CHAPTER 14

778 41 5
                                    

JENNIE'S POV

WEDNESDAY Kaarawan ng Daddy kong pinakagwapo sa lahat.

"Jennie Iha, Ito na yung dress na susuotin mo" Dinala saakin ni Manang yung dress ko sa kwarto habang ako ay maliligo palang.

"Sige po! Manang Thank you" Nakangiti kong sabi at tatalikod na sana si Manang nang tawagin ko.

"Manang? Si Mommy and Daddy? Where are they?" Tanong ko

"Ah! Yung Mommy mo nandon sa baba, tumutulong sa pagdedesign, ang daddy mo naman nasa kwarto pa niya, hindi pa nakakalabas" Sabi ni Manang at napangiti naman ako.

"Sige Manang! Make sure na hindi makakababa si Daddy ah? Ako na bahala sakanya, yung damit niya nasaan ba?" Tanong ko pa ulit

"Nasa kwarto na niya, siguro naliligo na yon" Sabi ni manang.

"Sige po Manang, Paki sabi po kay Mommy na ako muna bahala kay daddy okey po? At si Mommy naman ay Maghanda na din dahil maya maya lang ay darating na yung mga bisita" Mahaba kong sabi

"Sige iha, Magbihis kana din jan"

"Sige po Manang! Thank you, Kayo din po" Sabi ko at tumango lang saakin si Manang tsaka tuluyan na sinara yung pinto.

Agad naman ako pumunta sa Bathroom at mabilis na naligo.

Pagkatapos ay inayusan ko na yung sarili ko at nagbihis na din.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na din ako kaya agad na akong lumabas at pumunta sa Kwarto ni Daddy.

"Dad? Tapos na po ba kayo?" Sabi ko at nilingon naman ako ni Daddy.

"Oh! Baby come in!" Masayang sabi ni Dad at tuluyan na akong pumasok. "You're so Beautiful Baby" papuri niya while seeing my Wholebody.

"Ofcourse! Dad! Dapat lang" Pagmamayabang ko. At niyakap ako ni Daddy.

"Happy Birthday dad!" Bulong ko at kumalas naman kami sa yakap at hinarap ako ni Daddy.

"Thank you baby" Nakangiti niyang sabi. Hinawakan ko naman yung necktie niya at inayos ko ito.

"Marunong ka Anak?" Masayang ani ni daddy.

"Ofcourse dad! Marunong ako no!" Sabi ko.

"Ikaw ah? Dalaga na talaga ang bibi ko! Ang swerte talaga ng mapapang asawa mo Anak" masayang sabi ni dad at napatingin naman ako sakanya

"Dad! Anong asawa, Hindi panga ako nagkaka boyfriend, asawa na agad?" Natatawa kong sabi at natawa si Dad.

"Oh! Nanjan pala kayong dalawa" Napalingon kami ni dad sa nagsalita at si Mommy pala.

"Mom!" Nakangiti kong sabi at sinalubong siya ng yakap

"oh! You're so Pretty baby" ani ni Mommy at napangiti naman ako

"Eh saan paba ako magmamana? Edi sainyo po" Paglalambing ko at niyakap ko si Mommy.

"I love you mom!" Bulong ko

"I love you more baby" Sabi din niya at kumalas na kami ng yakap sa isa't isa.

"Happy Birthday Hon!" Bati ni Mommy kay daddy sabay halik sakanya. "Thank you hon" ani ni Daddy.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now