namangha ako sa nakita ko. Yung lugar kung nasaan kami ay yung kwarto ni Harvey dito sa ospital pero ngayon, pakiramdam ko nasa ibang lugar ako. Kakaiba. Puno ng bulaklak yung kwarto at meron ding red carpet na naka-latag. Wala yung kama pati yung ibang gamit.

Nakita ko si Harvey na naka-upo sa wheel chair. Naka-black na tuxedo siya. Wala nga yung kama niya pero may naka-kabit pa rin sa kanyang kung ano. Nandun siya sa may sulok kasama si Vince na naka-all white naman. Inilahad ni dad ang kamay niya at hinatid ako papunta kila Harvey.

Habang nagla-lakad kami ni dad, feeling ko ang laki ng lugar kung nasaan kami. Feeling ko ang haba ng nilakad namin kahit na hindi naman. Habang nagla-lakad kami, tumutugtog naman ang isang kanta na sina-sabayan ng ibang tao sa loob ng kwarto.

"H-Harvey," sambit ko ng makarating sa tabi niya. Dumistansya naman si Vince.

"Mahal," bati niya at naubo pa. "Sorry. Hehe. Nasamid lang," sabi niya pero halata namang nahihirapan na talaga siyang magsalita.

Naiiyak na ako. Ang sakit isipin na limitado na lang ang salitang mahal na yan.

Dati, naiilang ako ng sobra tuwing maririnig ko siyang tatawagin ako ng 'mahal' o ako ang tatawag sa kanya. Pero ngayon, yan palagi ang gusto kong marinig. Natatakot ako na baka isang araw, hindi ko na ulit marinig pa yung salitang yan...

Galing sa kanya.

"Harvey lagi mong tatandaan na mahal kita, okay?"

"Oo naman. I-Ikaw din ha. Wag mo akong kakalimutan. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Totoo yan."

Ngumiti ako. "Alam ko, Harvey. Napatunayan mo na yan ng sobra sobra. Kaya tingin ko, ako naman ang may kailangang patunayan. Mahal kita. Yun ang totoo. S-Sorry ang... ang iyakin ko talaga," sambit ko saka pinunasan ang luha pero may tumulo naman ulit. Aish! Kainis naman 'to oh.

"Sshhh. Wala ka namang kailangang patunayan mahal eh. Naniniwala ako sayo at ramdam ko naman y-yung... yung pagmamahal mo." Bahagya siyang naubo. "Kaya--Kaya wag ka na umiyak. Halika nga." Ini-stretch niya yung isa niyang kamay at ako naman lumapit sa kanya habang tumutulo pa din ang luha.

Nung hinawakan niya ang kamay ko, nanginig ang buong katawan ko at mas lalo akong naiyak at di na nakapagpigil. Ramdam na ramdam ko ang pagka-weak ng katawan niya. Ang lamig din nito.

Nagsalita na si Vince.

"At this time, Harvey Dale Gomez and Vielica Hann Belencion, I'll ask you to face each other & take each other's hands." Sinunod namin yung sinabi niya.

Keep Smiling :)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora