CHAPTER 19

719 41 6
                                    

ROSÉ'S POV

NANDITO ako ngayon sa labas ng bahay kung saan naghihintay ng tawag ni Ms. Jisoo dahil maghahating gabi na pero hindi man lang ako tinawagan o text man lang na nakauwi na siya.

Hindi ba niya alam na may nag aalala sakanya? Ays!

'Asa ka naman Rosé, P.A ka lang niya, yun lang yun' Nalungkot ako sa aking naisip.

"Anak! Bakit hindi kapa pumasok at Magpahinga na, gabing gabi na oh" Napatingin ako sa bandang kaliwa ko nang tawagin ako ni Tatay, tulog na kasi si Nanay.

"Hindi pa po ako inaantok tay!" Pilit ngiti kong sabi kay tatay at muli naman akong tumingin sa Phone ko, at wala paring text ays! Napakunot nanaman ang ulo ko.

"May hinihintay kaba Anak?" Sabi ni tatay at umupo sa tabi ko.

"Ah! Tawag po tay!" Mahina kong sabi at nakatingin parin ako sa phone ko.

"Tawag nino?" Tanong niya and i took a deep breath first.

"Ni Ma'am Jisoo po tay! Maghahating gabi na pero hindi man lang tumawag or nagtext na nakauwi na siya" Inis na may halong lungkot na sabi ko.

"Ah! Siya pala! Baka nakauwi na siya Anak!" Ngingiti ngiting sabi ni tatay at naasar ako.

"Tay! Bakit hindi man lang niya ako tinext? Hindi ba niya alam na may nagaalala sakanya?" Kunot noo kung sabi.

"Anak! Paano naman niya malalaman na may nag-aalala sakanya, or paano naman niya malalaman na nag-aalala ka sakanya kung turing niya lang sayo ay isang Personal Assistant lang" Pagdidiin ni tatay at medyo kumirot doon ang puso ko. May point si tatay.

"Tay naman! Alam naman niya na bilang P.A niya nag-aalala din ako, lalo na't alam ko kung sino yung kasama niya ngayon" Mahina kong sabi at nainis ako dahil sa naisip ko.

Paano kung may ginawa sila? Paano kung? Ugh! Sana wala.

"Saan pala siya pumunta Anak at hindi ka Pinasama? At sino naman yung kasama niya?" Tanong ni tatay.

"She's on a date tay! With Jin" inis na sabi ko.

"Jin? Pumayag siyang lumabas sila? Naku! Anak! Yan nga ba ang sinasabi ko eh. Naunahan kana" Ani ni tatay.

"Tay! Hindi naman ito paunahan eh, tsaka alangan naman po na ako ang mag First move? Nakakahiya naman po tay! Alam niyo naman po na Sikat na Artista yun at Anak ng isang Doctor! Kaya malabong pumatol yun sa isang tulad ko!" Buong puso kong sinabi yun, and my eyes watered.

"Anak! Wala namang mali sayo, Nagmamahal ka lang? At bakit ba pinangungunahan ka ng takot mo? Hindi naman masama i-try diba? Ang masama yung hindi mo sinubukan." Mariin na sabi ni tatay.

"Tay! Nag-aalala talaga ako, baka kung ano na ang ginawa ni Jin sakanya, kilala niyo naman po siya diba?" Pag-iiba ko ng usapan at napatayo naman ako tsaka kinuha ko yung key na binigay saakin ni Jisoo. Kaya naisipan kong, puntahan kaya nalang siya.

"Ano binabalak mo Anak? Siguro naman hindi magagawa ni Jin yang iniisip mo" ani ni tatay.

"Tay! Gusto kong puntahan siya, I just want to make sure na nakauwi na siya sa Condo niya, I trust Jin naman tay pero hindi ako mapakali kung hindi ako makasigurado na nakauwi siya" Sunod sunod kong sabi habang nakahawak sa mga kamay ni Tatay.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now