CHAPTER 23

729 33 4
                                    

JENNIE'S POV

NAPAKATAHIMIK nang biyahe namin simula nung umalis kami sa Batanggas. Still nagfflash parin sa mind ko yung nangyari sa gubat. I don't know pero parang may side saakin na gusto kong mangyari yun ulit kasama siya.

Hindi parin mapakali yung utak ko kung ano ang ginagawa nina Nancy at Lisa ngayon, Sana nalang dito ko nalang siya isinakay pero okey din naman yun dahil gusto kong magkabati ang dalawang yun, knowing na matalik silang magkaibigan.

Makalipas ng ilang oras ay hindi parin ako makatulog.

Tumingin ako sa likod ng kotse ko baka sakaling makita ko kung nakasunod parin ba saamin yung kotse ni Nancy pero bigo ako, hindi ko nakita.

Namuo naman ang pagtataka sa utak ko.

'Nasaan kaya sila?'

Tumingin naman ako sa front at nakasunod kami sa Van na sinasakyan nina direc.

"Jane? Napansin niyo ba kung saan lumiko ang sasakyan nina Nancy?" Tanong ko bigla kay Jane.

"Hindi po Ma'am" Aniya at Tumingin din sa likod baka makita niya sila. "Baka may dinaanan" aniya

Agad ko naman kinuha yung phone ko para tawagan si Nancy pero out of Reached.

Dinial ko naman yung number ni Direc. And luckily he answered.

"Oh! Jennie?" Ani ni direc sa kabilang linya.

"Direc? Bakit hindi saatin nakasunod si Nancy? Nasaan sila?" Tanong ko

"Ah! Tumawag kasi saakin si Nancy kanina, na mauna na daw tayo dahil may dadaanan mo na daw sila ni Lisa" Aniya at napakunot yung noo ko.

Dadaanan? Saan? Ays!

"Ah! Ganun po ba! Salamat direc. Nagalala lang ako..." Mahina kong sabi.

"Wag kanang magalala" aniya at nagpaalam na ako sakanya tsaka binaba na yung phone ko.

"Oh nasaan daw sila Ma'am Jennie?" Tanong ni Jane.

"May dinaanan daw" Walang gana kong sabi.

"Sabi na eh" aniya at hindi ko na siya pinansin pa.

Saan kaya sila dumaan? Saan sila pumunta ni Lisa? Ays!

'wag kanang ganyan Jennie nasa Manila na tayo' ani ng isip ko.

Malapit na kaming makarating sa NCT Ent. Pero wala parin akong gana. Ays!



LISA'S POV

NAGISING ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong wala sa Front seat si Nancy.

Bumangon ako tsaka tumingin sa Bintana baka nakarating na kami na NCT Ent. Pero iba ang nakita ko, isang familiar na lugar, Isang Park kung saan napakaraming memories na naiwan

"Ma'am Bumaba na po kayo" Napatingin ako sa bandang likod ko nang makita ko yung driver ni Nancy.

"Nasaan tayo?" Tanong ko

"Ma'am bumaba nalang po kayo, hinihintay kayo doon ni Ma'am Nancy" Ani nung driver at kumunot naman yung noo ko sa Pagtataka.

'Ano kaya balak ni Nancy?' ays.

Agad ko nang inayos yung sarili ko tsaka bumaba sa Sasakyan. Pero nandoon padin yung tanong sa isip ko, Bakit nandito kami?

Bigla akong kinabahan nang makita ko nang maayos yung lugar. Kinabahan na may halong takot at lungkot.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now