CHAPTER 37

1.5K 94 83
                                    

LISA POV

PAGKATAPOS naming ihatid sina Jennie sa kanilang sasakyan ay pumasok na kami nina Nanay sa loob.

"Lisa? Anong palagay mo kay Mr. Black?" Tanong ni Rosé habang nakapandekuatro at nakasandal sa Mini Sofa namin.

Lumapit naman ako sakanya tsaka tumabi sa kanya sa sofa.

"Unang rinig ko palang sa pangalan niya ay Kumulo na ang dugo ko pero dahil sa niligtas naman niya si Jennie, Pinakalma ko sarili ko" Seryuso kong sabi tsaka ako sumandal sa Sandalan ng sofa "Ewan ko pero may nararamdaman akong hindi maganda sakanya eh" Dagdag ko pa.

"Baka selos yan Lisa" Panunukso niya at tinalasan ko nalang siya ng mata "Anyway, Gwapo siya, Parang mabait and superhero pa, O saan kapa? Complete Package na, bagay na bagay sila ni Jennie" Masayang sabi niya, alam kong inaasar ako nito eh. Gusto atang pikonin ako.

"Tss! Kakakilala niyo lang sa tao, mabait na agad? Hindi ba pwedeng nagpapanggap? Ays!" inis kong sabi

"Lisa, Minsan kung ano ang unang impression mo sa isang tao ay totoo, ess" aniya "tsaka bakit kaba ganyan sakanya? Hindi kaba masaya na may taga ligtas si Jennie?" Aniya tsaka inirapan ko lang siya.

"Syempre masaya, Ang ayaw ko lang kasi e andali niyong magtiwala sa isang tao" Inis na sabi ko

"Mukhang matagal na silang magkakilala kita mo naman kanina the way they look at each other" she said firmly.

At naalala ko naman yung kwento ni Jennie habang nagddrive ako ng Motor.

--
"Ngayon? Hindi ako makapaniwala na yung taong binusted ko nung Highschool ay ang taong laging nagliligtas saakin. Ansaya ko subra Lisa dahil sa wakas kilala ko na kung sino siya." Masaya niyang sabi habang nakayakap saakin sa likod.
--

Matagal nga silang magkakilala, Ex Manliligaw pala niya itong si Mr. Black. Ays.

ACTUALLY rinig na rinig ko lahat ng kwento niya nung nasa daan kami, Hindi lang ako nagsalita dahil naiinis ako. Kilig na kilig pa ahh.. ramdam ko the way she hugged me tight.

"Eh Ano naman kung matagal silang magkakilala?" Singhal ko.

"Edi Kilala na nila ang isa't isa" Naiinis na sabi niya at napasinghal nalang ako.

"Basta, hindi ako sigurado sa Lalaking iyon, Hindi ko parin ipagkakatiwala si Jennie sakanya" Inis kong sabi

"Sus! Dahil nagseselos ka?" Aniya at tinaasan ko nalang siya ng kilay

"Hindi ako nagseselos, Ayaw ko lang na maloko ng lalaking iyon si Jennie" Aniko.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now