Chapter 23

174K 6.9K 3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG23 Chapter 23

Puta.

Ang awkward.

Buong gabi akong nagpanggap na tulog dahil natulala talaga ako nang sabihin sa akin ni Nikolai na mahal niya ako. Sabi sa akin ng utak ko, sumagot ako ng I love you, too... kasi 'di ba iyon naman dapat ang sagot?

Kaso... natulala ako.

Hanggang sa maging awkward na.

Na kahit sumagot ako, parang ang weird na bigla.

Kaya naghikab na lang ako at saka nagtulug-tulugan.

Tapos hindi ko alam kung anong oras na nang maramdaman ko iyong mga braso ni Nikolai na naka-palibot sa akin bigla tapos ay hinalikan niya iyong balikat ko.

"Morning..." sabi niya sa medyo paos na boses.

Puta naman.

Dapat sumagot na ako kagabi!

Ang awkward! Naiirita ako!

"Morning," sagot ko.

"What time is it, Ga?" normal na tanong niya. 'Di ba siya galit sa akin kasi literal na inisnob ko iyong I love you niya? Kasi nung sumagot ako ng okay nung nagconfess siya sa akin, literal na nag-emote siya sa tabing-dagat! Ayoko pa naman na 'di kami okay ni Nikolai. Parang 'di kumpleto araw ko kapag 'di ko naaasar 'to.

"7 pa lang," sabi ko. "Ano'ng oras klase mo?"

"1pm," sagot niya.

"Mag-aral ka na."

"Yeah, yeah," sagot niya pero naka-yakap pa rin sa akin.

"Mag-aral ka na, hoy."

"Later."

"Tapos maiinggit ka na naman sa grade ko."

Bumangon siya mula sa pagkaka-subsob sa balikat ko at sinamaan ako ng tingin. "When will your midterms grade be released?"

Nagkibit-balikat ako. "Malay ko."

"If my grade is higher—"

"Asa ka pa."

Sumimangot siya. Natawa ako. Pikon talaga nito sa grades niya. Pero tinu-tukso ko lang naman siya! Kita ko naman effort ng isang 'to para mag-aral!

"If my grade is higher, give me my long-awaited blowjob."

Umirap ako. "Sasaktan mo lang sarili mo."

"Nah, you prepare that pretty mouth of yours, Jerusha Leigh," sabi niya tapos ay mabilis akong kinintalan ng halik sa labi bago tumayo mula sa kama.

Grabe...

Sarap din talagang tampalin ng pwet nito.

Kulang na lang popcorn habang pinapa-nood ko si Nikolai na maglakad papunta sa CR ko. Para sa isang lalaki, bakit masyadong maganda ang pwet niya?

Maliligo ba siya? E wala naman siyang damit dito. Saka duda ako na isusuot niya ulit iyong suot niya kagabi e maarte kaya 'to.

"Jersey," pagtawag niya.

"Oh?"

"Can I please have a towel?"

"Maliligo ka ba dito?"

"Yeah."

"Wala kang damit. 'Di kasya damit ko sa 'yo," pagpapaalala ko sa kanya. Ang laki-laki kaya ng katawan niya! Saka ang tangkad niya!

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon