Chapter 21

169K 7.6K 5.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG21 Chapter 21

Narinig ko iyong pagtawa ni Nikolai nang maghubad siya ng polo-shirt niya. Tumambay kami sa harap ng dagat hanggang sumikat ang araw. Nag-usap lang kami tungkol sa school, tungkol sa exams—pero hindi tungkol sa graduation niya kasi nga baka biglang grumaduate din siya bigla sa akin.

Grabe talaga?! Totoo ang trauma!

"Why so shy now?" tanong niya nung pantalon naman ang hinu-hubad niya.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko tapos nahiga na ulit ako sa kama. Ako lang naman talaga ang prepared sa trip na 'to kaya may baon ako na extra na damit. Itong si Nikolai ay literal na wala pang tulog kaya ngayon pa lang siya matutulog. Kaso dirty daw kung matutulog siya na iyon pa rin iyong suot, kaya hinubad niya na lang.

"Come on, you've seen this all," tatawa-tawang sabi niya.

"Alam ko—natikman ko na lahat 'yan."

Humalakhak siya. "There's only one bed. I'll sleep beside you?"

"Oo."

"Sure?"

"Duh? Boyfriend na kita, 'di ba?"

"Yeah, but you're still free to say no," sabi niya. Naka-tayo pa rin siya doon sa tabi nung upuan kung saan naka-lagay iyong pantalon niya at polo-shirt. Naka-boxers na lang si Mayor ngayon. Ang hot niya lalo kasi medyo mahaba na iyong buhok niya at medyo may stubbles na siya. Grabe... sobrang na-busy siguro sa pag-aaral. Tapos ni 'di ko man lang nakamusta kasi busy ako mag-emote.

"Jersey," pagtawag niya sa pangalan ko. "In this relationship, we're equals, okay? You can always say no to me."

"Paano kung gusto ko yes palagi?"

Tumawa siya saglit. "Then it's a yes," sabi niya. "But know that you can always say no—it's well within your rights."

Hindi ako nagsalita.

Una at huling boyfriend ko ay nung high school pa ako... Ginawa ko talaga lahat noon... Binigay ko... Kasi parang may kasalanan ka sa kanya kapag humindi ka... Para bang magtatampo... Syempre ayoko naman nun... Ano ba'ng alam ko e literal na bata pa ako nun?

Pero ganito pala dapat?

Pwedeng magsabi na ayaw mo kahit jowa mo?

"You're my girlfriend, but you're not required to do anything," sabi niya. "No sex if you don't feel like it—no kiss, no nothing." Naupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya lang iyong kamay ko. Medyo na-guilty ako kasi feeling ko masyadong nag-a-adjust si Nikolai para sa akin.

"Pero kung gusto mo naman—"

"Doesn't matter what I want if you don't want it," sabi niya. "The thin line that separates sex from rape is consent."

Kinilig ako nung hinawakan niya iyong kamay ko.

"Okay?"

"Okay..."

"Can I sleep na? I'm so tired."

Natawa ako. "Okay."

"Can I sleep with you beside me?"

"Request ba 'yan?"

"Yes."

Umirap ako. "Arte," sabi ko pero nahiga na ako. Tumabi siya sa akin. Naka-talikod ako tapos ay naka-yakap siya. Ramdam ko iyong paghinga niya.

Grabe...

Dati, akala ko papatayin lang talaga niya ako nung sinagasaan niya ako—ngayon ay papatayin niya yata talaga ako dahil sa lahat ng pinaparamdam sa akin ng hinayupak na 'to.

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon