Chapter 17 ~ Got to go ~

305 12 8
                                    

Chapter 17 ~ Got to go


"Lalaban tayo? I don't think so. Matagal na akong sumuko. Matagal ko nang natanggap na mamamatay na ako. Please, tanggapin mo nalang din."

Nang marinig ko yang mga salitang yan galing sa kanya, hindi na ako nakapagsalita pa dahil ipinagtabuyan na niya ako. Wala na akong nagawa kundi lumabas ng kwarto at umiyak.

***

"Tita, gising po siya?" tanong ko nang makalapit kay tita. Kakarating ko lang sa ospital.

"Oo, hija. Ayaw nga kumain eh. Hay nako, hindi ko na alam gagawin ko. Natatakot ako." Nasapo nalang ni Tita yung noo niya.

Sa katunayan, umuwi ako para tapusin lahat ng requirements sa school at bumalik na din kaagad. Sa kagustuhan ko kasing bantayan si Harvey, hindi na namin tinuloy yung bakasyon sa Palawan at in-advance ko na rin lahat ng kailangan ko sa school para kahit di na ako pumasok, wala na akong po-problemahin.

Okay lang naman kay Vince yung hindi namin pagtuloy sa Palawan. At least daw, hindi na niya kailangan um-absent at wala siyang hahabulin na lessons.

Ako, baka nga hindi na rin pumunta sa graduation day. At malamang, hindi na rin ako pupunta sa prom pati pina-cancel na rin namin yung preparation sa birthday ko. Uunahin ko pa ba yun? Pati may silbi ba yon kung wala si Harvey?

"Ako na po bahala."

"Salamat. Buti nalang talaga andyan ka kundi ewan ko na," hapong-hapo na sabi nito. Ngumiti nalang ako kay Tita at naglakad na papunta sa kwarto ni Harvey.

Sa totoo lang, hindi naman masamang mag-stay sa kwarto niya eh. Private room pa nga yun eh. Pero ayaw kasi niya na may tao doon dahil feeling niya, kakaawaan lang siya. Kaya ayan sila tita, sa labas nakabantay.

Kahit sinabi ni Harvey na sumuko na ako, hindi pa rin ako sumuko. Kung siya hindi na lalaban pwes ako, tuloy pa rin. Pangatlong araw ko na 'tong dalaw sa kanya pero hanggang ngayon, tinataboy niya pa rin ako.

Pagpasok ko, nakita ko si Harvey na nakahiga, nakaharap sa pader.

"Get out," bungad niya.

"Harvey sabi ni tita--"

"I said get out. Sa tagalog, labas," pamimilosopo pa nito.

Hindi ako nagsalita pero hindi rin naman lumabas. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa upuan na katabi nito. "Harvey, let me talk." Naghintay ako ng pagtanggi niya pero wala naman kaya I assumed na pinayagan na niya akong magsalita. "Sabi ni Tita Marie, ayaw mo daw kumain tapos ayaw mo pa rin kaming papasukin. Aba! Anong akala mo sa kwartong 'to? Mansion mo? May karapatan kaming pumasok dito! Saka tungkulin naming alagaan ka, Harvey."

"Tungkulin niyo? Bakit ano niyo ba ako, aso? Hindi naman diba? Kaya pwede ba, wag niyo na akong pakialamanan. Sarili niyo nalang ang intindihin niyo imbis na ako," pamimilit niya.

Aba! Loko 'to ah! Aso lang ba ang inaalagaan? Konyatan ko siya eh. Kahit na ba may sakit siya! Hmp. Hindi ako naaawa sa kanya kaya ako nandito. Mahal ko siya! Yun yon.

"Hindi pwede, Harvey. Magagalit ako sayo sige ka! Please kumain ka na. Please, umayos ka na."

"Please, umalis ka na," pakiusap niya. Ayan na naman yung nagsusumamo niyang boses.

"Ayoko," determinado kong sabi. Ayokong umiyak na naman sa harap niya.

"Vielica, I know that every time I push you away, you get offended. But I have to do that because I don't want you to fall for someone who can't catch you anymore and I don't wanna fall for someone I don't deserve. You are not for me. You are for someone else better than me. Please leave me. Alone."

Keep Smiling :)Where stories live. Discover now