CHAPTER 45

2K 91 36
                                    

TAEHYUNG's POV

HABANG sinasayaw ko si Suzy ay sulyap na sulyap parin ako kina Lisa at Jennie na nag-uusap sa isang table.

Kinakabahan ako dahil baka may masabi si Lisa about what happened earlier, Ayoko pang malaman ni Jennie ang totoo, Ayokong malaman niya dahil kapag nangyari iyon, Tapos na.

'Please Lisa! Not now, hayaan mong ako ang mag sabi sakanya personally.'

Napayuko ako sa aking naisip at nabigla naman si Suzy sa ginawa ko.

"Are you okey Taehyung?" Tanong niya at agad ko naman iniangat yung ulo ko tsaka agad na ngumiti sakanya.

"Ah-- I'm sorry Suzy, May sumagi lang sa isip ko, Yes! I'm okey" nakangiti kong paliwanag sakanya at nginitian naman din niya ako.

"Thank You Taehyung" Napatingin ako ng diritso sakanya nang marinig ko yong sinabi niya.

"Why?" Tanong ko.

"For being the Savior of my best friend, I know, nasaksihan ko kung gaano mo kagusto si Jennie noon, and Thank you dahil sa kabila nang hindi magandang nangyari noon sainyo ni Jennie ay nagawa mo paring iligtas siya" masayang sabi niya saakin habang patuloy ko siyang isinasayaw

"Wala yon Suzy, As her suitor naman, Hindi ko hahayaang malagay siya sa peligro, And yung past namin? Naintindihan ko kung bakit nagawa niya yon saakin" Nakangiti ko ring sabi sakanya

"And Again, Masaya akong masabi ulit ito sayo" aniya at nakangiti kong hinihintay yung susunod na sasabihin niya, sumulyap muna ako kina Jennie pero nag-uusap parin sila ni Lisa "I like you for Jennie, Taehyung" napalaki yung mata ko sa narinig ko at sumaya naman yung puso ko, kung pwede lang sumigaw dito ay gagawin ko.

Akalain mo? Mismong kaibigan ni Jennie ay gusto ako para sakanya. And I'm happy to know that, Isa lang naman ang hindi pa ako nakapasa.

Kay LISA.

"Thank You suzy" masaya kong sabi

"Take care of her Tae, Don't ever hurt her, or else kami makakaharap mo" Babala niya at ngumiti naman na ako sakanya.

"I will Suzy" aniko at nagpatuloy na kami sa pagsasayaw.

Maya maya'y biglang lumapit saamin si Nancy at tumigil naman kami sa pagsasayaw ni Suzy

"Happy Birthday again Suzy" bati ni Nancy

"Thank You Nancy" ani ni Suzy at tumingin naman siya saakin "Taehyung, Dance with her" aniya saakin at nagkatinginan naman kami ni Nancy, tsaka pilit na ngumiting bumalin kay Suzy

"S-sige" napipilitan kong pagpayag kaya naman inalok ko kay Nancy yung kamay ko at nagpaalam naman saamin si Suzy tsaka na kami nagsimulang magsayaw ni Nancy.

Ewan ko pero parang kinabahan ako bigla, nahihiya or naiilang sakanya. She's popular actress and now? I'm dancing with her? WT.

"So how are you and Jennie?" Biglang tanong niya at nahihiya naman akong tumingin sakanya.

"We're okey, I'm still doing my best for her" sagot ko sabay sulyap kina Jennie at Lisa na parang seryuso na ang usapan nila.

Napakunot naman yung noo ko dahil baka kung ano na ang sinabi ni Lisa sakanya, Bigla namang kumabog ng mabilis itong dibdib ko.

"Nagseselos kaba kay Lisa?" Napatingin naman ako bigla kay Nancy sa tanong niya iyon, na siya ring nakatingin kina Jennie at Lisa.

"Nagseselos? May dapat ba akong ikaselos sakanya? She's just a best friend of Jennie and why would i get jealous of her?" Sabi ko at tumingin naman siya saakin, With her smile.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now