PROLOGUE

8.5K 107 12
                                    

"Saan niyo ako dadalhin? At sino ba kayo ah?"

Isang grupo ng mga lalaki ang kumuha kay Jennie nang siya ay pauwi galing sa kanyang taping.

Bakas sa mukha ni Jennie ang takot at kaba dahil hindi alam kung ano ang gagawin sa kanya ng grupo ng mga lalaki or saan nila ito dadalhin. Pero nandon pa'rin sa loob loob niya na mga ilang oras lang ay darating ang kanyang Super hero.

Wag kang matakot! Isipin mo na lang na nandito lang ako sa tabi mo pag may nangyayaring masama sayo okey?

Muli nanamang pumasok ang mga salitang iyon galing kay Mr. Black na kanyang Superhero. Sa tuwing may mangyayaring masama kay Jennie ay lagi nalang yan pumapasok sa kanyang isip kaya gumagaan ang kanyang loob kahit papaano.

"Hintayin nalang natin kung darating ba yang MR.BLACK mo.. HAHAHAHA" Sabi nang naka ninja na lalaki sabay tawa ng nakakaloko.

Nakatali si Jennie sa isang upuan habang pinapalibutan ito ng mga lalaking malalaki ang katawan.

"Ano ba ang kailangan niyo ah? Pera ba? Sige ibibigay ko" Magalit galit na sabi sakanila ni jennie at bakas parin ang takot sa kanyang boses.

"Hindi pera ang kailangan namin, Kundi ikaw! Ikaw ang kailangan namin... Pero dahil sa pagiging pakialamero niyang MR. BLACK mo.. lagi nalang kaming napapapalpak na kunin ka!" Madiin na sabi ng isang lalaking naka bonet at naka mask.

"Bakit ako? Ano kailangan niyo saakin?" Naiiyak na sabi ni Jennie.

"Hindi kami ang may kailangan sayo, kung 'di ang boss namin, Kaya pwede ba? Manahimik kana? Kung hindi pa dadating yung Mr. Black mo in 15mins. Dadalhin ka nanamin kay boss!" Nakangising sabi ng lalaki na may malaki laking katawan din.

Hindi na pa umimik si Jennie dahil mas lalo siyang kinabahan at natakot dahil sa kanyang mga narinig.

Nasaan kana ba babe? Nasaan ka na ba Mr. Black?

Nasa-isip ni Jennie habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga Luha.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din dumadating si Mr. Black

"1min. Left, pag di na sila dadating, Ready your body Jennie Kim" Natatawang sabi ng isang lalaki.

At mas lalong kinabahan si Jennie, patuloy parin ang kanyang pag-iyak dahil sa subrang takot.

Dumating ka sana Mr. Black, I need you. I really need you right now!!

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

No!! Darating ka... Darating ka... -  Bakas sa mukha ni Jennie ang subrang takot.

"5"

"4"

"3"

"2"

Pumikit si Jennie dahil alam niyang hindi na dadating si Mr. Black.

"1, Kalagan niyo na yan at Dalhin niyo kay Boss" Sigaw ng lalaking malaki ang katawan sa kanyang mga kasamahan.

*BROOOOMMMMMMM*

*BROOOOMMMMMMM*

Kakalagan na sana ng mga lalaki si Jennie para dalhin sa kanilang boss nang marinig nila ang biglaang pagsulpot ng dalawang Motor.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now